23

59 3 0
                                    

"Ate Flor! Wala na pong sibuyas dito!" sigaw ko galing sa kusina.

Ngumiti sa akin si Ira. "Bumili na siya 'te! Ano ba naman 'to si Tita Flor, hindi man lang hinanda ang mga sangkap! Birthday kasi ng pinsan ko kagabi ate 'yung anak niya kaya siguro puyat at nakakalimot!"

"Gano'n? Kaya pala mukhang stress, e!"

Nagtawanan kami ni Ira sa loob ng kusina at nagsimulang magluto nang inabutan niya ako ng sibuyas.

Tapos na ako sa pang umagang klase ko sa first sem ng second year kaya narito ako ngayon kay Ate Flor at nagtatrabaho. Laking tuwa ko dahil pumatok ang karendiryang ito dahil sa luto ko. Tuwang tuwa naman si Ira sa pagtulong gayong marunong na rin siyang magluto, ganoon rin si Ate flor nang malaman niya nga 'yon.

Apat na buwan simula nung huli kaming nagkita ng lola ni Chris. Paminsan minsan naman ay bumibista kami roon tuwing weekends pero hindi rin talaga nagtatagal. Sinusundo niya ako pagkatapos ng klase at ihahatid rin sa apartment na tinitirhan ko. Ang ganda nga e, hindi aksaya sa pamasahe.

Dumaan na rin ang kaarawan ko at lubos na nalulungkot si Shena doon. Wala kasi siya para icelebrate namin ng sabay tuloy ay kami ni Chris ang magkasama. We just went to a mall naglaro kami tapos gumala sa park. Shena was jealous but then when I mentioned Sean, pinatay niya ang tawag.

Kaloka!

"May gusto ka bang kainin?" tanong ni Chris.

I shook my head. "Wala naman, nag iipon ako. Pero ikaw? Gutom ka ba? Kinain mo ba 'yung binaon ko sa 'yo?"

He nodded happily. "Ang sarap nga e. Gawin kaya kitang chef sa opisina ko?"

"Tss! Oo ba! Basta ba't malaki ang suweldo ko diyan!"

Nagtawanan kami. Ganoon na kami ngayon. Less stress kasi tinutulungan niya ako sa mga paper works ko. Pumupunta siya sa apartment tuwing umaga para ihatid sundo ako. Magluluto ako ng maaga at ipaghahain siya ng babaunin sa trabaho. Naisip ko lang kasi, sa sobrang busy niya ay nagagawa n'ya paring tulungan ako sa mga gawain ko kaya inisip kong pangbawi iyon. At ginusto ko rin namang baunan siya.

Nilingon niya ako habang nagdadrive. "Can I sleepover tonight? Wala namang importanteng gagawin bukas."

Ngumiwi ako. "Sigurado ka diyan? Baka naman nirarason no lang para makasama ako," pabiro akong umirap.

Natawa siya kaya nadala rin ako. "You're so full of yourself, Leina. Oo na. Pero wala talagang importanteng gagawin bukas so... please?"

I nodded to end the conversation. Ngingisi-ngisi lang siya habang nagdadrive. Nag drive-thru pa kami ng McDo.

He bought us three large fries and four burgers. Sakto, ayaw ko ring mag rice ngayong gabi. Kila Ate Flor lang rin ako nananghalian. Ganoon parin ang schedule ko, walang bago pero mas humigpit dahil mas marami ngang ginagawa sa second year. Tumawad pa ako kay Ate Flor na sa tanghali nalang ako magluluto kasi kinukulang talaga ako sa tulog at ayaw ni Chris iyon. Sa sahod ko at allowance galing sa scholarship na muna ako umaasa at pass muna sa paintings.

Hindi ko naman kayang isabay dahil napapagod rin ako, wala akong powers.

True enough, nag sleepover si Chris sa apartment ko. Mukhang handa na nga siya e at consent ko nalang ang inaantay dahil may dala na siyang kumot at mga CDs sa likod na compartment niya. Natawa pa nga ako nang makita.

Weekend ang movie night namin pero hindi ko inakalang magaganap ito ngayong lunes na lunes!

We watched the Fast and Furious. Karamihan sa CDs niya ay action, I like action movies, with a mix of romance.

With You in the Middle of NowhereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon