Epilogue

124 6 2
                                    

Note: Lots of self-doubt, laziness and busy days had came but I made it here! This is where WYITMON ends and I will surely miss writing Leina's daily routines, hardship and Chris' cheesiness. I will miss it all! A huge thank you to everyone who supported me in my first story, especially to my super friends, thank you so much for the encouragement! Expect for more and more stories to come. Happy reading!

***

"Happy birthday, Shena..."

"Happy birthday, Shena..."

"Shut up guys, para akong bata!"

"Happy birthday... happy birthday..."

Yesha closed her eyes as she wish. Nanatili kaming nakangiti  habang nakatitig sa kanya. Katabi ko si Tita Maricela at Heleina, katapat naman namin si Chris at si Sean na kasalukuyang pang inaasar ng katabi dahilan kung bakit ngingisi-ngisi ito. Natatawa akong napailing.

"Happy birthday, bes! 18 ka na!" mapanuyang bati ko pa kaya naman nagtawanan kami.

"Where's Louie?"

Heleina pursed her lips before she smiled. "Susunod nalang daw siya. Anyway, happy birthday!"

Nagngitian kami bago nanguna si Shena upang igiya kami sa table namin. As expected, marami talaga bisita. Bahagya pang umawang ang labi ko nang makita ang tropa niyang sina Enya at Yumi, kasama ang iba pa.

The venue is very fancy, masyadong nakakasilaw at nakakasakit sa bulsa. Mula sa mga nagkakapalang kurtina na ginamit ay napakamahal nito kung titignan. Everyone was very formal, and I knew it already when I saw Yeshena's Grandmother. Madame Promicia screams money and luxury. Very formal and classy. No wonder why she's angry of Shena having her tattoos.

Buti naman at umattend siya dito.

"So, how are you, Ena? I haven't heard anything about you yet! Hindi kasi nagkukwento si Yesha sa akin."

Matamis kong nginitian si tita, "Everything's fine now, tita, salamat po sa concern. Finally..."

Bakas ang adorasyon sa kanyang mga mata. Nakangiti naman sa amin si Sean at Heleina habang si Chris ay napako ang tingin sa biyak ng dibdib ko. Nakagat ko ang labi. Suot ko kasi ngayon ang bigay ni Shena na dress at naka V line ito sa gitna, reason why it is very revealing. Hindi naman ako makatanggi, e, kasi birthday niya! I hope he don't really mind.

Ang arte niya talaga.

Nagtuloy kami sa pag-uusap. Si tita madalas ang nag-oopen ng topic at lahat ay tungkol iyon kay Shena. Nakisali na rin sina Sean at Heleina, pati si Chris.

It felt great, really. Masarap sa pakiramdam na ito na. Nakaginhawa na. Maayos at maaliwalas na ang sinisinghap na hanging minsan na ring bumara sa pagkatao ko.  Kung alam lang ni Heleina, may plano sana akong bisitahin ang parents niya mamaya o bukas. Gusto ko nga siyang isama pero siyempre, mamaya ko na sasabihin pagkatapos. Hindi naman talaga kami magtatagal dito sa venue, dahil ang usapan namin ni Shena ay iba ang celebration na magaganap sa bahay ko.

Ginagawa na talaga nilang tambayan ang bahay ko.

I could feel the joy in Yesha's eyes from here as she danced with Sean. Tumatawa pa siya na animo'y lasing at hinahampas si Sean sa dibdib, tumawa lang naman si tanga. Nakangiti halos lahat ng mga nanunood sa kanila. Kahit kami dito ay masaya para sa kanya.

With You in the Middle of NowhereWhere stories live. Discover now