34

79 3 0
                                    

Tanging tunog ng mga huni ng ibon at tubig ng ilog lang ang nahihimigan ko ngayon sa lugar na ito. Abala kong pinagmamasdan ang paligid habang si Chris naman ay tahimik lang sa likuran ko. Nang nilingon ko siya ay matamis niya akong nginitian. Ngumiti rin ako pabalik.

Kasing ganda ng ngiti niya ang kagandahan sa lugar na ito.

Hindi ko akalaing may ganito kagandang lugar sa buong mundo. Lahat ata ng narito ay mag nobyo, nakikita ko kasi mula dito ang paghawak ng lalaki sa kamay ng isang magandang dalaga bago ito hinalikan at niyakap. Ang iba ay nagyayakap sa tabi ng ilog. Sa kabilang banda ay madami ring nagtitilian at nagkukulitan sa pagsakay ng kabayo. Napapangiti ako nang masaksihan.

"Anong lugar 'to?" tanong ko kay Chris.

Sumulyap pa muna siya sa mga batang naglalaro bago ako nilingon. "Maganda 'di ba?" asik niya kaya tumango naman ako.

Totoong maganda ang lugar na 'to. Maganda sa pakiramdam ang simoy ng hangin na nagmula sa mga preskong punong kahoy. Hindi rin kakitaan ng dumi ang lugar na 'to. Napangiti akong muli.

Tahimik kaming naglakbay papunta sa tulay patungo sa isang payapang daraanan ng kabisada. Ang mga tunog paa ng kabayo ang naririnig ko. Sa gilid ko ay si Chris na nakatitig lang sa gawi ko, nagmamasid. Bahagya naman akong nailang kaya nilipat ko ang paningin sa bandang kakahoyan.

Paano ko ba sisimulan? Hindi ko alam kung anong sasabihin ko! I already told him I wanted him back! Hindi pa ba sapat iyon? Wala na akong dapat na sabihin pa. Mahal ko pa siya, siguro ay alam niya naman na iyon. Tatabi ba ako sa kanya sa pagtulog kung hindi? I'm not like that!

Napairap ako sa hangin. Siya lang naman ang hinihintay kong magsalita. Bahagya ko siyang sinulyapan. Nakapamulsa pa din siya at bahagyang nakayuko ang mga ulo habang naglalakad kami. Napansin ko siyang lumunok, nag-aalinlangan siguro. Kaya naman, nakagat ko pa ang sariling labi dahil sa tuwang hindi ko alam kung saan nanggaling. Malakas ang pagkabog ng puso ko, at tila'y parang lumulutang ako sa ganito ka simpleng ginagawa namin. Na kahit hindi ko siya magawang hawakan, basta ba't katabi ko lang siya ay okay lang. Mahina akong napabuntong hininga at iniwas ang paningin sa kanya.

"Leina..." basag niya sa katahimikan.

"Hmm?"

Saglit na lamikmik ulit ang namuo sa paligid namin. What is he up to? Ano ba ang gusto niyang sabihin at bakit parang may pumipigil sa kanyang sabihin iyon? This is new. Bago ito sa akin. Dati naman ay hindi siya ganito. Kung anong nararamdaman niya, agad niyang sinasabi. Maybe he's ashamed of something? Something what?

Nagulat ako nang bigla siyang tumigil sa paglalakad kaya napatigil na din ako. Dahan-dahan niya akong hinarap at marahan na hinawakan ang mga kamay ko. I blinked twice. Sa sobrang kaba ay nawala ako sa sarili pansamantala. I gulped harder than normal! Bakit ganito? Kinakabahan ako!

Slowly, he closed his eyes in defeat. Parang mahihimatay ako sa pag-alala. Pwera nalang nung nakita kong pumungay ang mga mata niya nang dumilat. The way he stare at me gives me chills. Immediately, all my second thoughts is gone. Marahan niyang pinisil ang palad ko at hinalikan iyon. Tears pooled in my eyes.

"Mahal kita. Pasensya kana sa mga pagkukulang ko. Sa mga panahong kailangan mo 'ko ngunit... wala ako sa tabi mo para alalayan ka. Pasensya dahil hindi ko nagawang manatili dahil sa kagustuhan kong tulungan ka. Hindi ko na kasi alam ang gagawin ko no'n, Leina... Naubos din ako. Gustong gusto kitang samahan sa lahat. Gustong gusto ko, Leina. Kaya pasensya na kung hindi ko nagawa...

"Sa mga oras na kailangan mo ako sa tabi mo, ikaw lang din ang iniisip ko. Sobrang... sobrang hirap. I apologize for being  an irresponsible man—"

With You in the Middle of NowhereDove le storie prendono vita. Scoprilo ora