𝕮𝖍𝖆𝖕𝖙𝖊𝖗 10 : Jenah Mayer

645 24 0
                                    


🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸
🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸
🌸🌸🌸🌸🌸

***** JENAS

Nakangalumbaba ako habang naka sandal sa bintana ng classroom. Huminga ako ng malalim habang nakatingin sa labas. Hindi parin ako makapaniwala na patay na si Ma'am Marian o kilala sa school bilang Ms. Fil ng Filipino Department. Ang pagkamatay nya ay pinagtakpan ng paaralan namin. Pinalabas nila na nag resign si Ma'am para mag abroad. Ganon na lang ba ang buhay naming mga agent? magtatagumpay sa misyon na walang dapat makaalam at mamamatay sa misyon na wala paring makakaalam. Filipino subject namin ngayon at wala kaming instructor dahil wala pa daw substitute kay Ma'am Fil. Napapaisip ako kung isa rin bang Agent ang ipapasok nila.

rrrrriiiinnnnggg....!!!
tumunog ang bell senyales na Lunch break na

"Pres!" isang tapik sa balikat ko ang gumising sa paglalagalag ng isip ko. Si Mhar iyon at  umupo sa tabi ko. Si Zaolo naman ay umupo sa armchair na nasa harapan ko at si Jofer ay nag hila ng upuan para umupo malapit sa amin "Ang seryoso mo ngayon ah"

"Kailan ba hindi naging seryoso yan?" sabat ni Zaolo. Napansin ko si Jofer na tahimik lang at tila inaantok,bahagya akong nagtaka lalo na nang humikab sya "Ano kakain ba tayo sa canteen o mag uutos na lang tayo?"

"Mukhang inaantok ka ah?" tanong ko. "Anong oras ka ba natulog kagabi?" Napansin kong tinawag ni Mhar ang kambal nyang si Yvone para makisuyo na bumili ng pagkain sa canteen at nang pumayag si Yvone ay sumabat sya.

"Madaling araw nang umuwi yan eh" sagot ni Mhar. Isang paghihinala at kutob ang pumasok ulit sa isip ko, pinagmasdan ko ng matiim si Jofer, tumingin sya ng masama kay Mhar at nang mapansin nyang nakatingin ako sa kanya ay ngumiti sya sa pinsan at tinapik ito

"Alam mo namang kailangan kong mag ipon diba?" nakangiting wika ni Jofer

"Hindi ka parin ba lab lab ng daddy mo? hanggang ngayon galit parin sya sayo?" tanong ni Zaolo. Tumungo tungo si Jofer. "Duon ka parin ba nagta trabaho?"

"Anong trabaho mo?" biglang sabat ko.

"Side line lang naman" sagot nya "Photographer sa bar"

"Talaga?" tanong ko "Saan naman?" kailangan kong mag back ground check kung totoong may side line sya at nasa trabaho nang oras na pinatay ang Superior naming si Ma'am Marian.

"Sa 24k Bar, sa Alley" nakangiting sagot ni Jofer "Punta kayo next time dun, madaming hot chicks, maki booty work kayo" tinataas taas pa nya ang kilay nya

"Pass muna ako, kailangan kong mag aral ng mabuti" tanggi ko

"Haay! dapat nga kami ang mag isip ng ideya mo na yan Jenas, ikaw kahit na ibagsak mo ang subjects mo ay nakapag tapos ka na naman ng ibang kurso, wala ka nang dapat patunayan. Dapat ang ginagawa mo na lang ay nag e enjoy yet, here you are, nagpapaka stress sa studies" bagot na wika ni Zaolo "Ang boring ng life mo dre"

"Pres! may naghahanap sayo" tawag ng isa naming kaklase napatingin kami sa pinto. Medyo nabigla pa ako nang pumasok sa room si Gertrude

"Diba si Jenah Mayer yan ng BA?" bulong ng kaklase namin

"Ang cute nya talaga" bulong pa ng iba

"Anong ginagawa nyan dito?" bulong ni Czacarly. Tumayo ako para lapitan sya pero naglakad sya palapit sa akin at natigilan ang lahat nang bigla nya akong halikan sa labi. Parang nag blur ang paligid ko kasabay ng mga mumunting bulong dahil sa pangyayari

"We need to talk" wika ni Gertrude a.k.a Jenah Mayer sa akin at hinawakan ako sa kamay, hinila nya ako sabay takbo palabas ng room.

Umakyat kami sa rooftop ng school building. Ito ang tinatawag naming garden in the sky ng campus.

