22

62 5 2
                                    

Narito na nga kami sa mansyon ng mga Jansen. Bagaman kinakabahan ay hindi ko maitatanggi ang mamangha sa lugar na pumapalibot sa akin ngayon. Kung mayaman ang mga magulang ko ay nasisiguro kong doble pa roon ang kayamanan ng mga Jansen.

Pagkapasok pa lang ay agad na bumungad sa akin ang dalawang nagtitingkarang hagdanan. Kulay gold ang hawakan niyon, hagdan pa lang. Nakalatag din doon ang red carpet.

Bahay ba 'to o kaharian?

Pumagitna doon ang isang napakalaki at paniguradong mamahaling Chandelier. Malawak ang espasyo sa loob at napakaganda tingnan ng kanilang mga kagamitan. Halatang mamahalin.

Ngayon ko muling napagtantong napakalayo ng agwat namin.

Nilingon ako ni Chris. Ang mga bagay talaga sa kanya ay iyong mga babaeng pilak na kutsara ang sinusubo noong bata pa. Hindi iyong katulad kong sunod-sunuran lang. Marahan ko siyang nginitian. Hinawakan niya ako at tuluyang iginiya sa loob ng kanilang pamamahay.

"Good afternoon," bati ni Chris sa mga kasambahay nila.

Ngumiti ako sa kanila at bumati rin. Binati rin nila ako ng isang malawak na ngiti at tila'y kumikinang pa ang mga mata.

"Manang Silda," tawag ni Chris. Lumingon naman ang pinakamatanda sa kasamahan nila. Hula ko ay ang Mayordoma. "Where's mom?" tanong niya.

Ngumiti ito sa amin. "Pababa na iyon, sir, nagmamadaling magbihis! Siya na kasi ang nagluto para sainyo. Excited raw siyang makilala ang iyong iniibig!" maligayang pahayag ng matanda na bahagya kong ikinagulat.

Iniibig talaga, Manang?

Kanina lang ay masyado akong kinabahan! Ngayon ay para bang hindi matigil sa pagtalon sa tuwa ang puso ko! Nilingon ako ni Chris at mapaglaro niya akong kinindatan.

"I told you. There's nothing to worry about." ngumiti siya at hinalikan ako sa noo.

Nakagat ko ang labi sa sobrang pagpipigil kong kiligin! Totoong sobrang natuwa ako dahil naiimahe ko ang kanyang Ina na nagmamadaling magbihis at talagang nilutuan pa kami!

"Good afternoon, mom,"

Namilog ang mata ko at mabilis na napalingon sa harap!

Bahagya akong namangha sa itsura ng kanyang Ina!

Ganda naman nito!

Mahaba at kulay brown ang umaalon at natural na buhok nito na umabot hanggang sa kanyang puwetan. Malalim at istrikta ang mga nito. Mahaba rin ang pilik-mata. Matangos rin ang ilong na mas nagpatingkad pa sa kanyang matapang ngunit mala anghel at maliit nitong mukha! Suot niya rin ang jumpsuit at tingin ko'y sandal iyon na may pagkahaba-habang takong, she's also wearing some gold jewelries.

Leina, mamaya kana maglibang!

Nahihiya akong tumungo at bumati, "Magandang hapon po..."

Narinig kong humagikhik ang nanay ni Chris, at pati siya!

"Sit down-sit down! Ang aga ninyo! Kakatapos ko lang magluto kaya medyo natagalan ako!" malawak ang ngisi niya sa akin nang nilingon ko siya.

So that explains the food infront of us. Sobrang dami at amoy pa lang ay masarap na! Natakam tuloy ako.

"Ang bango..." wala sa sarili kong sambit nang maupo sa iginawad ni Chris na upuan.

Humalakhak si Chris kasabay iyong mommy niya. Napatakip kaagad ako sa sariling bibig at agad ring bumitaw!

Ang kalat, Leina! Preno muna te!

Bahagyang pinisil ni Chris ang kamay ko sa ilalim ng lamesa atsaka siya nagsalita, "Sa'n si papa, mom?"

With You in the Middle of NowhereOù les histoires vivent. Découvrez maintenant