𝕮𝖍𝖆𝖕𝖙𝖊𝖗 45: kira

433 12 0
                                    


🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸
🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸
🌸🌸🌸🌸🌸

***** JENAS

Nakatulala ako ngayon sa kisame habang nakahiga sa kama. Hindi maalis sa isip ko si Kira, Sya yung babaeng dahilan kung bakit mabilis kong na overcome ang sakit ng pagkamatay ng Childhood sweetheart kong si Savanna. Nakasama ko siya ng saglit sa trabaho anim na buwan buhat nang mamatay si Sav, akala ko nuon ay hindi na ako matututong mag mahal ulit, akala ko nuon ay tuluyan nang mag didilim ang buhay ko pero dahil kay Kira lahat ng akala ko ay nabago. Minahal ko sya sa saglit na pagkakakilala namin, nahulog ang loob ko sa kanya sukdulang ibigay ko lahat ng meron ako sa kanya. Sya rin ang kauna unahang babae na nakasama ko sa kama, sobra ko rin syang minahal pero bago pa man ako sumabak sa panibago kong misyon kay Cerrah Jane BuenaVista ay umamin siya, Simula pa nuon ay hindi nya ako minahal, pinaramdam nya sa akin ang huwad na pag ibig dahil sa awa at takot na tuluyang lamunin ng puot ang puso ko. Nanghinayang din sya sa abilidad at kaalaman ko sa ganitong uri ng trabaho, 'Isa kang malaking kawalan ng bureau kapag magkataon' Iyon ang mga katagang pumasok sa isip ko kaya naman sobra akong nasaktan dahilan para maging malamig ang pakikitungo ko kay Cerrah sa unang encounter namin pero dahil dedikado at desidido ako sa trabaho ay nagawa kong i divert ang nararamdaman ko para sa ikakatagumpay ng misyon ko.

Bigla nalang akong natawa nang rumehistro sa utak ko ang itsura ni Kira sa tuwing ikinakama ko sya

"Bwisit" mura ko sa sarili ko. Hindi nya ako mahal pero sa tatlong buwan na pagiging magkarelasyon namin buwan ng dalaw lang nya ang pahinga namin sa s*x. Napabalikwas ako nang pabalibag na bumukas ang pinto ng kwarto ko. Agad kong hinawakan ang baril na nakapatong sa side table at nang nakita kong si Cerrah iyon ay pasimple kong ipinasok ang baril sa drawer ng side table "Anong ginagawa mo dito? bakit pabigla bigla ka nalang pumapasok sa kwarto ko?" tanong ko

"Hindi pa ako nakapasok sa kwarto mo" pamimilosopo ni Cerrah, Oo nga naman, nasa labas pa sya ng kwarto ko. Bagot akong umupo sa kama.

"Kumatok ka man lang sana ng maayos" inis kong wika "Bakit? anong kailangan mo? bakit nandito ka?" tanong ko wala ako sa mood ngayon na maging succedaneum ng future husband daw nya 'kuno' stress ako kay Kira ngayon. Pumasok sa kwarto si Cerrah at ni lock ang pinto, napansin kong hinuhubad nya ang suot nyang robe kaya tumayo ako para pigilan sya "Ano nanamang trip mo?" tanong ko

"I want to be that woman's succedaneum" sagot ni Cerrah, amoy na amoy ko ang tamis ng katawan nya, mahilig si Cerrah sa matatamis na amoy, Chocolate scent ang gamit nyang conditioner sa buhok, French Vanilla ang gamit nyang pabango at Lavender naman ang kanyang lotion, ang gamit nya namang sabon ay may halong prutas at gatas o di kaya ang petals ng bulaklak

"Sinabi ko nang di mo kakayanin" inis kong sagot

"Kakayanin ko" pilit nya

"Bakit ba ang kulit mo?" tanong ko, bakit ba mapilit ka Cerrah

"I know you're in pain, I felt it too" sagot ni Cerrah, hawak ko parin ang robe nya para hindi nya matanggal

"Naaawa ka ba sakin?" tanong ko, hindi sumagot si Cerrah "Hindi kita ino obliga na pasayahin ako kapag nalulungkot ako Cerrah, hindi kita inoobliga na magpanggap bilang sya" mahina ko syang tinulak palapit sa pinto "Bumalik ka na sa kwato mo, sige na" pilit na ginigitgit ni Cerrah ang katawan nya sakin

"I can do everything!" sigaw nya "Kung ano ang kaya nya makakaya ko rin at hihigitan ko pa" pilit nya. Sobrang competitive talaga ni Cerrah, talagang ayaw magpatalo kahit kanino

"What are you trying to prove Young Lady?" tanong ko "Nakaraan ko lang sya, wala ka nang kinalaman don" wika ko "Wag mong gawing competition ang lahat"

"Fine!" sagot nya "But this time, just this time, I want to be her" umiling iling sya "No! I'm more better than her"

"She's much better than you" sagot ko. Sumimangot si Cerrah

"I can do everything, I will do anything you want" pilit ni Cerrah

"Just to prove na mas better ka sa kanya?" tanong ko. Umiling iling ako "Yan ang sakit mo Cerrah, You're too naive hindi mo sya mahihigitan dahil mas marami syang alam kaysa sayo"

"Tulad ng? name it and I'll prove it" desidido talaga si Cerrah Patulan ko kaya trip nito para makadama ng takot, tingnan natin kung di ka matakot Ms. Virgin

"S*x" sagot ko, gusto kong matawa nang namula si Cerrah sa sinabi ko pero nagpigil ako para mag mukhang seryoso. "Sige nga, paano mo masasabing mas better ka kung sa s*x palang wala ka pang karanasan?" Minsan talaga napapasaya ako ni Cerrah kahit problemado ako kasi dahil sa mga ganitong sitwasyon, mag pupumilit sya yet sa huli kakainin nya naman lahat ng sinabi nya dahil matatalo sya sa diskusyunan.

"Then..." mahina lang ang boses nya pero rinig ko iyon, tumaas ang kilay ko habang hinihintay ang kasunod nyang sasabihin "Let's have s*x" lalong humina ang boses nya

"Ano?" di ako makapaniwala sa sinabi nya kaya natawa ako, hinawakan ko ang ulo nya at bahagyang niyuko para mag panta ang mukha namin "Itulog mo na yan Young Lady, bangang ka lang, antok lang yan"

***** CERRAH

Bangag? antok? sira ulo to ah! nilulunok ko na nga lang ang hiya para makalimutan nya kung sino mang babae yung inaylabyuhan nya kanina tapos sasabihan lang akong bangag at inaantok lang?! Hindi ba nya na gets kung bakit pumasok ako sa kwarto nya ng bagong ligo at naka robe lang?! I'm willing to give my body to him para makalimot sya... Gaga ka ghurl! bigla nanamang umekstra ang konsensya ko Ginagamit mo pang dahilan ang kalungkutan ni Jenas eh alam mo namang gusto mong ma experience ang makipag sex diba? and take note kay Jenas mo naisipan malandi ka! biglang lumakas ang kaba sa dibdib ko, parang gusto kong sabunutan ang sarili ko sa kahihiyan Ang landi ko! ang landi ko! ang landi ko! kung kanikanino ko balak itapon ang katawan ko! pakipot pa ako pero may kalandian rin pala ako! nakakainis ka Cerrah! pinapagalitan ko ang sarili ko.

"Honestly..." wika ko "I'm sorry Jenas, I don't want to compete with- with that woman" yumuko ako sa kahihiyan "Nakakahiya" wika ko "Gusto kong maramdaman kung paano makipag sex, pero... I'm sorry!" wika ko "Please forget what happened, I'm sorry talaga" agad akong tumalikod para tumakbo palabas pero hinila ako ni Jenas at niyakap.

"Cerrah" bulong ni Jenas sa akin habang nakalapat ang labi sa buhok ko, ang init ng yakap nya sa akin at ramdam ko ang bulge sa ibabang parte ng katawan nya. Tumingala ako para tingnan sya, dahan dahan ay inilapat nya ang labi nya sa labi ko.

#3 𝒮𝓊𝒸𝒸𝑒𝒹𝒶𝓃𝑒𝓊𝓂 (Jenas and Cerrah Book1) 3rd StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon