𝕮𝖍𝖆𝖕𝖙𝖊𝖗 31 : Jenas Vs. Argz 2

478 9 0
                                    


🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸
🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸
🌸🌸🌸🌸🌸

****** CERRAH

Habang nagtuturo si Ma'am ay Naramdaman kong nag vibrate ang cellphone ko, Palihim ko iyong binuksan para basahin ang text

I miss you babe kita tayo sa parking lot ~ tx ni Argz. Napakunot ang nuo ko, ako ba ang tine text nito o yung babae nya? pasimple akong nagtaas ng red card para makita ni Ma'am. Ang school Council kasi namin ay gumawa ng policy, sa ID namin ay may naka kabit pa na tatlong kulay na kasing laki rin ng ID pag ipakita mo sa teacher ang kulay Red na Card, ibig sabihin ay masama ang pakiramdam mo at gusto mo nang pumunta sa clinic. Kapag Green card naman ay mag e excuse ka dahil may tumawag sayo, yung tipong emergency call talaga at Yellow card naman kapag na si C.R na ang estudyante.

Ipinatupad ang policy na iyon para sa kapakanan ng mga estudyante at guro, sa panahong nasa sitwasyon na sila na ma c-cr, masama pakiramdam o may emergency tawag ay pwedeng lumabas ang estudyante ng hindi na kailangang istorbohin ang momentum ng guro habang nagtuturo, hindi na rin maaabala pa ang mga kaklase nya kapag huminto ang guro sa pagtuturo dahil nagpaalam ang estudyante.

Dali dali akong bumaba sa school building para pumunta sa parking lot. Ano kayang dahilan at nag cutting si Argz? haayy, college na nagka cutting class pa. Nasa lobby pa lang ako nang mapansin ko si Argz na nakasandal sa kotse nya kaya namna inayos ko ang damit ko pati buhok ko para ma impress sa akin ang BF ko, naglakad ako papunta sa kinaroroonan nya pero napahinto ako nang makita kong lumapit ang babaeng BA na palagi nyang kasama. Parang tinutusok ng karayom ang puso ko nang makita kong yumapos ang babae sa kanya at naghalikan silang dalawa. Di ko alam kung gusto kong magpalamon sa lupa nang makita kong ginagala ni Argz ang kamay nya sa katawan ng babae, Hindi sa akin ginagawa ni Argz yun, hindi ko kinaiinggitan yon kung tutuusin nagpapasalamat pa ako dahil hindi sya ganon ka bastos sa akin, medyo lang. Ang ikinasasama ng loob ko ay ang pamalagiang pagtataksil sa akin ni Argz na tipong ilang ulit ko na syang nahuli pero nagtatanga tangahan parin ako.

Huminga ako ng malalim at tinalikuran sila. Hindi ko sila papatulan tulad ng sinabi ni Jenas, ayaw kong mag mukhang masama at hibang.

Pero, ang sakit sa dibdib

ღ(¯'◕‿◕'¯) ♫ ♪ ♫ ♫ ♪ ♫ (¯'◕‿◕'¯)ღ

******* JENAS

Nang napansin kong tumayo si Cerrah at lumabas ay na alarma ako, hindi ko alamkung bakit sya umalis ng kwarto pero hindi maganda ang kutob ko. Pano ba to? di ko alam kung anong kulay ng card ang pinakita nya kay Ma'am, napatingin ako sa mga katabi kong engot. May papasok nanamang kalokohan sa utak ng mga to eh! kapag sumunod ako kay Cerrah. Ah! bahala na hindi naman sila ang kailangan kong bantayan. Bahagya akong nag taas ng Green Card, kunwari may Emergency call ako. Nang makita iyon ni Ma'am ay agad akong tumayo at mabilis na lumabas,hinabol ko si Cerrah sa hagdan. Binilisan ko ang takbo pababa para maabutan ko sya pero pag baba ko nang hagdan ay wala na sya. Ang bilis naman mawala nun? baka nag CR lang yon kasi kung emergency call dapat sa labas lang sya ng room Bakit ikaw Jenas naglamierda kahit green card ang pinakita mo? Biglang umeksbut ang utak ko Shut up me!
Luminga linga ako sa paligid kaya napansin kong lumiko papuntang parking lot si Cerrah. Anong gagawin non? Tumakbo ako para habulin sya, yung saktong distansya na hindi nya ako mapapansin at mararamdaman. Sinadya kong lumayo ng konti nang maabutan ko syang huminto sa tabi ng concrete na dingding at tila may sinisilip sa mga nakaparadang sasakyan kaya nag sumandal na lang ako sa haligi pero siniguradong nakatago parin ako.

Kahit na hindi ako nakatingin sa kinaroroonan ni Cerrah ay naramdaman kong may palapit sa akin, sigurado akong sya yon kaya bigla akong sumulpot sa harap nya. Nagulat sya at napahawak sa dibdib nang makita nya ako.

#3 𝒮𝓊𝒸𝒸𝑒𝒹𝒶𝓃𝑒𝓊𝓂 (Jenas and Cerrah Book1) 3rd StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon