04

189 56 20
                                    

Sobrang puyat ko ngayong araw kaya naman hindi ko maiwasang maidlip paminsan minsan sa classroom. Minsan na rin akong sinisita nina Millicent para hindi ako mapagalitan ng prof namin.

Nang nagising kasi ako nung alas onse ay hindi na ako nakatulog pa ulit dahil dumiretso na ako sa karendirya. Apat na mainit na kape ang ininom ko bago ako pumasok.

Mabuti nalang at discussion lang ngayong umaga kaya medyo nabawasan ang gawain ko. Malaking pabor na iyon sa akin.

"Gisingin moko mga ala una, Sean. Di na ako maglulunch. Kailangan ko pang bumalik sa karendirya." sabi ko at ipinatong ang bag ko sa mesa ng canteen tsaka ko hiniga ang ulo.

Wala pa si Shena at ang sabi niya sa text ay may inasikaso lang siya at pupunta rin dito.

"Masyado mong pinapagod ang sarili mo. Hindi mo ba kailangan ng tulong namin? Dito lang kami, oh!" aniya pero di ko na siya sinagot pa dahil sa sobrang antok.

Gaya ng napagusapan ay ginising nga ako ni Sean kaya naman nakapagluto ako sa karendirya ng marami raming putahe rin para sa pang gabi na tinda.

"Gusto mo bang mag softdrinks, iha?" si Ate Flor.

"Hindi na po! Mas healthy po ang tubig," sabi ko sakanya. Alas siyete na ng gabi at kasalukuyan akong kumakain ngayon para makauwi na.

Malaki laki rin ang kita ni Ate Flor sabi niya kaya natuwa ako dahil matutupad ang saad niyang limang libo ang magiging sweldo ko buwan buwan.

"Kumusta naman ang pag aaral mo? Hindi ka ba nahihirapan? Ayos ka lang ba?" tanong pa ni Ate Flor kaya naman bahagya akong natigilan.

Si Shena lang kasi ang nagtatanong sa akin ng ganon kaya nakakatuwang concern sa akin si Ate Flor.

Uminom ako ng tubig tsaka pinunasan ang bibig ko pagkatapos. "Kaya naman po. Puyat pero kailangan, eh." nginitian ko siya.

"Ipagpatuloy mo lang iyan, iha. Matatapos din lahat ng kung ano mang problema mo sa buhay." ngumiti din siya.

Sana nga matapos na. Kasi sa loob-loob ko ay pagod na ako. Pero wala akong karapatang mapagod sa buhay na 'to. Dahil sa buhay ko, hindi ko alam kung saan ako pupulutin kung hindi ako mag pursigi. Ayoko nang iasa sa iba ang buhay ko. Kailangan kong magtrabaho.

Isang malakas na buntong hininga ang pinakawalan ko bago pumasok sa bahay nina Shena.

"Good evening!" bati ko. Inistretch ko ang sarili bago ako naupo sa sofa at nilapag ang bag ko sa gilid.

"Evening, dear, kumain kana ba?" si Tita Maricela dala dala ang basong may laman na ice cream tsaka humarap sa TV. Crash landing on you na Kdrama ang pinapanood niya.

"Tapos na po! Kumain na po ako bago umuwi para diretso tulog nalang." nginitian ko si Tita. Nipause niya ang pinapanood niyang movie kaya nagulat ako.

"Kumusta naman ang araw mo?" sinubo niya ang ice cream.

Ngumiti ako. "Maayos naman po, masyadong naging busy pero kaya naman. Kakayanin!" ngumiti pa ako ng mas malawak kaya naman natawa pa siya.

"Mabuti kung ganoon. Bilib rin talaga ako sa iyong bata ka. Hindi ko lang talaga malaman ang dahilan kung bakit naging malupit ang mga magulang mo sa 'yo," sabi niya.

"Kahit ako po, eh." kamot ulong sabi ko.

"I'm very willing to be your mom.”" nakangiting aniya.

"Iyon naman po talaga ang turing ko sa inyo." nakangiting sabi ko din.

Totoong nanay na rin ang tingin ko kay Tita Maricela. Hindi iyon dahil sa mga tulong niya kundi dahil sa pinaramdam niya sa aking hindi ako masamang anak. Na kamahal mahal ako.

With You in the Middle of NowhereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon