15

89 5 0
                                    

"Mag ingat ka doon, ha? 'Wag kang maghanap ng bagong bestfriend! Ako lang Shena! Ako lang talaga dapat. Send my regards to tita!"

Narito na kami ngayon sa Airport nina Sean at Chris. Nauna na raw si Tita Maricela sa London at wala ng oras pa para makapagpaalam sa akin, sa amin. Naiintindihan ko naman 'yun, na pe-pressure raw kasi sila sa mga kamag-anak nila doon, at may sakit pa ang Lola Theresa niya kaya wala silang choice kung hindi ang pumayag.

"Siyempre! Sainyo pa rin ako sasama pagkauwi ko." sabi niya pa at iniwas ang paningin kay Sean.

She hugged me for one last time time bago pumasok habang kakaway kaway sa amin, hanggang sa mawala na siya sa aming paningin. Napangiwi ako ng biglang parang may karayom na tumusok sa dibdib ko.

Mamimiss ko siya... I heavily sighed.

"Ilang taon ulit siyang mawawala?" si Chris.

Hindi nagsalita si Sean.

I pouted and said, "Five."

Tumango naman si Chris. "Tagal," nilingon niya si Sean. "Mamimiss mo?"

Tumaas ang kilay ni Sean at inis siyang nilingon. "Sino bang hindi?"

Humalakhak si Chris. "Sino nga ba?"

Hindi ako makarelate sa kanila. Psh. Pero ang awkward kasi pinagitnaan nila ako habang naglalakad kami. Ang liit ko sa gitna ng mga 'to.

"Sa akin na sasakay si Leina," ani Sean kaya gulat ko siyang nilingon.

As if sasama naman ako sa kanya?

Chris' brows automatically furrowed. "Saan mo siya dadalhin?"

Ngumisi si Sean. "Magde-date kami. 'Di ba Ens? 'Yung napag-usapan natin kanina?"

Ano daw?

Anong trip nitong gagong 'to? Agad akong tumingin kay Chris na ngayon ay seryoso na ang mukhang nakatingin sa akin. Punyeta.

"Ano? At sino namang may sabing magde-date tayo? Baliw ka ba?!" sigaw ko sa kanya! Dinadamay pa ako sa kalokohan niya.

"Ay gano'n? Change of plans? Akala ko pa naman makakasama kita buong gabi... next time nalang pala." kinagat niya ang labi, nang aasar.

"C-Change of what? 'Wag mo akong tinitrip Sean, babasagin ko 'yang bungo mo."

I looked at Chris and now, I can say that he's already mad! Nag walk out na nga siya kaya agad ko siyang hinabol. Tumatawa si Sean at kumaway sa amin kaya naman pinakyu ko siya.

Kairita!

"Hoy! Hindi naman totoo, e—'wag kanang magalit,"

Hindi niya pa rin ako pinapansin. Anak ng—ano ba talagang kasalanan ko dito? Pesteng Sean ginawa akong taga suyo!

"Chris! A-Ano ba pansinin mo nga ako!" pilit ko siyang hinarap sa akin.

"What?" malamig na aniya.

I pouted. "Sorry na... hindi naman totoo, e. Inaasar ka lang ni Sean."

Umirap siya. Aba! Nakagat ko ang labi at pinigilan ang pag tawa.

I cannot believe the famous CEO of one of the richest company here in the Philippines is acting like this in front of me! Talagang umiirap at ngumunguso? What the hell—bumaliktad na ba ang mundo?!

Pasalamat siya mahal ko siya.

"You sure?"

"Anong—I'm sure! Wala talaga."

"I'm still mad,"

Namilog ang mata ko. Ano bang gagawin ko sa matampuhing Chris na 'to?

Wala akong maisip kaya I opened my arms nalang as wide as I could!

With You in the Middle of NowhereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon