09

117 28 18
                                    

"Thanks for tonight! Ang sarap ng luto mo, ah? Di ko inexpect." ani Shena.

We are on our way to home. Nasa parking lot na kami ngayon. Magkatabing nakapark lang ang mga sasakyan ni Shena at Sean kaya magkalapit lang kaming apat sa isa't isa.

"You're welcome. Masarap ba?" si Chris na titig na titig sa akin. Hindi ko tuloy malaman ang isasagot.

Masarap ba? Alin? Iyong ulam ba ang tinutukoy o iyong mga sinasabi niya sa akin? Pafall rin!

"Masarap, bro! Di ako marunong magluto kaya alam kong masarap. Si Leina magaling na 'yan sa mga ganyan kaya wag mo nang tanungin, medyo judgemental 'yan." tumatawang sabi pa ni Sean. Tinaasan ako ng kilay ni Chris tsaka sila tumawa.  Sinamaan ko sila ng tingin.

Pumasok na si Shena sa driver seat samantalang si Sean ay nanunuksong tumitingin pa rin sa amin ni Chris. Bubuksan ko na sana ang pintuan ng kotse nang naunahan niya na ako doon.

"Get in."

Ngumiti ako at tumango. "Salamat sa dinner," sabi ko pa nang nakaupo na.

He licked his lower lip and nodded. Pagkatapos ay isinara niya na iyon at dinungaw kami ni Shena.

"Mag ingat kayo."

"Yes, kuya!" pang aasar pa ni Shena.

Lumingon siya sa akin at sa hindi inaasahan ay dumampi muli ang labi niya sa noo ko. Nagugulat ko siyang tiningnan.

He chuckled. "Take care." sabi niya pa.

Ilang minuto akong nanatiling tulala sa sasakyan habang si Shena naman ay panay hiyaw at daldal!

"Oh my! Ano 'yon?! Ens! Gumising ka nga!" panay lingon pa siya sa akin habang inililiko ang kotse sa daan.

"I knew it! Nakita mo ba iyong mga tinginan niya sa 'yo? Napansin mo ba?! YAAAAAAAH!" sigaw niya na naman ngunit sadyang tulala lang ako sa daan.

Para saan iyon? Uminit ang pisngi ko. Ayokong umasa pero napapansin ko ring may something sa mga ginagawa niya na nagpapalito sa akin. Does that mean anything? Paano kung wala naman pala?

"I'm so sure na. He likes you! I saw him eyeing you not just once! I swear..."

I sighed.

"Gano'n ba siya sa ibang girls, Shena?"

Mariin siyang bumusina at binuksan ang bintana.

"Pakyu! Tanginamo sagasaan kita!" sigaw niya kaya nagulantang ako.

"What again, babe? Tanginang overtaker 'yan, barilin ko 'yan, eh."

Naginhawa ako. Bigla ko kasing naalala na pinapahanap pa ako hanggang ngayon kaya ganon nalang ang taranta ko.

"Sabi ko kung gano'n ba siya sa ibang—"

"No! Chris fucking Jansen won't do that just for girls! He's not as good as you thought. I remembered the moment when we met, his aura were very intimidating. I tell you. Kaya nga nagulat rin ako, no! He likes you!"

"I don't think so." pagtanggi ko pa.

Ayaw kong maniwala dahil baka saan nanaman pupulutin ang durog kong puso kapag umasa nanaman ako.

I've been hearing his name so many times. He may be so private pero hindi na bago sa pandinig ko na makabalitang may kasama siya sa isang hotel o kaya ay sa restaurant. Halos nawalan ako ng ganang mabuhay. Ganon ko siya kagusto.

"I do think so. But well, I heard he is dating someone in model's industry. I'm not sure tho but just, you know, don't go for it. He's kind of alam mo na... lowkey babaero."

With You in the Middle of NowhereWhere stories live. Discover now