33

80 3 1
                                    

Nagkandaugaga ako sa pagpunta tungo sa opisina kung saan siya nagtatrabaho. Hindi ko na alam ang iniisip ko. Kung hibang na ba ako para habulin siya? Gusto ko lang naman siyang makita! Gusto ko siyang harapin at pakinggan. Gusto ko siyang mahalin ulit. Gusto ko siyang pagbigyan.

Akala ko ba busog ka na, Leina? I heaved a sigh.

I heard it from Shena. He'll fly to New York for good, as soon as possible, for the better. I was so nervous. Sa sobrang nerbyos ay parang nasusuka ako. How can he leave me here alone? May girlfriend ba siya roon? Kung meron man, e ano ngayon sa 'kin? Atleast he'll live his life to the fullest now. Ilang beses ko rin siyang tinaboy. So what do I expect? Maghahabol pa rin siya? I'm way too selfish!

Mabilis ang naging pangyayari. Pagkarating ko pa lang sa kompanya na pinamamahalaan ng mga Jansen ay hinarang na agad ako ng receptionist. Wala akong appointment sa kanya. I was so annoyed! Chris was really serious about leaving for good.

Of course! I just told him I'll never go back with him. It affected him a lot, I assume! I rolled my eyes. Why do I kept on keeping my hopes high? Stupid, Leina.

Abala si Shena sa pagsunod kay Chris. She will call me whenever she gets any information about him. Close sila kaya siguro naging madali nalang sa kanya ang pabor ko. But what disappoint me most is, hindi ko na siya nahabol pa. Hindi ko siya napigilan.

"He's gone. Nasa NY na siya, Leina."

Napasinghap ako.

Doon na ba siya titira? For good, right? So doon na nga siya mamumuhay? Kasama ang girlfriend niya? What should I do? What now? Hinampas ko ang manibela at pagod na isinandal ang ulo ko doon. I'm not as patient as before. This is bad. Ang wrong timing ko!

Bumuntong hininga ako. "Book me a ticket to New York, I'll go there."

"Alone?! Can I come?" she grunted.

"Mas maayos siguro kung ako nalang, bes. Just... keep contacting him for information. Please... Thank you."

I went to NAIA at 12am. Yes, I'm hungry but I didn't care. Pagod rin ako galing sa work kaya medyo inaantok pa ako habang naghihintay. My flight got delayed so I'm kind of frustrated. Pero kalaunan, nakalipad na rin akong NY.

I asked Shena and she said that Chris is in the middle of a meeting. So I just went to my hotel room and took a shower there before I'll head off to where he's at. Matagal bago ako matapos dahil sa mga iniisip. Bahala na. At kahit pagod, ayoko magmukhang kawawa kapag nakaharap ko man siya kaya natulog na muna ako. When I woke up, I decided to changed into my casual clothes. I look pretty neat so I couldn't decide if I should put a make up on. Maybe just gloss? Kinuha ko ang pink gloss stick at pinahid iyon sa labi ko. Nagdala na rin ako ng coat, dahil mula pa lang sa airport ay giniginaw na ako.

"He's probably in his office by now, Leina. Do you have a car there?"

"Of course none! Magtataxi nalang ako, Shena."

She groaned from the line. "You're unbelievable. Take care!" then ended the call.

Tuluyan na nga akong lumabas sa building at pumara na ng taxi. Sa totoo lang, sobrang kabado ko habang tinutunton ng driver ang lugar kung saan ako papunta. Lalo na ngayong naguguluhan pa ako kung bakit nga ba ako makikipagkita sa kanya. Hindi ko alam ang sasabihin ko! Sana pala gumawa na ako ng script.

Nervous of the Idea that I didn't exactly know the place kasi hindi naman talaga ako palagi dito kaya inabala ko pa muna ang driver kung saan ang address na binigay ni Shena. I assume, I'll get lost kapag walang Shena sa buhay ko. Salamat sa kanya.

With You in the Middle of NowhereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon