𝕮𝖍𝖆𝖕𝖙𝖊𝖗 36 : Aleeiah Sanchez

458 14 0
                                    


🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸
🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸
🌸🌸🌸🌸🌸

***** Jenas

Dalawang subject na ang na consume ng urgent meeting namin, may exam pa naman kami sa susunod na subject pero talagang sinulit ng Council ang meeting kaya halos mangalahati na ng pang third subject ang pagbabalik ko. Binigyan ako ng special exam ni Ma'am sa labas ng room malapit sa puwesto ng tropa ko dahil every subject iba iba ang seating arrangement.
Matindi ang prof namin sa Calculus, kapag walang computation ang sagot mo ibobokya ka talaga , wala namang problema sakin pagdating sa math dahil hindi naman sa pagmamayabang pero... matalino talaga ako sa Math, isa lang naman ang karibal ko dito sa school eh, si Khim, kahit na ba bank-bano yun, may pagka math wizard talaga sya.

Habang nag e exam ako ay may naririnig akong nag hahagikhikan sa bandang likuran ng room, sa pwesto na inuupuan ng tropa ko.

"Ang dumi oh!" pabulong lang iyon pero rinig na rinig ko dahil malapit lang naman ako sa kanila kahit nasa labas ako "Ang dumi oh!" si Khim yon, malakas loob nya mag ingay kasi favorite sya ni Ma'am eh. Nang matapos ko na ang exam ay agad ko itong binigay kay ma'am para makapag sulat na rin ako. Umupo ako sa tabi ni Cerrah banda sa bintana para mahangin.

Tahimik lang kaming lahat na nag susulat nang sumpungin nanaman si Khim

"Ang dumi oh!" wika ni Khim

"Ano ba yan, kanina pa may nag oorasyon jan ah!" sita ni Ma'am, bigla syang tumayo at lumapit sa pwesto namin sa likuran "Nag susulat ba kayo?" lumapit sya kay Mhar "Bakit konti pa lang ang sulat mo? kanina ka pa daldal ng daldal"

"Hala ma'am, mabagal lang ako mag sulat pero tahimik lang ako" depensa ni Mhar, nag hagikhikan kami ng tawa kasi tahimik lang naman talaga si Mhar ng mga panahong iyon, actually lahat tahimik except kay Khim na nag riritwal.

"Ah, wala, konti lang sulat mo, punta sa likod mag planking ka" nakangusong tumayo si Mhar at humarap sa dingding ng nakatayo. Napansin ni Ma'am si Jofer na natutulog "Hoy ikaw!" kinutusan nya si Jofer "Tulog ka ng tulog oras ng lecture, tumayo ka sa likod" tinuro ni Ma'am ang kinaroroonan ni Mhar. Tumayo si Jofer at napansin naman ni Ma'am si Zaolo "Ikaw rin"

"Hala! bakit pati ako ma'am?" gulat na tanong ni Zaolo

"Gusto ko lang bakit ba?" pamimilosopo ni Ma'am "Natural di ka rin nag susulat, papatayuin ba kita kung nag susulat ka?" padabog na sumunod si Zaolo kay Jofer

"Ikaw" tinuro ni Ma'am si Cerrah na seryoso at tahimik na nag susulat

"Ako Ma'am?" mahinahong tanong ni Cerrah

"Nag susulat ka ba? patingin nga ng notes mo" wika ni Ma'am

"Oh ma'am kumpleto yan" proud na wika ni Cerrah habang pinapakita ang notebook nya

"Hmmm? ganda ng sulat ah, hindi halatang minadali" wika ni Ma'am

"Ikaw?" tanong ni Ma'am kay Hazel "Kababaeng tao neto ang pangit ng sulat?"

"Hindi naman ikaw yung mag rereview ng notes ko ma'am ah" reklamo ni Hazel "Tsaka study says matatalino ang panget mag sulat"

"Dami mong say" sagot ni Ma'am. Natawa kami sa kanya "Ikaw" hinablot ni Ma'am ang notebook ko "Bakit wala ka pang sulat?"

"Ma'am kakaupo ko lang dito" depensa ko. Nalimutan ni Ma'am na nag exam ako sa labas at kakapasok ko lang.

"Di ko kasalanan kung pagala gala ka" sagot ni Ma'am "Tayo sa likod"

"Ma'am nag special exam po si Jenas" depensa sa akin ni Cerrah

"Oo nga Ma'am bakit si Khim walang sulat?" reklamo ko at hinarap kay Ma'am ang blangkong notebook ni Khim

#3 𝒮𝓊𝒸𝒸𝑒𝒹𝒶𝓃𝑒𝓊𝓂 (Jenas and Cerrah Book1) 3rd StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon