𝕮𝖍𝖆𝖕𝖙𝖊𝖗 43 : Because of Ysabel Flores

424 15 0
                                    


🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸
🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸
🌸🌸🌸🌸🌸

Buong linggong hindi nag imikan sina Cerrah at Jenas although palagi silang magkasama sa bahay, at sa eskwela. Hanggang sa matapos ang Sports Fest ay hindi nag papansinan ang dalawa. Nang matapos na ang event ay nabalitaan ni Cerrah na panalo at over all champion ang school nila laban sa ibang school, kanya kanya silang celebrate samantalang si Cerrah ay wala. Walang magawa dahil hindi naman sya sumali sa kahit anong sports.

    "Hello Yvone" wika ni Cerrah habang kausap sa cellphone si Yvone. Naka upo sya sa ilalim ng puno habang pinapanood na nag lalabasan sa school ang mga estudyante. "Gala naman tayo sa mall. Treat ko" pag aaya ni Cerrah. "Ganon? Ikaw na may date, hahah. Sige si Hazel na lang aayain ko" biglang natahimik at nalungkot si Cerrah. Hindi sya masasamahan ni Yvone dahil may date sila ni Zaolo, kaya nag try sya na tawagan naman si Hazel pero bigo naman sya dahil pagkatapos na pagkatapos ng event ay bumyahe na ito pauwi sa probinsya para mag bakasyon, Si Nova naman ay nakipag date rin kay Troy. Si Khim naman ay inaya ni Mhar, Sina Jofer at Jhec naman ay may lakad din samantalang si Ivy ay may family Dinner

    Hindi na hinintay ni Cerrah si Jenas, inisip na lang nya na mag se celebrate ito kasama ang team nya kaya umuwi na lang sya. Nang makarating sa bahay ay naisipan na lang nyang I edit lahat ng pictures ni Jenas para ibenta sa paparating na foundation day para naman makaganti sya sa pagkagulo ng buhay ni Jenas.

    "Haaayyy! Nakaka boring! Nakakasawang makita yung mukha ni Jenas" reklamo ni Cerrah at isinara ang kanyang laptop. "Ano kayang gagawin ko" Naalala ni Cerrah yung libro ni Jenas na ginawa ni Serenity kaya binasa nya nalang ito. After nya mag basa ay naisip nyang mag fb para mag stalk kay Ysabel at talagang nakaka highblood ang nakita nyang post ni Ysabel sa Fb, Nag celebrate ang buong course nila sa Mang Inihaw "Hmp! Akala mo ahas kung maka lingkis kay Jenas, ito namang Jenas na to nagka Fan lang nakalimutan na nyang nililigawan nya ako." Wika ni Cerrah sa sarili nya. "Napapaisip tuloy ako kung seryoso sya sa paghahabol sa akin nuong nakaraan" Boba! sa sobrang pakipot mo nagsawa na yung tao kakahanol sayo sabi ng isip ni Cerrah

    Wala talaga syang magawa kaya pagulong gulog na lang sya sa kama, patayo tayo, bagot na bagot. Naisip nya na lang na gumala sa mall tutal wala naman syang kasama at mag si sine na lang sya nang mag isa after that ay mag sha-shopping. Agad syang nag palit ng damit, yung sexy sya. Maikling pambaba yung revealing talaga yung makinis na kutis ng legs nya at sando na hapit sa dibdib at baywang, napaka simple ng attire nya pero talagang nakakahanga.

    Nang makarating na sya sa mall ay nagpaalam na sya sa Driver nya.

    "Manong, Here's your pocket money" binigyan ni Cerrah ng Php. 2,500 ang driver nya, "di ko alam if anong oras ako matatapos gumala, kaya kung mabagot ka, gumala ka na rin at gamitin mo yang pocket money mo. Mag te-text na lang ako kung uuwi na tayo okay?" wika ni Cerrah.

    "Opo ma'am, thank you po sa allowance" sagot ni Manong Driver

    Nag simula nang gumala si Cerrah, nag shopping sya. Bili dito at bili duon. Hindi alam ni Cerrah na iisang mall lang pala ang ginagalaan nila ni Jenas, Nang nasa department store sya para mamili ng bibilhin nya ay aksidenteng nakita ni Jenas ang dalaga, hindi na nag paalam si Jenas sa mga kasama na napili ng mga damit, bigla na lang syang umalis at pumunta kay Cerrah.

    "Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Jenas, nabigla si Cerrah dahil sa isang iglap ay nakatabi na sa kanya si Jenas.

    "Ikaw anong ginagawa mo dito? Diba nasa Mang Inihaw ka" sagot ni Cerrah at nag susukat sukat. Hinila ni Jenas si Cerrah.

    "Ganyan lang ang suot mo?" kita ni Cerrah ang inis kay Jenas

    "Anong Problema sa suot ko?" tanong ni Cerrah. "tsaka, pwede ba dun ka na sa mga kasama mo, ngayon pa lang ako nag e-enjoy wag kang epal okay"

#3 𝒮𝓊𝒸𝒸𝑒𝒹𝒶𝓃𝑒𝓊𝓂 (Jenas and Cerrah Book1) 3rd StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon