03

240 59 17
                                    

"Hindi ko muna matatanggap 'yan, Shen." nakangiting sabi ko sa kaibigan.

"Ens naman! I want to support you, diba? Sabi ko ay nandito lang ako sa tabi mo," giit sa akin ni Shena pero ayokong maging pabigat sa kaibigan.

"Tatanggapin ko 'yan kapag nakahanap na ako ng trabaho. I need to work. Babayaran ko ang perang nagastos mo sa akin, Shen. Hindi puwedeng libre nalang ang lahat." pangangatwiran ko pa.

"Wala naman akong sinabing libre, no! It's just that, I wanna help tho I respect your decision." ngumiti siya at hinawakan ang kamay ko.

Kasalukuyan kaming nasa kwarto at handa na para matulog. Nasa bed siya at nasa sahig naman ako. Hindi naman ako maarte sa alinmang bagay kaya kumportable akong makakatulog nito.

"Just always remember that I'm here for you, I got you and I believe in you." madamdamin niya iyong sinabi at bahagya pang pinipisil ang kamay ko.

"Hindi ko alam ang gagawin ko kung wala ka, Shena. Gusto kong tanggapin ang mga alok mo pero gusto ko ring tumayo sa sariling mga paa. Thank you kasi... malaki ang tiwala mo sa akin, iyon lang ang kailangan ko galing sa 'yo." may bumabara sa lalamunan ko na pilit kong nilulunok para lang hindi maiyak.

Sawa na akong umiyak ngunit ganoon nalang ka lakas ang pag iyak ko nang niyakap ako ni Shena.

"Hindi ako naging mataray kung hindi kita naging kaibigan," natatawang sabi ko kaya bahagya pa siyang natawa habang sumisinghot.

"Anghel ka eh, kailangan mo ng taga protekta para hindi ka agad ma-manipula." kindat niya sa akin.

Inayos na namin ang kanya-kanyang higaan tsaka ako humiga ng tuluyan. Nakatitig sa kisame.

"Good night, Shen. Salamat ngayong araw." sabi ko pa. Hindi ko na siya narinig na sumagot kaya alam kong tulog na siya tsaka ako tuluyang nilamon ng higaan.

Kinaumagahan ay naligo ako at nagbihis sa banyo ni Shena dito sa kwarto niya. Alas sais pa naman ng umaga pero kailangan ko talagang makahanap ng part time job. Tingin ko naman ay kakayanin ko 'yon habang mini-maintain ang grades ko para sa scholarship na meron ako. May allowance naman ako galing dun kaya paniguradong makakapagipon ako.

Hindi ko kayang manirahan nalang dito kay Shena. Ayokong isipin niya na pabigat ako kahit alam kong hindi niya naman maiisip ang ganun. Sadyang gusto ko lang magtrabaho para sa sarili. Ayokong maging iresponsable. I consider myself as an unprivileged person dito sa earth. Psh.

I am currently putting some powder all over my face and my neck.

"Bakit kaya hindi ako ganyan ka-ganda kapag pulbo lang?"

"Impakta! Gising kana pala!" napapatalon na sabi ko, gulat!

"Good morning babe, ang sarap gumising kasama ka," nag unat siya ng katawan at tinapunan ako ng unan tsaka siya natawa.

"Tunog magjowa, huwag mong sabihing nahuhulog kana sa 'kin?" nilingon ko siya at ganon nalang ang gulat ko nang magkalapit ang mukha namin!

"Holy-!" hiyaw niya kaya humagalpak ako sa tawa kaysa sa mandiri.

"Maligo kana! Laway mo, oh!" dinuro ko ang mukha niya kaya natawa na naman ulit ako.

"Good mood ka masyado ngayon, I'm happy." nginitian niya ako kaya naman ay nagngitian kami bago siya tumuloy sa cr.

I am still blessed.

"Hoop! Good morning, Tita!" binato niya sa 'kin ang isang apple pagkalabas ko pa lang sa kwarto.

"Morning, dear. Where's the destination? Aga pa." aniya habang nagluluto ng pancakes.

Nilaro ng mga mata ko ang kabahayan nila Tita, puting pintura ngunit hindi basta basta, chandelier be hanging on the living room, maaliwalas sa mata at malinis.

With You in the Middle of NowhereWhere stories live. Discover now