𝕮𝖍𝖆𝖕𝖙𝖊𝖗 57: Exam

375 11 0
                                    


🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸
🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸
🌸🌸🌸🌸🌸

****** Cerrah

Math. Eto ang pinaka hate na subject ko, at eto pa ang pinaka unang subject! at 3 hours pa iyon, tapos may long quiz pa sa math. Napakamot nalang ako sa ulo ko habang tinititigan ang test paper na nasaharapan ko.

"Ang aga aga ang sakit na ng ulo ko" bulong ko.

"Ms. BuenaVista," tawag ng Math teacher namin. Napa angat ako ng ulo.

"Ma'am?" tanong ko.

"Hindi mag kakaroon ng sulat ang test paper mo kung tinititigan mo lang at binubulungan ng ritwal, dapat sinusulatan mo yan ng solution" puna ng teacher ko. Naka ramdam ako ng konting hiya nang nagtawanan ang mga classmates ko. Tumingin ako sa kinauupuan ni Jenas, seryoso sya sa pag babasa sa test paper nya. As usual natapos na ang buong oras ng math subject pero malinis ang test paper ko, siguradong babagsak talaga ako nito dahil hindi ako makapag concentrate dahil kay Jenas. ako na lang ang naiwan sa mga estudyante sa loob ng classroom maski si Jenas ay nasa labas na ng room at naghihintay sa akin  "Ms. BuenaVista, overtime ka na, hindi ka pa ba mag papasa ng papel mo?". Tumayo ako at lumapit sa guro ko.

"Ma'am" nag aalangan akong lumapit sa kanya. "Sorry Ma'am, hindi ko po nasagutan yung exam" wika ko sabay lunok ng malalim.

"Kahit isa?" mahinahon na tanong ni Ma'am.

"Sorry ma'am" nakayukong pag hingi ko ng dispensa.

"Ms. BuenaVista hindi pwedeng palagi ka nalang 65 sa exam mo, tandaan mo graduating student ka, hindi pwedeng bumagsak ka sa kahit anong subject dahil hindi ka makaka graduate" Paliwanag ni Ma'am. "Nababahala ako sa pag baba ng grades mo, dati rati naman consistent ang pagiging rank 2 mo pero ngayon bumababa ka na sa rank 5 try to improve yourself, mag pursige ka."

"Opo ma'am" kagat labing pabulong na sagot ko.

"Next exam, kailangan mong i perfect ang score mo para makahabol ka sa grades na nasayang mo" payo ni Ma'am.

"Opo ma'am" sagot ko.

"Sige na, mag break ka na" wika ni Ma'am.

"Ahm, Ma'am, kumusta po ang score ni Jenas?" tanong ko.

"Di ko pa na check bakit?" tanong ng guro habang nag liligpit ng gamit.

"Ma'am, pwede po bang kung sakali lang po, kung sakaling bumagsak si Jenas, pwede mo po ba syang bigyan ulit ng chance na mag re-take?" tanong ko.

"Bakit naman Ms.BuenaVista?" tanong ng guro.

"Hindi po kasi sya naka review kagabi ng dahil sa akin. Dahil sa pagiging childish and selfish ko. Na gu-guilty po ako ma'am, feeling ko po ipinapahamak ko sya. Please ma'am, bigyan nyo po ng chance si Jenas na mag re-take kapag bumagsak sya. Kahit po kapalit non mag lilinis ako ng cr for one month." Wika ko. Napaisip ako sa sinabi ko, parang di ko kayang mag linis ng cr sa loob ng isang buwan. "For one week nalang Ma'am" pag babago ng isip ko.

"Okay Ms. BuenaVista, if bumagsak si Mr. Rivaii sa exam, papayag akong mag re-take sya, pero sure ka ba na ikaw talaga ang mag lilinis ng cr sa loob ng isang linggo?" pagka-klaro ni Ma'am.

"Opo Ma'am. Thank you Ma'am. Kakain na ako Ma'am ah, nagutom kasi ako sa exam .. Thank you talaga ma'am" masayang wika ko.

Pag labas ko ng classroom ay nakita ko si Jenas na nag hihintay. Halatang gutom na sya.

"Bakit ang tagal mo?" tanong ni Jenas

"Kakatapos ko lang mag exam ." sagot ko.

"1 hour lang ang break natin, na consume na ng katagalan mo ang 15 minutes ng break ko, gutom na gutom na ako" wika ni Jenas.

#3 𝒮𝓊𝒸𝒸𝑒𝒹𝒶𝓃𝑒𝓊𝓂 (Jenas and Cerrah Book1) 3rd StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon