41

66 7 1
                                    

"Oh! Napadalaw kayo? Pasok, pasok! Yaya Licia, narito si Leina!" pambungad bati sa amin ni lolo nang makarating kami sa mansyon niya.

Ang lawak rin talaga dito, e. Actually, lagi akong naa-amaze sa tuwing dumadalaw ako rito paminsan minsan. My house was fabulous and all that, but lolo's mansion's more fab and fantastic. Antique style na may pagka modernized ito. The Martinez and Phoebes Family photo frame were very centered and huge, naaagaw agad nito ang atensyon ng kahit na nino.

All this time, ang pinapagitnaan nina lola at lolo sa malaking litratong iyan ay ang totoo kong ina. Napailing nalang ako at bahagyang ngumiti kay lolo. Nag usap pa muna sina Chris habang ako ay masayang sinalubong sila Manang Sima at Yaya Licia. Nagtilian pa kami ni Yaya Licia habang si Manang Sima ay nakaismid sa aming dalawa.

"Naku, Lei! Buti nakadalaw ka uli! Sino iyang kasama mong pogi?" tanong ni Yaya Licia habang sinusulyapan nang patago si Chris.

Pinandilatan kami ni Manang Sima. "Aba! Matagal tagal ka na ring hindi nakadalaw, hija? Kumusta ang iyong kalagayan? 'Wag mo na pansinin ang tanong ni Licia."

Tumawa ako. Si Yaya Licia naman ay bugnot na bugnot ang mga mukhang nakatingin sa amin.

Ngumiti ako sa kanila. "Ayos naman po, Manang Sima. Busy lang po talaga kaya hindi na nakakadalaw..."

"Mabuti naman at maayos ka lang... Salamat sa Diyos at maayos ka na rin."

Matamis akong nginitian ni Manang Sima bago siya bumuntong hininga at niyakap ako. I gritted my teeth to contain my cries. Manang Sima and Yaya Licia witnessed it all. The struggle. The hardship. The wounds. I'm glad that they're still here. Balita ko nga ay halos dito nalang sila tumira ani lolo gayong iniimbita ni lolo ang pamilya nina Yaya Licia at Manang Sima paminsan minsan para may makasama siya. Naiintindihan ko naman dahil si lolo lang ang nakatira dito mag isa kasama ang mga makakapagtiwalaang kasambahay at guwardya.

Tinapik ako ni Manang Sima at dinala sa kusina para ipatikim sa akin ang kasalukuyan niyang niluluto, habang si Yaya Licia ay inaayos ang ilan sa mga labahin at bumalik rin naman agad sa puwesto namin.

"Nobyo mo ba iyon, Lei? Naku! Sobrang dalaga mo na talaga!" kumikislap pa ang mga mata niyang sinabi iyon.

I scoffed. "Hindi ko siya boyfriend hanggat hindi siya mangliligaw."

"Ay, bakit walang ligaw? Hindi ka bet?"

What?!

"Duh! Ako pa talaga? Baka siya ang hindi ko bet."

Umarko ang kilay ni Yaya Licia sa sinabi ko. "Weh? Sobrang kapit mo nga sa braso niya kanina tapos hindi mo bet?"

Uminit ang pisngi ko dahilan para pagtawanan nila ako ni Manang Sima.

Umiling ang matanda. "Hay. Mga kabataan talaga ngayon. Ipagpatuloy nyo lang ang pagmamahalan ninyo, hija."

Awkward akong ngumiti at tumango nalang.

Natakam ako sa niluto ni Manang na Menudo. Astig. Manang still knows how to cook deliciously. Nakalimutan ko tuloy pansamantala ang totoong pakay ko kung bakit ano nandito.

Si lolo pala tatanungin ko pa. Maybe sa hapag nalang or after we eat our lunch. Tumulong ako sa pag aasikaso. Ako ang naghanda ng mga plato at iba pang utensils na gagamitin sa pagkain.

Lolo delfin and Chris were talking about business I couldn't relate to kaya hinayaan ko nalang sila at nagsalin nalang ng tubig sa pitcher. Sabay silang napalingon sa akin. Tumaas ang kilay ko at itinaas ang baso sa kaliwang kamay.

"Let's eat?"

Walang nagawa kaya tahimik kaming kumain. Nakalimutan ko na may rules pala si lolo kapag kumakain. Hindi puwedeng magsalita ng mga vulgar topics o kahit simpleng pag uusap lang. Kapag kain, kain lang talaga.

With You in the Middle of NowhereWhere stories live. Discover now