"What's that for Gert- Jenah" tanong ko "Gumawa ka ng eksena, may mga nakakaalam na sa room namin na magpapakasal kami ni Cerrah tapos bigla kang sumulpot para halikan ako. Hindi mo ba naisip na kakalat sa buong campus ang ginawa mo at maaaring malaman ni Flare na naghalikan tayo?" tanong ko. Alam kong may nararamdaman sa isa't isa sina Gertrude at Flare pero inuuna nila ang misyon kumpara sa pag mamahalan nila. Meron silang pina priority at sigurado akong hindi puso iyon. Pero nakakalalaki rin naman kasing malaman na nakipag halikan ang babaeng mahal mo sa kasamahan mo sa trabaho.

"I know. Ito lang ang paraan ko para makapag lapit tayo sa isa't isa na walang mag hihinala. Sa tingin mo ba walang magtataka na bigla tayong mag uusap after ng pagkamatay ng Superior natin na naka assign dito sa campus? nasa tabi tabi lang ang kalaban, maaari silang maghinala sa atin" paliwanag ni Jenah "Bukod don, maiintindihan naman iyon ni Flare. Trabaho lang at walang personalan" Huminga ako ng malalim

"Sige. kung yan ang desisyon mo na trabaho lang at walang personalan" tinitigan ko ng masinsinan si Gertrude "Anong gusto mong sabihin sa akin"

"Di tuloy ang plano tungkol sa pagtatago ng bureau kay Carl Anthony. Sa ngayon ay magiging dalawa ang responsibilidad mo Jenas. Hinayaan ng bureau na ma divert ng kalaban ang isip nila sa pagkamatay ng mga Superiors natin" paliwanag ni Gertrude "Malaking kamalian ang desisyon sa HQ. Isinantabi nila ang misyon"

"Sinadyang gawin ng kalaban kay Ma'am Marian ang pagpatay, alam ng kalaban na asawa nya ang head ng HQ, kilala ng kalaban ang mga nasa loob ng HQ" sagot ko

"Posible bang may traydor sa loob ng Bureau?" tanong ni Gertrude. Sumandal siya sa dingding

"Obvious naman Jenah, sa statement ni Sir Kutaro halatang may kalaban sa loob" sagot ko.

"Maaaring mag linis ng mga tauhan sa loob" wika ni Gertrude "Ipag patuloy nalang natin ang misyon basta hindi tayo pwedeng mag tiwala"

"Kahit sayo" sagot ko. Ngumiti si Gertrude

"Oo kahit sa akin don't let your guard down" sagot ni Gertrude. Umayos ng tayo si Gertrude "Sya nga pala Jenas, nakita ni Cerrah yung paghahalikan natin. Ikaw nang bahala magpaliwanag sa kanya ah, hindi ako mag sasalita, hahayaan kong ikaw na ang lumutas ng problema"

"Binigyan mo ako ng malaking problema Jenah" wika ko. Ngumiti siya

"Sya" sagot ni Jenah at tumalikod para sana lumabas na ng garden in the sky pero napatigil sya ng bahagya, ilang minuto lang ang pag hinto nya at bumalik ulit sa sa akin "Alam kong huli na ang lahat para ayusin ang mali sa relasyon natin" biglang nag iba ang tono ni Gertrude. Tonong naiiyak at nagpapaawa, hinawakan nya ako sa mukha at ang mata nya ay sumenyas na may tao sa kabilang dingding

"Tanggapin mo nalang na tapos na tayo Jenah" pag gatong ko sa adlib nya

"Hindi!" sigaw niya "Alam ko na hindi mo mahal si Cerrah! ako ang mahal mo! please Jenas, wag mo nang ituloy ang pagpapakasal sa kanya, ayusin natin ang lahat, ibalik natin ang dati. I'm willing to do everything para bumalik ka sa akin"

"Bigyan mo ako ng dahilan para bumalik ako sayo" wika ko

"Nag transfer pa ako dito para mapalapit ulit sayo" sagot nya

"You never change Jenah. Alam mo ba kung bakit mas ginusto kong piliin si Cerrah kaysa sa iyo? dahil Totoo sya sa sarili nya. Hindi sya takot na sabihin kung ano ang nararamdaman nya o nakikita nya sa ibang tao. Iyon ang nagustuhan ko sa kanya" paliwanag ko. Sinampal ako ni Gertrude awts! masakit sya manampal, tinotoo nya ang pag acting, hindi ako aware dun.

"If that's what you want. Mag sama kayong dalawa, but I will never give up on us. I will follow you wherever you go, I will always show up whatever the situation is, I will make your relationship with her a pain in your *ss. I will never stop whatever you do" banta nya at nag walk out wow! what an actress

🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸
🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸
🌸🌸🌸🌸🌸

#3 𝒮𝓊𝒸𝒸𝑒𝒹𝒶𝓃𝑒𝓊𝓂 (Jenas and Cerrah Book1) 3rd StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon