05

162 41 28
                                    

"I heard you and Heleina was a thing before, bro. Why did you—" Chris cut him off.

Nasa daan parin kami at ang sabi ng selpon ko ay alas otso na ng gabi. Bagot na akong kausap si Sean dahil panay asar ang isang 'to.

"Shut the fuck up, Sean. That shit was planned. Someone saw her kissing my sister's boyfriend. That was a... favor." lumunok siya pagkatapos magpaliwanag.

Pasikretong umawang ang labi ko. Muntik ko na siyang iuncrush noong birthday ni Hel dahil sila ang magkapares!

Ang pangit ng taste niya.

Narinig ko ang sarili kaya naman mariin akong napapikit. Disi otso lang ako nang nangyari yon.

"Ano namang pabor yon at pumayag ka?" tanong ni Sean habang nakatingin pa rin sa daan. "Malapit na tayo." aniya.

Nasa left side ako kaya naman nakikita ko lang ang mga reaksyon ni Chris. Nilingon ko siya at nakita kong umigting muli ang panga niya at seryoso ang mukha. Nakinig lang ako sa kanila.

"No one has the right to make my sister cry, Sean. Kahit babae pa 'yan." matigas na aniya.

Namangha ako. Sobrang lakas nang kalabog ng dibdib ko dahil lang sa sinabi niyang 'yon. Kulang nalang mag hugis puso ang mga mata ko. Totoo naman talagang nakakataba ng puso kapag pinoprotektahan ka ng kapatid mo.

Umapaw nanaman ang pagkagusto ko sakanya.

Pero hindi pa rin maalis sa isipan ko ang nangyari kanina. Paanong nalaman nilang doon ako gayong malayo ang bahay nina Shena sa amin? Sabagay, mayayaman. Pero bakit pa? Bakit pa ako pinapauwi? Bakit ganon nalang ang gulat ni Dad sa binanggit ni Chris?

Ano ba talaga ng totoo?

I sighed. Hindi kinaya ng utak ko ang mga iba pang katanungan kaya naman hindi ko namalayan na nasa elevator na pala kami.

"Tumatawag si Shena, Ens," sabi ni Sean at ibinigay ang telepono.

Inabot ko naman 'yon. Saglit ko pa akong sumulyap kay Chris na kasalukuyang nakatingin sa palapulsuhan ko.

"Nasaan ba kayong mga putang ina niyo? Leina Phoebes, nag aalala na ako sa inyo!" biglang sigaw ni Shenasa kabilang linya.

Bunganga talaga nito!

Bahagya kong inilayo ang selpon sa tainga, bahagya akong tumawa.

"Ayos lang kami, Shen. Magkasama kami nina Sean at.. ahm... Chris," pahina nang pahina ang boses ko nang binaggit ang huling pangalan.

"Ayan, enjoy mo ang moment ate! Nandyan si Chris ng buhay mo, e, litse! Bestfriend mo dito mag isa! I missed you but fuck you fake friend!" 

Napairap ako sa kawalan. Over acting ng bestfriend ko! Gusto kong matawa ngunit may nabanggit siyang hindi talaga dapat!

Bahagya kong nilingon sina Chris at ang mga loko ay nakangisi lang habang nag aantay magbukas ang elevator.

Nakagat ko ang labi at mariin na napapikit! Si Shena talaga!

"Ikukwento ko sa 'yo lahat ng nangyari sa araw na 'to kaya bye muna bes, ha? Pahamak ka eh." awkward na tumatawang pinatay ko ang tawag at ibinigay ang selpon kay Sean nang hindi siya nililingon dahil sa hiya.

Bumukas na ang elevator kaya pinauna ko silang lumabas at naglakad na.

Tumunog ang selpon ko senyales na may nag text sa akin. Nagbaka sakali akong si Shena iyon ngunit hindi.

Sean:

Chris Ng BoHaii Mouehhh... XD

Agad kong nilingon si Sean na tumatawa na ngayon dahil sa itsura ko! Bakit ba kasi ang ingay ni Shena, e! Inirapan ko lang siya.

With You in the Middle of NowhereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon