16

80 6 0
                                    

Puyat ako kinaumagahan dahil hindi pa rin ako maka move on kagabi. And I don't even think kung makakausad pa ako sa pagkalunod. Chris really knows how to make me go crazy with his actions, he never failed to surprise me.

It's almost Christmas kaya namili muna ako ng kagamitan at ipanghanda ko. Malaking pasasamalat ko dahil nabigyan ako ng opportunity na magpinta sa mga bags, iyong deal sa akin ni Shena na kaibigan niya raw. It costs thousands but definitely far from Tita Maricela's offer—that was fucking pricey! Ni wala pa akong ginalaw sa mga Hermés bags ni tita sa sobrang takot kong mapintahan ko ang mga iyon kaya nasa cabinet lang ng kwarto ko ang mga iyon.

At simula naman nang nag-London si Shena ay lagi naman talaga kaming nagvivideo call nina tita. Pero... hindi ko pa naikwento sa kanyang kami na nga ni Chris. Kung maaari, sa amin nalang muna 'yun.

Pumunta pa muna ako ng bangko para mag deposit ng pera. Ganoon ang ginagawa ko, pagkatapos kong mamili ay sa bangko ang diretso ko. Limit na pera lang kasi ang hawak ko lagi para na rin hindi ko magastos sa ano mang oras. Kailangan ko talagang magtipid lalo na't pinaghihirapan ko lahat ng nakukuha ko. Nagtatawag rin naman kami ni Ate Flor at ang sabi niya ay sa Pebrero pa raw niya planong magbukas, pabor rin naman sa akin 'yon.

Of course, aalis na rin ako sa karendirya sooner or later dahil magiging mahirap naman talaga sa akin ang mga gawain sa mga susunod na taon. I just need to work hard twice so the payback would be doubled. As much as I can handle this situation, kakayanin ko.

I went to a coffee shop near the mall, tinext ko muna si Chris para alam niya ang lakad ko at pinag ingat lang naman ako nito.

"Two black coffee please," I ordered.

Mataray pang inabot ng crew ang dalawang kape sa akin at ngumiti ng malawak sa lalaking kasunod ko!

I pouted.

Umupo nalang ako sa pang apat na upuan dahil nahihilo na talaga ako. Puyat at pagod ako pero talagang sa vitamins nalang ako kumakapit at sa mga healthy na pagkain. I cannot believe my immune system could be this too much, so far, wala pa akong accidents and hospital records and for fucks sake, I don't wanna have any.

Hindi pa man ako nangangalahati sa kape ay nahagip ng paningin ko si Chris, kasama ang isang matandang lalaki.

Wow lang! Coincidence ba 'to o destiny?

Tingin ko ay dito sila papunta kaya pinanuod ko nalang sila mula sa loob habang umiinom ng kape. Mukha nama silang close dahil nakangiti silang dalawa sa isa't isa. It seems like they are talking to something very interesting dahil sa mga ngiti nila.

"Pst," suminyas ako pero hindi ko sila tinitingnan. Nakita kong hinanap niya kung saan nanggaling iyon at namilog naman ang mga mata niyang napatingin sa akin. Ngumiti ako sa kanya, at sa kasama niya.

"Hey, you're here," he leaned over to kiss my forehead nung dumating sila sa table ko.

I smiled. "Yes, kape kape lang. May kailangan akong gawin, e." kahit wala naman talaga.

Tiningnan ko ang matandang hula ko ay nasa early 60's or something. Halatang mayaman dahil sa itsura nito, matipuno pa rin at nakasabit ang mga alahas na halatang mamahalin rin. 'Yung type na matandang pwede mong pagsanglahan ng kung ano-ano? Ayun siya.

I awkwardly smiled. "Ah, hello po!"

The amusement of the old man's eyes were evident, para bang nakakita siya ng ginto o something nanalo sa lotto. Ang weird naman ng lolo mo!

"Upo muna kayo," I gestured them the seat in front of me kaya naupo rin naman sila. Si Chris ay parang natutuwa na something excited ang itsura, anong mukha 'yan?

With You in the Middle of Nowhereजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें