39

62 3 0
                                    

Life was so cruel for us in the past years of my existence. Living in pain. Crying endlessly. I have always thought I became numb because of those experiences. That it was more than enough to end my life. To not suffer anymore. But then I realized, chances has no ending.

Heleina messed up, hurt me bad. Made me suffer. And now she's genuinely sorry for what she have done. In my situation, there is no place for being grumpy anymore. We're done playing our feelings. We're done pretending. We're done of the pain. And now, it's  time to forgive.

Revenge is never the solution to free yourself. It will just worsen the situation you're in.

Makalipas ang walong buwan ay naging maayos ang relasyon namin ni Heleina. At ang mas nakakatuwa ay naging mas mabuti pa ang kalagayan ko. Ganunman, nanatiling nandyan ang mga gamot para sa akin. Nagsisihan pa si Shena at Heleina sa mga nangyari dati. Ngunit tila sinawalang bahala nalang nila iyon.

Binato ni Yesha si Chris ng newspaper. "Mag November na, ano na!"

Naningkit ang mata ni Chris at bagot na lumingon sa gawi ko habang naglalaptop. Katabi ko naman si Heleina na tumatawa lag sa kuwentuhan nila ni Sean at Shena. Sinipat ko rin ng tingin ang ginagawa ni Chris.

Busy siya sa trabaho.

Kaya naman hindi na siya inabala ng tatlo. Nagpatuloy sila sa pagkuwentuhan kaya napagpasyahan kong ipagtimpla nalang sila ng maiinum at ipagluluto ng pagkain. It was already 4 in the afternoon at maulan sa labas. Dahilan kung bakit lahat kami ay naka hoodie.

Suot ko ngayon ang makapal na hoodie at pajama. Naka bun rin ang buhok ko at suot suot ang glasses. Yes. Masyado na kayang hassle kapag nag contact lense pa.

Naglakad ako papuntang lamesa at naghanap ng maaaring iluto. Naguluhan pa ako sa sobrang daming pagkain na nakita ko. Nag grocery ata si Chris? Hindi ko alam. Sa huli, ginawan ko nalang sila ng tig i-isang sandwich.

Nag fried ako ng slice bread sa kawali dahil kamalas malasang sira na ang toaster namin. After ko itong initin ay nilagyan ko ito ng mayonnaise at ketchup saka ko maingat na ipatong ang beef, cheese at ang mga gulay na hiniwa ko. Dalawang beef iyon kaya naman kinabahan pa ako at baka di pa magkasya. But then I successfully made it!

"Tulungan na kita."

Nakagat ko ang labi dahil sa malalim na boses ni Chris sa likod ko. Mainam akong tumango at ngumiti. Sabay naming dinala ang meryenda sa gitna nila. Napasinghap pa ang tatlo nang maamoy.

Takam na rin akong tumikim!

Pinandilat ko sila. "Wala munang kakain! May dagdag pa 'yan!"

They raised their hands as if they were arrested. Ngumisi ako at naglakad tungo sa ref. May natira pa akong donuts na dalawang box kaya hinablot ko na at naglakad pabalik sa pwesto nila.

Naghiyawan naman ang mga bruha.

Tumawa si Heleina. "Dito na talaga ako lagi as in, ang daming kain!"

"Tapos na kasi si Ena sa tipid session niya! Kaya kahit anong klaseng pagkain basta masarap bibilhin niya na!" sabay tawa rin ni Shena.

"Sana all talaga mayaman!"

I raised my brows at Sean. "Yabang mo na, ah? Musta relasyon n'yo ng bestfriend ko?"

Humagalpak sa tawa si Heleina at Chris dahilan kung bakit natawa rin ako. Awkward naman na nagkatinginan ang dalawa. Psh. Mas matanda pa nga si bes sa 'kin pero ganyan sila kung umasta ngayon. Weird.

"Naku, ang pabebe ng bestfriend ko!"

Umirap naman siya. "Tumahimik ka nga, Ens! Namumuro ka na, ah!"

With You in the Middle of NowhereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon