24

53 5 0
                                    

It was a happy month last four months ago. Ngayon, busy na naman since malapit na ang exam. Hindi na ako sinusundo ni Chris simula noong nagkaroon ako ng sasakyan, and he always told me he's busy for something I didn't ask. It was all sudden but I didn't mind it. Kailangan kong mag aral.

"Hey, Lei! Kumusta?" bati sa akin ni Louie.

Kinawayan pa ako ng mga teammates niya sa likod at bahagya siyang tinutulak sa akin.

Kumaway rin ako sa kanila at hinarap si Louie. "I'm good so far, ikaw ba? Pawis na pawis ah," I chuckled.

Nagkamot siya ng ulo at mahina ring tumawa. "May practice, e. Free ka ba tonight?"

I raised my brows. Hindi ba siya busy? Exam na namin next week, ah?

I shrugged. "Mag aaral ako para sa exam e. Ikaw? Next week na 'yun, ah! Tsaka ano bang meron ngayong gabi?"

Ngumisi siya. "Ano ka ba! Next week pa 'yun tsaka hindi naman 'yun importante masyado, madali lang kaya aayain sana kitang mag dinner."

Mahinang naghiyawan ang mga teammates niya. Kumunot ang noo ko.

I know Louie. Last month lang kami nagkitakita ulit. Last was when we're just in highschool? Elementary? Hindi ko na halos maalala but I know him. Lagi niya akong inaayang mag lunch or dinner and sometimes gala, but I always had my excuses.

I bit the insides of my cheeks. "Mag aaral pa kasi talaga ako, e."

Hinawakan niya ang magkabilang braso ko, convincing me more.

"Sige na! Lagi mo nalang akong tinatanggihan, e. Kulang nalang na isipin kong umiiwas ka sa 'kin," he playfully smirked.

Napangiwi ako. I don't think may rason ako para iwasan siya. We're just classmates back then, ano ba siya? Hinawi ko ang braso ko sa kanya.

"Busy talaga ako. Pasensya." seryosong sambit ko at mabilis na tumalikod.

I heard him call my name habang kinakantyawan siya ng mga teammates niya. I sighed. Sana alam niya na ang ayaw ko sa lahat ay ang pinipilit ako sa hindi ko gusto.

"It's cool to see you having fun with your boys."

Inangat ko ang paningin ko at nakita si Chris sa parking na naka work attire at nakasandal sa kanyang sasakyan. Sa tabi pa ng sasakyan ko!

Buti nagpakita siya?

My brows furrowed in confuse. "Anong sinasabi mo?"

Nagtagis ang bagang niya. "Masaya ka ba kamo sa mga lalaki mo? I saw you earlier that's why I asked. Ngayon na nga lang kita susunduin ulit, gano'n pa ang makikita ko."

I scoffed. Umusbong ang irita sa puso ko sa sinabi n'ya dahilan para sa ilang beses kong pag kurap at pasinghal siyang nilingon.

"Seryoso ka d'yan? Don't tell me you're jealous of those fucked up boys? Really? Mga lalaki ko? Naririnig mo ba ang sinasabi mo sa akin?"

Tinitigan n'ya ako sa paraang ikakabahala ko. Pero hindi, naiinis ako sa sinabi niya.

Naiinis ako sa kanya.

Ngayon na nga lang siya nagpakita ulit, ganyan pa ang ibubungad sa 'kin? Wala naman akong ibang ginawa kung hindi umintindi!

Akmang bubuksan ko na ang pintuan ng kotse ko nang bigla n'yang higitin ang braso ko paharap sa kanya.

"Ano ba! Magpapahinga ako! May exam pa ako na kailangang aralin kaya wala akong oras sa kahit na ano! Umuwi ka na!" sigaw ko sa mukha niya!

Mabilis ang naging paghinga ko at hindi na namalayan ang pagtulo ng mga luha. Expected, nilingon n'ya ako ng walang reaksyon. Umiling ako at binawi ang braso ko mula sa kanya.

With You in the Middle of NowhereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon