01

430 79 29
                                    

Please bear with me because this is my first draft of the story and it's not yet EeditAed and somehow ImplycitT and things will be fix after all.

***

I'm currently crying right now. Sinunog kasi ni Mommy ang sketch pad ko kasi hindi raw naman ako magaling. Aksaya lang daw 'yon sa oras. Ang gusto nila ay sa murang edad, matutunan ko na ang pamamalakad bilang isang propesyonal na abogado.

I just wanted to draw, nothing else!

Nag-ipon pa naman ako for that. Sayang. Ilang taon ko ring pinaghirapang inisketch iyon.

"Heleina..."

Parang kulog na tawag ni Dad kay Ate habang kumakain sila sa hapag. Ako naman ay nag aabang na matapos silang mag agahan.

"How's your studies?"

Mataas ang grades ko, Dad! Gusto ko sanang isingit.

"Ah, may problema po ng kaunti sa math but... I can make bawi naman, Daddy!" she smiled cutely at nag puppy eyes pa. Nangingiti ko siyang tinitigan dahil alam kong babawi rin naman siya sa problema niya.

"Kumusta na kayo ng boyfriend mo, Anak?" si Mommy naman ngayon.

May boyfriend si Ate? 16 pa lang siya ah!

Sabagay... ako nga 13 pa lang, may crush na. Kaagad na uminit ang pisngi ko at bahagyang tumungo nang maalala ko ang crush ko sa school.


Kaso, mahirap siyang abutin. Paghanga lang talaga ang kaya kong gawin. At saka, bata pa ako 'no. Iba rin kasi ang mga tipo noon! Mga katulad ni Ate. Girls their age who has this long and curvy eyelashes, fashionista and very classy kung kumilos. Mature and model type of girls.

"Everything went smoothly, Mommy!" halata kay ate na masaya siya sa boyfriend niya. Nagpatuloy sila sa pagkwentuhan hanggang sa tumayo na't umakyat.

"Ako na po dyan, Ma'am Leina," giit sa 'kin ng Mayordoma naming si Manang Sima.

"Ah, hindi na po! Mapapagalitan nanaman kasi ako kapag hindi ako nagtrabaho," nginitian ko na lamang si Manang Sima na sinuklian rin ako ng isang pagod na ngiti. Halata sa mata nitong gusto akong tulungan.

Ano kayang pakiramdam? Hindi naman sa inaasam ko na magka-boyfriend. Nakaka curious lang. At this age, there are lots of boys too flirting or offering to keep company with me but I just end up on rejecting them. I'm too young for something maturely.

"Uy, Lei! Pa drawing naman ako ng project natin sa mapeh oh? 300?" ngiting sambit sa 'kin ng kaklase kong si Louie. Ngayong first year highschool ako, ginagawa kong raket ang pagtanggap ng bayad kapalit ang mga ipapagawa nila sa 'kin na konektado sa pag do-drawing at painting. Maganda at malinis raw kasi ako gumawa kaya sa akin sila lumalapit.

Aabot mahigit tatlong libo ang kikitain ko sa isang araw. Sumasakit rin ang mga daliri ko pero kinakaya ko naman upang makapag ipon. Patago na kasi akong bumibili ng sketch pads at iba pang art materials dahil kung hindi ipapatapon ni Mommy, siya mismo ang magtatapon nito.

"Ang galing mo talaga, Lei!" pumalakpak pa si Crissia at niyakap ako ng mahigpit nung natapos kong inisketch ang project niya.

With You in the Middle of NowhereWhere stories live. Discover now