17

76 6 0
                                    

We shared a passionate kiss infront of a full length mirror. He then held my nape and slid his tongue inside mine. I moaned softly at that.

Damn

I was caressing his biceps now as we kissed. And then he pulled my waist and started kissing my jaw, down to my neck. I gasped. Sobrang bilis ng kabog ng dibdib ko.

Naramdaman ko pang bahagyang tumaas ang manggas ng dress na suot ko. Nalunod ako sa halik.

"Chris..." hindi makilala ang boses ko.

Then there, he suddenly stopped.

"That was enough." he said that in a low baritone voice.

It gives me butterflies in my stomach

"But—" I don't want to stop. I was about to say that but he cut me off.

"I'm going." he kissed my forehead.

I pouted. Ayoko matapos ang araw na 'to! Pero kailangan niyang umuwi. Kung hindi...

Mabilis akong umiling! Ano ba 'yang iniisip mo, Leina!

He chuckled. "You don't want me go?"

My eyes widened. "No! Y-You can go..." I immediately walked outside the room. Tumatawa lang siya sa likod ko. Giniya ko na siya hanggang sa gate.

"Bye, Chris," nahihiya kong sinabi. Kagat ang mga labi.

Of course! I was embarrassed about earlier! I don't know how to kiss... tapos ayaw ko pa siyang pauwiin!

Dinilaan niya ang ibabang labi. "Have a good sleep, then. Lagi kang puyat. 'Wag mong hintaying gagawa ako ng paraan para makatulog ka ng maaga."

I glared at him. I don't know! Feeling ko iba ang ibig niyang sabihin!

"Good night, Leina." he leaned and give me a quick kiss saka siya umikot sa sasakyan at pumasok.

I waved. He winked and mouthed, "Go inside,"

Uminit ang pisngi ko at wala sa sariling tumango nalang. Tuloy, wala sa sarili rin akong pumasok ng gate at umakyat.

Oh my god, I initiated the kiss! Ako 'yun?

Binagsak ko ang katawan sa kama, atsaka ko hinaplos ang kuwentas na bigay niya. Kagat ang labi ay tinakpan ko ang mukha gamit ang unan saka ako tumili ng malakas! Oh my gosh! Hindi ako makapaniwala! Ang lambot ng labi niya!

Marahan akong pumikit at hinawakan ang sariling labi. Sa pangawalang pagkakataon, tumili muli ako ng pagkalakas lakas! Tuloy ay nahampas ko ng bahagya ang side table gamit ang unan!

"Ay punyeta!" nahulog ang phone ko sa sahig! Mabilis ko iyong pinulot at tuluyang humiga.

Pikit ang mga matang nakangiti parin ay tuluyan na akong hinila ng antok.

The next morning, I had my eggs and toasted bread. May nakita kasi ako sa tiktok at sakto iyon pang breakfast. Try lang naman kaya niluto ko iyon. Kinulang ako sa ingredients gaya ng butter pero masarap parin naman ang naging resulta ng niluto ko.

Nagsimula akong kumain at nanuod ng telebisyon. Uulan daw ngayong araw kaya napasilip ako sa bintana. Maulap nga ang panahon at hula ko ay babagsak na rin ito maya maya pa. Tinapos ko ang kinain saka ako naligo at nagbihis ng hoodie at pajama. It's ber months so expected ang lamig ng klima.

Ilang araw nalang pasko na...

I decided to get ready my art materials, canvas, brushes and paints. Ipininta ko ang nangyari kagabi. I sketched out the scenery of us kissing. Our eyes were closed, dama ang halik na pinagsaluhan. Suot ko ang kuwentas na binigay niya, at siya, nakahawak sa panga ko. I bit my lower lip while doing my work.

With You in the Middle of NowhereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon