𝕮𝖍𝖆𝖕𝖙𝖊𝖗 52: Way back

393 16 0
                                    


🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸
🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸
🌸🌸🌸🌸🌸

****** Cerrah

Dahan dahan kaming naglakad sa madilim na pasilyo habang nakabuntot ako kina Jenas at Astrid. Huminto kami nang makarating kami sa dulo kung saan ay matatanaw na ang liwanag mula sa ilaw ng lugar. Hindi ko alam kung ano ang nakikita ni Jenas pero alam kong naghihintay sya ng tiyempo para sumunggab sa kalaban.

"Gising na kaya yung tatlo sa loob?" tanong ng boses lalaki, isa yata sa nagbabantay sa amin.

"Siguradong hindi pa, mag iingay yun kapag gumising na" sagot ng isa, nakarinig kami ng tunog ng nagalaw na upuan "Oh, san ka pupunta?" Dahan dahan kaming tinulak ni Jenas paatras

"Iihi lang" sagot ng lalaki "Hoy, wag kang mandadaya ha"

"Anong silbi ng pandaraya kung wala namang pusta? G*go mo talaga" sagot ng lalaki. Nakita naming dumaan sa harapan namin ang lalaking bantaypara mag cr, mabuti nalang at madilim sa pwesto namin kaya di nya kami napansin. Pag pasok ng lalaki sa cr ay mabilis na kumilos si Jenas, medyo natulala pa ako sa bigla. Basta nakarinig lang ako ng ungol na tila nahihirapan sa pag hinga hanggang sa hinila ako ni Astrid. Napansin kong tila nakatulog ang lalaki sa mesa

"Is he dead?" bulong ko kay Astrid

"Tulog lang yan" sagot ni Astrid. Nakita ko kung paano kinasa ni Jenas ang baril at ibinigay kay Astrid.

"Bantayan mo muna yung pinto kung may papasok, Tatrabahuin ko lang yung isa" bulong ni Jenas at lumakad palapit sa pinto ng cr, hinintay nyang bumukas ang pinto, pag bukas ng pinto ay hinawakan ni Jenas ang doorknob at malakas na tinulak dahilan para maumpog ang lalaki sa loob

"Outch" bulong ko. Feeling ko ako ang nasaktan sa ginawa ni Jenas, Pumasok si Jenas sa loob ng cr at nag kulong silang dalawa. Matapos lang ang ilang minuto ay lumabas si Jenas na tila nag hugas lang ng kamay. Parang sanay na sanay sya sa one on one combat. Lumapit sya sa amin at dahan dahang binuksan ang jalousy na bintana para sumilip.

"Madilim sa labas, wala akong makita" bulong ni Jenas.

"Isa na lang ang problema natin, Siguro naman kaya na nating tumakas ng magkakasama" bulong ni Astrid, umiling iling si Jenas

"Kapag mag pang abot tayo sa labas kinakailangan kong magpaiwan para harapin sya. It will give you enough time to escape" sagot ni Jenas

"What if pagtulungan natin sya?" suhestiyon ko

"Anytime maaaring bumalik sa huwisyo yung dalawa, hindi ko sila pinatay, tinuruan ko lang ng leksiyon sigurado akong handa na sila pag gising nila. Delikado kung manatili pa kayo dito" sagot ni Jenas. Inabot ni Astrid ang baril kay Jenas

"Mas kailangan mo yan" wika ni Astrid, Naunang lumabas si Jenas at sumunod kami.

"Hoy!" biglang may lalaking sumigaw at binaril kami

"Aahhh!" tili ko. Hinawakan ni Astrid ang ulo ko para mapayuko habang mabilis akong tinutulak palayo sa lugar kung saan binabaril kami. Nag pakawala rin si Jenas ng putok ng baril

"Astrid, i co cover ko kayo hanggang sa makalabas kayo ng gate, hindi ko alam kung nasaan ang kalaban, masyadong madilim" bilin ni Jenas. Nagtataka ako, bakit hindi makakita ng maayos si Jenas samantalang maliwanag naman ang sinag ng buwan, naaaninag ko nga silang dalawa. Nagpalitan ng putok ng baril sina Jenas at ang kalaban, hanggang sa lumabas sa pinto ang dalawa pang lalaki na pinatulog ni Jenas kanina, ngayon ay tatlo na ang bumabaril sa amin. Hindi ko na alam ang sumunod na nangyari, basta ang alam ko nalang ay nakalabas na kami ng gate pero nanatili sa loob si Jenas at nagtatago para i delay ang pag habol samin at para ma divert ang atensyon nila.

#3 𝒮𝓊𝒸𝒸𝑒𝒹𝒶𝓃𝑒𝓊𝓂 (Jenas and Cerrah Book1) 3rd StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon