08

140 31 46
                                    

I am now at the front door of where I'm supposed to rent. Dala-dala ang malaking bagahe at mga bag ay pumasok na ako. Nagpahatid lang din ako kay Shena at ang sabi niya ay saka nalang daw niya ako sasamahan dahil may kailangan pa siyang gawin para sa nakuhang kurso.

Inilapag ko ang mga iyon tsaka ko inunat ang katawan at pinagmasdan ang paligid. Hindi naman siya masyadong maliit. Pagkapasok pa lang ay malaking kusina agad ang bubungad na mayroon ng kagamitan at tila iisa lang ito sa sala. Ilang hakbang pa ay mayroog isang pintuan at ang kwarto iyon, malaki at may aircon kaya maayos na rin. Sa cr naman ako nagtungo at malaki din iyon at may maliit na espasyo sa likod kung saan isasampay ang mga damit.

Saglit akong namahinga at kumilos agad pagkatapos para linising muli ang lugar at ilagay sa wastong lagayan ang mga gamit ko. Nangiwi pa ako nang makita kong may kaunting dumi pa ang pader niyon sa kwarto kaya nilinis ko rin naman agad.

"Ayos na!" pinagpag ko ang parehong kamay at nakangiting inilibot ang paningin. Pinaghalong kulay krema at puti ang bahay kaya naman maaliwalas sa mata.

"Kakatapos ko lang maglinis— oo nga! Magpapahinga lang ako!" iritadong sabi ko kay Sean sa tawag. "Sige sige, bye tanga!" at inibaba ko na ang linya.

Tulad ng sinabi ni Sean sa tawag, ginawan ko na ng schedule lahat ng bagay at mga gagawin ko sa pang araw-araw. Sa sticky notes iyon lahat at dinikit ko iyon sa ref na meron dito. Pahablot ko namang kinuha ang phone ko sa pouch at nagset ng oras para sa alarm clock.

Bumuntong hininga ako. Bakit ba kasi kailangang yumaman pa ako? Gusto kong yumaman pero gusto ko ring matulog! Ginagawa ko talaga lahat para maging top ako sa dean's lister at hindi naman ako nabigo, ako nga ang top 1 doon.

But something in me is not yet satisfied just by seeing my name there, I still need to work hard more and never less. Tiis, puyat, pagod— kinareer ko na! Sinalampak ko ang sarili sa malambot na kama tsaka ako sumigaw.

"Buhay parang life!" buong lakas na sigaw ko sa loob ng kwarto. Bumangon ako at naupo sa gilid ng kama. Slow process is still processing, Leina. Walang susuko sa pamilyang 'to! Natawa ako sa naisip tsaka ko marahang ginulo ang buhok at tumayo. Nakakabaliw.

Naligo ako at nagbihis. Habang pinapatuyo ang buhok ay chineck ko muna ang mga proyekto ko kung maayos na ba lahat para bukas. At nang matapos, tsaka lang ako nagpalunod sa dilim.

"Ens! Dito!"

Nasa school na ako alas otso pa lang dahil tapos na ako kela Ate Flor. Matamlay akong nagtungo sa kinauupan ni Shena at inihilig ang ulo ko sa lamesa.

"May chika ako sa 'yo kaya wag kang tutulog tulog!" hatak niya sa buhok ko.

"Kapagod!" biglang siglang sabi ko. "Ano ba 'yan?" kuha ko sa dala-dala niyang Vcut.

"Naalala mo si Crissia?" napaisip naman ako.

"Iyong magandang mayaman? Bakit?"

Tumawa siya. "Mas maganda ako pero ito nga! Kalat sa buong campus na crush niya si Chris!" nanlalaki pa ang mga mata niya. Lihim kong inilibot ang paningin sa canteen. Bakit ba kailangan isigaw!

"Boses mo!" impit na bulong pa. Maarte niya namang tinakpan ang bibig niya."Oh, ano naman ngayon?" naalala ko ang paghalik ni Chris sa noo ko.

"Gaga edi syempre crush mo 'yon! Payag ka agawin crush mo?" pang aasar niya pa sabay hatak sa buhok ko. Ang sakit naman! Nalukot ang mukha ko.

"Panay ka hatak, masakit! Siyempre hindi ako papayag 'no!" nagkamot ako ng ulo. Hindi nga pala alam ni Shena ang kwentong iyon. Moments like those were too good to share.

With You in the Middle of NowhereWhere stories live. Discover now