11

110 15 11
                                    

Ang sabi niya ay iuuwi niya na ako pero narito kami sa mall ngayon. Greenwich. Probably because he was hungry. Hindi ako umangal at pumayag nalang. Inayos ko ang echo bag na dala. Laman pa rin niyon ang laptop at dalawang notebooks ko, at siyempre ang pouch where my personal things are.

"Ako na ang mag order. Humanap ka nalang ng pwesto." aniya.

Tiningala ko siya at mabilis na kinuha ang wallet ko. Sumama ang mukha niya.

"I will pay for it, Leina." he said.

Umirap ako. "Tanggapin mo na. We should pay half-half, ayaw kong magkautang sa 'yo." I said sarcastically.

He heavily sighed and take my cash. Wala ring nagawa. I went straight to the comfort room, mahaba pa naman ang pila at matagal naman dumadating ang order dito. I checked myself at the mirror at doon ko napagtantong sobrang haggard ko!

Kinuha ko ang pouch at kumuha ng pulbo doon. Bigay lang ito ni Shena sa akin. I added a little powder to my face then after that, I tried to apply some lipstick. It was in a natural shade so hindi masyadong halata but I felt uncomfortable with it, though it was fine. Ngumiti ako sa salamin. I put some cologne sa neck ang wrist ko. Cologne nalang dahil hindi ko pa afford bumili ng perfume.

I keep all my things then bahagyang lumayo sa salamin. Ako lang naman mag-isa rito kaya walang problema. I shamelessly striked a pose. I was wearing a white shirt paired with a mom jeans and white sneakers na rin dahil wash day namin ngayon. Nakalugay lang ang itim kong buhok so I made a bun to it. Inayos ko ang bangs tsaka ako nagpasyang maghanap na ng table.

Ensaktong si Chris na ang nag-oorder nang makaupo na ako. I keep on glancing at my wrist watch, maaga pa naman iyon. I will go home maybe before nine. Sean gave me a break to train dahil nakikita niya naman ang improvements ko at sobrang saya ko na doon.

I stared at Chris. He was wearing a white dress shirt paired with dark blue jeans and of course a shoes. He looked sexy... and smart. It's his usual work attire and I can't help to not comment about it. Such a head-turner.

Lumingon siya sa gawi ko at mapaglarong kumindat. Napayuko ako at kinagat ang labi. Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyayari. Everything was unimaginable. Ngunit masaya ako roon, sobrang saya. Sa halip na ipagpatuloy ang pagpapantasya ay umayos ako ng upo nang dumating siya sa table namin at naupo sa harap ko.

Tumikhim siya. "You seem lonely when I saw you, where's Shena? Hindi ba lagi naman kayong magkasama no'n?"

I smiled. "Busy rin. Paminsan-minsan, nagkikita naman sa school kaso hindi kami masyadong nagsasama na. Kapag nagka-ayaan lang o kaya'y may libreng oras."

He nodded. "Ilang araw nalang rin naman. How was your day?"

Naiintindihan ko kaagad siya. Ilang araw nalang ay matatapos na ang klase. Dalawang buwan akong libre pero hindi ibig sabihin no'n ay wala akong gagawin. Sa loob ng mga buwan na iyon ay busy pa rin, ngunit hindi na kasing busy noong una.

We talked a bit about our day before our food arrived. And again, he bought a lot of food! There were pasta, pizza, chicken, and a lot of rice!

"Paano ko namang uubusin 'tong lahat?!"

"Whatever you want. Just eat a lot and we can take out some, maybe for your snacks. You eat midnight snacks?"

"Nope. Only milk, kapag nag aaral."

Nagugutom naman ako pero hindi ko dinaramdam. Mas lalo lang akong gugumutin gayong wala nang makakain sa mga oras na 'yon dahil ubos na sa pang-hapunan.

Tumango-tango siya. "That's good, atleast."

Nagngitian kami at kumain na. And of course, we didn't talk when we started to eat. Nacoconscious akong ngumuya dahil tumitingin siya sa akin bigla. I will awkwardly smile whenever it comes.

With You in the Middle of NowhereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon