28

70 2 1
                                    

"What are stressing you recently?"

I sighed as I listened to the therapist's question. Gustuhin ko mang umirap ay mas pinili kong ngumiti at sumagot.

"Everything,"

As usual, buntonghininga lang ang sagot niya at nakipag usap lang sa akin nang kalmado parin. Honestly, she's really one of a kind. Could someone please be like her? She's literally the best.

Louie was right. Having somebody to lean on is already a big help. She was there, helping me through the process of my recovery until I'm in my fourth year of college. Since wala akong kasama sa bahay, kinokontak ko lang siya para makipag usap at wala naman siyang reklamo sa mga walang kuwenta kong sinasabi. I've always seen her like Shena, the way she handle the conversation and stuff, I feel great, na sa wakas, umaayos ang pakiramdam ko sa loob ng dalawang taon.

I graduated with latin honors the reason why marami agad akong puwedeng pasukan na trabaho. Si lolo ay may regalo sa aking kompanya, hindi ako makapaniwala. Sa edad na bente dos ay may sarili na akong kompanya! Maraming ari arian!

Pero tila'y may kulang parin sa akin. Hindi ko mahanap ang sarili ko, hindi ko malaman kung ano ang gusto ko.

Siya ba?

Hindi.

Kailangan mo siyang kalimutan para mahanap mo ang sarili mo, Leina. Iniwan ka niya sa panahong hindi mo kaya. Pinagkaisahan ka nilang lahat.

After everything, sinimulan ko ulit ang martial arts at pagbabaril. Hindi ako mapakali na sa tuwing aalis ako ay para bang hindi ako komportable. Ayoko ulit maranasan ang ganoong sitwasyon.

Nakakabaliw.

Sa mga taon ay si Louie ang naging kasama ko. Hindi siya nanliligaw, bagaman puro Heleina ang lumalabas sa bibig niya. Maldita si Heleina, walang awa at kontrabida raw sa buhay ko. Ngumingiti lang ko upang maipahiwatig sa kanya na ayaw ko na siyang pag usapan. Agad na magrereact ang utak ko sa kakaibang dahilan.

I just realized that maybe Heleina had her reasons. Maybe he wanted Chris away from me because she knew he was a good damn playboy. He was her ex, she knows better.

But why would she?

Kaya ngayong kaya ko na ang sarili ko, hindi na ako magpapaapekto.

Kahit katabi ko siya ngayon sa mismong sasakyan ko.

"I'll take you to my condo, ako naman ang gagamot sa sugat mo," ani Chris.

Hindi ako umimik at diretsong nakatingin lang sa kalsada.

Seriously? Bakit hindi niya tulungan ang fiancee niya sa pagbaril sa 'kin? Ayan naman ang gusto nila hindi ba? Paglaruan at pabagsakin ako kahit wala naman akong kasalanan. Hindi ko sila kailanman maintindihan.

"Why wouldn't you worry about your fiancee? Go out, I can drive. Baka magselos pa 'yon at ako na naman ang may kasalanan."

Bakit parang ako ang nagseselos dito? Akala ko ba gusto kong magselos si Heleina gayong nabaril ako ng mga tauhan niya?

He sighed. "She can handle herself, I know her..."

Natikom ko ang bibig. Mapait akong napangiti habang nakatitig naman siya sa mga mata ko.

Oo nga pala.

I shifted my sight outside the car and rested my head on the windowpane. Sobrang nanghihina na ako dahil siguro sa daming nawalang dugo sa akin.

Bakit kailangan akong barilin! Kung gusto nilang makihati sa akin, they can negotiate! Putang ina! Hindi kailangang ganito ka brutal!

"Take a deeper breath, malapit na tayo, okay? Hang on, my love." he said in a worried expression of voice.

With You in the Middle of NowhereWhere stories live. Discover now