𝕮𝖍𝖆𝖕𝖙𝖊𝖗 77: Official

405 13 0
                                    


🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸
🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸
🌸🌸🌸🌸🌸

***** Cerrah

Nagising ako nang wala si Jenas sa tabi ko, nanaginip lang ba ako kagabi? hinawakan ko ang ulo ko, di naman ako uminom ng alak ah? tiningnan ko ang paligid kung may bakas ng love making namin ni Jenas, wala naman, walang nakakalat na damit, maayos ang higaan at damit ko. Humiga ulit ako at napatulala sa ceiling

"Nanaginip nga lang talaga ako kagabi" wika ko sa sarili ko. Shet! gusto kong umiyak, tiningnan ko ang pinto, umaasang natulog dito kagabi si Jenas, pero ni isang bakas na natulog sya sa higaan nya ay wala. Palibhasa maaga sya palaging gumigising kaya pag gising ko ay naka ligpit na agad ng hinigaan si Jenas. Malungkot akong nag ayos ng sarili ko. May pasok parin kami kahit na kagagaling lang namin sa event ng foundation day at valentines day 😔 haaaay...

Parang gusto ko talagang umiyak, bakit parang totoo ang panaginip ko kagabi? nag ayos ako ng sarili ko, light make up, blow dry ng buhok at nag suot na ng uniform, bagot kong kinuha ang bag ko at bumaba para kumain. Pag pasok ko sa dining room ay nakaupo na sa upuan si Dad at nag kakape habang nag babasa ng diyaryo samantalang naabutan ko si Jenas na naglalagay ng butter sa tinapay habang nasa tapat sya ni Dad. Kailan pa umuwi si Jenas? di ko namalayan? yumuko ako habang papunta sa upuan ko sa tabi ni Dad, hindi ako makatingin ng maayos kay Jenas, dahil ba sa panaginip ko kagabi na inalok nya akong maging gf o dahil sa naka date nya si Aleeiah? speaking of... ano kayang nangyari sa date nila? tinotoo kaya ni Aleeiah na alam nyo na...  Pero bago ako makaupo sa upuan ay natigilan ako dahil tumayo si Jenas at lumapit sakin, natulala ako sa ginawa nya kinilabutan ako nang casual na hawakan nya ang likod ko at marahan akong inalalayan papunta sa upuan malapit sa kanya, nagtataka ako pero sumunod nalang ako sa kanya. Nang makaupo na kami ay nag salita si Jenas

"Anong gusto mong kainin?" malambing na tanong nya, eto ang unang pagkakataong tinanong nya ako kung anong gusto kong kainin para almusal

"Ha?" tanong ko, umiling iling sya habang nakangiti. Shet ang gwapo nya, napahawak ako sa hita ko, baka nalaglag ang panty ko 🤣🤣🤣 kumuha si Jenas ng toasted bread at inilagay sa plato ko, kumuha sya ng sunny side up egg, bacon at hotdog

"Pakabusog ka" wika nya,

"Ahem" react ni Daddy, napatingin ako sa kanya, nakababa na ang hawak nyang newspaper "Parang may kakaiba sa inyong dalawa" humigop ng kape si Dad "Akala ko galit ka kay Jenas?" tanong ni Dad

"Valentines day kahapon kaya magkabati kami ngayon" sagot ko

"Oh?" parang ayaw maniwala ni Dad, tumungo tungo ako

"Diba Jenas?" tanong ko kay Jenas, ngumisi lang sya

"Ang ganda ng singsing mo anak, magkano bili mo?" tanong ni Dad, napatingin ako sa kamay ko. Halos di ako makahinga nang makita ko ang singsing na may pearl sa ring finger ko, napanganga ako at tumingin kay Jenas. Hindi sya natingin sakin dahil busy sya sa pag nguya ng almusal nya. Tumingin ako kay Daddy, oh my gosh! hindi ako nanaginip kagabi? totoo ang lahat ng nangyari? umuwi kagabi si Jenas para makasama ako? may nangyari ulit samin? inamin nyang mahal nya ako? inalok nya akong maging gf nya? binigyan nya ako ng singsing? Napayuko ako sa tuwa at pagka shock, di ko alam ang sasabihin ko. "May bagong Bf ba si Cerrah sa school Jenas?" napatingin ulit ako kay Dad

"Wala Dad!" sigaw ko, nagkatinginan kami ni Jenas, parang nabigla din sya sa sagot ko, inisip ba nyang gusto kong itago ang relationship namin? umiling iling ako "I mean, I have a boyfriend but not at school" natatarantang sagot ko, wala naman sa school si Jenas eh, nandito sya sa house, pero... Schoolmate ko sya kaya Bf ko rin sya sa school?, parehong nakataas ang isang kilay ni Dad at Jenas sa pagtataka "Boyfriend ko sya sa school"

#3 𝒮𝓊𝒸𝒸𝑒𝒹𝒶𝓃𝑒𝓊𝓂 (Jenas and Cerrah Book1) 3rd StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon