38

55 3 0
                                    

Napakurap ako nang tuluyan niya na talaga akong hinarap.

Nanatiling nagtiim bagang si Chris sa aking harapan. Even though he was still sitting back, kinakabahan pa rin ako sa mga titig niya. Narinig niya ang sinabi ko! I bit my lower lip and immediately ran inside my room. Hinabol naman ako nito!

"Leina! Open this!" pagkatok niya sa pintuan.

"Ayoko! Maliligo muna ako!"

"Mamaya ka na maligo! Lumabas ka muna dito!"

I closed my eyes and shook my head. "No! I don't wanna talk to you! Leave me alone!"

Natigilan siya sa pagkatok. Wala na akong narinig na ingay, hindi siya kumibo.

Is he gone? Damn. I shouldn't have said that! He might got offended! So insensitive, Leina!

Nasapo ko nalang ang noo at naupo. Nahihilo na naman ako at nasusuka. Ano ba kasing nangyayari sa akin! Napapadalas na 'tong mga sakit na 'to, ah.

Bumuntonghininga ako. Pinakiramdaman ko ang paligid. Umalis na ba siya? I pouted. Ang sabi niya ay magpapacheck up kami. Bakit biglang iba ang nangyari?

Kung hindi ka ba naman isa't kalahating tanga, bakit mo sasabihing mahal mo siya!

Eh, mahal ko naman talaga siya!

Napatakip nalang ako sa bibig ko. What the fuck is happening to me! And the thought that I still love him didn't felt weird, surprisingly.

What the hell?

"Lei, si Heleina!" Chris shouted the reason why I ran fast and opened the freaking door that I immediately regretted why I did that!

"Huli ka..."

Shocked. He locked the door and walked slowly towards me. Ako naman ay nanatiling masama ang tingin sa kanya at patuloy na lumalayo.

Napahawak ako sa ulo ko bigla at naupo sa gilid ng kama.

I'm feeling dizzy. Wait... I can't clearly see anything... What's happening...

"Leina!"

"Leina, naririnig mo ba ako?!"

"Hang on..."

Holy hell, why I'm feeling like this right now!

Nagising nalang ako at nagulat na nandito si Shena, Sean, Chris at...

Doktor?

Para saan? Sa 'kin?

"W-What happened?"

The Doctor smiled approachably. "Unfortunately maam, you were overworked the reason why you lose your conciousness and you badly needed rest for now... Your boyfriend told me that you were  experiencing vomiting and dizziness and that's because of your migraine. I suggest that for the mean time, iwasan muna ninyo ang stress at masyadong pagtrabaho."

Sinipat ko ng tingin si Chris na ngayon ay dismayadong dismayado ang mukha. Bugnot na bugnot at kunot na kunot ang mga kilay. What the hell happened to him? May kaaway ba siya?

Tumango at nagpasalamat na rin ako sa doktor nang umalis ito, saka ako kinurot ni Shena sa braso. Napangiwi ako.

"Ayan! Sabi ko na, e! Tinatanggi pa kasi! I told you that you needed rest— Ugh! Why are you so hard-headed!" napapadyak pa siya sa inis.

Humalakhak si Sean. "Parehas lang naman kayo. Tigas ng ulo."

Umirap si Shena. "Ulo mo yung matigas!"

Nanliit naman ang mga mata ni Sean na tumitig kay Yesha. "Aling ulo ba?"

Nagpatuloy sila sa pag away kaya naman binaling ko ang atensyon ka kay Chris na ngayon ay sa akin nakatingin. Bahagya siyang ngumiti at lumapit sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko.

With You in the Middle of NowhereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon