35

64 2 1
                                    

"Sure ka ba, Leina? I mean... I thought everything was fine na. Akala ko—"

Napairap ako kay Shena. Hindi ko na alam ang iisipin ko sa babaeng 'yon. Kahit anong pilit kong intindihin ang sitwasyon niya, hindi ko magawang patawarin siya sa lahat ng nagawa niya noon sa 'kin. I've thought of revenge a lot of time. Pero wala, e. Hindi ko rin magawa.

I sighed. Knowing that she's still my cousin made me guilty.

"Bes! Hindi ka ba naaawa kay Heleina, huh? " sabi niya pa, naiirita na sa 'kin.

"Tss. Naawa ba siya sa akin nung ako pa tinatakwil niya?"

"Malay mo! Sinabi niya naman di 'ba na parte ng plano niya 'yun?"

Kumunot ang noo ko "Ano ngayon kung parte ng plano? Tutulungan niya ako o hindi, wala akong pakialam. Mas mabuti pa nga na nakuha nalang ako ng mommy niya kesa sa kwentahin niya yung tulong niya sa 'kin."

"Grabe, ang sama mo na Leina! Nagpapakumbaba na nga 'yung tao, e! Pinagsisihan niya na!"

Iritable ko siyang sinipat ng tingin. Kunot na kunot ang noo niya sa kakaungot.

Umiling ako.

"Akala mo talaga hindi mo sinabi na deserve niyang masabunutan at mabugbog noon. Sa bagay, plano n'yo pala 'yun."

Nanlaki ang mga mata niya at hinatak ang buhok ko! "Hindi pa ako kasali nun, bruha!"

Umismid siya at marahas na hinablot ang fries sa harap namin saka niya iyon sinubo. Ganun ang ginagawa niya habang nakasimangot na nakatingin sa 'kin. Mapanuya akong natawa at mahina siyang kinaltukan.

"Aabot din ako diyan. Sa ngayon, wala pa akong balak. Wala akong maramdaman at ayaw ko namang ipilit ang sarili ko sa ayaw ko, Shena. Sana maintindihan mo na kailangan ko ng oras..."

Malumanay siyang ngumiti sa huli at napairap nalang din. "Sana hindi masyadong matagal ang oras mo na 'yan. Baka pagsisisihan mo sa huli..."

"Psh. Hindi 'yan."

"Sinasabi ko lang."

Akmang tatayo sana ako nang bigla akong mawalan ng balanse. Napakapit ako sa pader. Namumuro na 'to, ah! Lagi nalang ganito sa tuwing tatayo ako ng marahas!

"Gagi! Anyare sa 'yo!" kinapa ni Shena ang noo at leeg ko, saka siya napangiwi. "Hindi ka naman nilalagnat?"

Umiling ako. "Pagod lang 'to. Kulang lang sa tulog."

Tumango lang siya at ikinuha nalang ako ng tubig. Ako naman ay naupo nalang ulit.

Hindi naman ako nagkulang sa tulog. Siguro gutom lang.

"Hindi naman kasi 'yun biro. Kung tingin ninyo madali lang 'yun sa 'kin, hindi. Nahirapan ako, bes. Alam mo naman 'yung pinagdaanan ko, hindi ba? Sabay pa nga tayong nag iyakan, e," pag tuloy ko.

She hissed. "Mga bata pa tayo nun! Ngayon, naiintindihan ko na. Pero naiintindihan rin kita. Sabagay, mahirap talaga 'yun. Pero kasi..."

Ngumiti lang ako at hindi na siya pinansin. Kumakampi talaga siya kay Heleina ngayon. Hindi ko naman siya masisisi. Sa totoo lang, alam ko naman. Alam kong wala na dapat pang tagalan sa pagpapatawad. Pero pwede naman sigurong time-out muna? Ayaw ko muna, ganun? Hindi ko makalimutan, e.

"Good noon, Architect!"

I nodded. "Where's my coffee?"

"Ito na, Architect,"

She brought me an iced coffee. Kung dati ay ayaw ko dito, nakasanayan ko na rin ngayon. Bahagya siyang ngumiti kaya naman mataman ko rin siyang nginitian pabalik.

With You in the Middle of NowhereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon