18

103 6 2
                                    

"Ilang oras pa bago tayo makarating doon. Wala ka na bang gustong bilhin?" tanong niya sa akin.

Kasalukuyan naming nilalagay ang mga gamit sa likod na compartment ng sasakyan niya. Saktong pang one week lang ang dala kong mga gamit, ganoon rin naman siya. Isinara ko muna iyon saka siya nilingon.

I shook my head and wrinkled my nose. "None. Kung foods lang naman maraming sandwich ang ginawa ko para sa atin. Kung ayaw mo, e 'di sa akin nalang! Pero para sa 'tin talaga iyon."

Kinagat niya ang labi, nagpipigil ng malawak na ngiti. Psh. "Gusto ko. 'Wag mo 'kong pangunahan." he was now grinning like a fool.

Tumawa ako. "I was just saying!"

Tumawa rin siya at lumapit sa akin. "Let's go," hinalikan niya ako sa pisngi at noo saka ako iginiya sa front seat.

We traveled for almost three hours bago kami nakarating sa lugar. I am now currently eating some sandwich I brought as he stopped over. Natawa pa ako nang hinatak niya ang pulsuhan ko at kumagat sa sandwich, saka niya hinalikan ang likod ng kamay ko.

Walang parking dito at talagang sa gilid lang ng kalsada pwedeng magpark. Marami rin namang nakapilang sasakyan at amoy ko na kaagad ang hangin na nanggagaling sa dagat pagkababa ko pa lang ng kotse. Nilipad niyon ang suot kong puting floral dress na naka bikini top at cycling na sa loob. Nilingon ko si Chris na ngayon ay bitbit ang dalawang bag. Isa naman ang dala ko.

His biceps' now sexily flexing dala dala ang bag na iyon. Grabe! Boyfriend ko 'to?  Napakagwapong nilalang! Kasalukuyang nililipad ng hangin ang kanyang puting beach button down na polo at mas lalong nahalata ang kanyang well-built na katawan! Mas lalong pinatingkad ang itsura ni Chris suot ang itim nitong sunglasses at bahagya pang nakakunot ang noo.

Umakyat na kami patungo sa hotel room na nabook namin. Ang hotel room nila ay katapat lang talaga sa mismong resort. Tanaw sa veranda ang karagatan. Ilang hakbang nalang sa mabuhanging daan ay pwede kanang maligo. Sobrang lakas rin talaga ng hangin dito tila'y nakaderiksyon sa gawi namin ito, na kahit ang nakapusod kong buhok ay nataggal! Tuloy ay bumuhaghag ang itim kong buhok!

Pagkabukas ni Chris sa kwarto ay kaagad niya akong nilingon, saka siya natawa. Inirapan ko nalang siya at naunang pumasok.

Pagkapasok ay agad kong binalibag ang dalang bag sa kama at nahiga. Maayos namang naupo si Chris sa kabilang kama at magkaharap kami ngayon.

"Hindi talaga tayo magtatabi, Leina?" tanong niya sa akin.

Nakapikit man ay sinagot ko siya. "Nope. Hindi ako sanay na may katabi."

"You'll be used to it if—"

"No."

Minulat ko ang kanang mata and there I saw him pout. I giggled. I stood up and walked towards him.

"Sit here," he patted his lap. Pero hindi pa man ako nakasagot ay hinila niya na ako papunta doon.

Oh, my gosh! Nakakaloka!

Pilit na kinakalma ang sarili ay nagsalita akong muli. "Bakit ba gusto mo 'kong katabi? Kasya lang sa isa 'yung bed, oh? Kung pwede nga lang e sa kotse mo na tayo matulog, para walang bayad," humalakhak ako.

He groaned. "You want us get stiff necked, huh?"

I laughed. Niyakap ko siya at isiniksik ang sarili sa kanya. Lubos-lubusin ko na!

"Baka hindi tayo magkasya,"

He was doing random circles on my arms and say, "Magkakasya 'yan. 'Pag nakayakap ka sa 'kin magdamag. Right?" he wiggled his brows.

With You in the Middle of NowhereWhere stories live. Discover now