06

139 42 11
                                    

"Your Grandpa were still so good looking. I tell you,"

Mag alas onse na talaga. Panay kwentuhan ang nangyari dahil panay rin ang tanong ko sa kanya tungkol kay Lolo.

Humalakhak ako. "Talaga? Hindi ko maimagine,"

Ngumiti siya. "Yes, he always talk about you everytime we are having our coffee together."

Nangiti ako. Hindi ko inakalang si Chris Jansen na sobrang crush ko ay close sa lolo ko. They were really close, as what he have said. He didn't bother to tell me daw because he was a stranger to me. Baka raw hindi ako maniniwala sa mga sinasabi niya, which is true. Kahit pa super crush ko siya noon pa man, I don't think I'd listen to him. That's scary as hell.

Ngayon ko din lang nalaman ang buong pangalan ni lolo. Natawa ako. Gregorio Delfin Martinez. Ayaw daw niyang tinatawag siyang Greg o Gregorio dahil pang matanda daw ang tunog nito kaya Delfin ang gusto niya. Bahagya akong nagtaka sa pangalan niya pero binalewala ko nalang iyon.

"You really had a great time with him. Sana ako din. Kailan kayo last na nagkape?" tanong ko sa kanya.

"Almost a year na rin," sagot niya. "He was so sarcastic but very... very good at people. Just like you. Pero medyo masungit ka. Medyo lang naman," nakangising aniya.

Ngumiwi lang ako.

Nagtuloy ang kwentuhan namin hanggang sa nagpasya akong magpahatid na. Hindi naman niya ako pinigilan sa gusto kaya bago mag ala una ay nasa daan na kami.

"Feel so good." bumasag sa katahimikan ang malalim niyang boses.

Nabigla ako sa sinabi niya. Kasalukuyan siyang nagdadrive at ako naman ay nasa front seat, nakatingin sa labas bintana. Nilingon ko siya.

"What's good? Share naman diyan," humalakhak pa ako. Ngunit nginitian niya lang ako imbis na sagutin tsaka niya ibinalik sa daan ang paningin.

Sarap batukan. Nagtatanong tapos ngiti ang isasagot?

Tahimik ulit kami sa kotse. Ito nanaman ang mga isipin ko, kung totoo ba talaga akong anak o hindi. Pero bakit pinapauwi ako kung hindi nila ako anak? Bakit kailangang guluhin pa ang buhay ko? Bakit kailangang ipaglaban ako ni Dad na anak niya ako?

Napapikit ako ng mariin at isang malakas na buntong hininga ang pinakawalan ko. Nilingon ko ang tahimik na kalsada.

"May problema ba?" si Chris.

Sinulyapan ko siya at nginitian.

"Marami. Manghihingi ka ba?"

"Pwede akin nalang lahat?" nagtitigan muli kami. "Para hindi kana malungkot. Ang lungkot ng mga mata mo, e. Nakakahawa."

Umiling ako. "Wala." iyon lang ang nasabi. Nakitaan naman ng pag intindi ang mga mata niya.

Ilang minuto pa ay nakarating na nga kami sa subdivision nina Shena. Kailangan ko nang lumipat. Hula ko ay sa makalawa na dahil nakaimpake na ang mga gamit ko doon. Wala kaming pasok mamaya kaya naman nasisiguro kong makakatulog ako ng maayos ngayon. Sakto rin na day off ko sa karendirya dahil may isa pa naman silang kusinero. Marami na rin ang ipon ko kaya naman kaya ko nang mangupahan, at kalaunan ay bumukod.

Nasa pinto na kami ng bahay nina Shena nang biglang tumunog ang phone ko.

Sean:

S&N Corp. later, isama mo si shena

"Who's texting you this time?"

Tiningala ko si Chris sa likod. Nagtataka at nakanguso siyang tiningnan.

With You in the Middle of NowhereWhere stories live. Discover now