𝕮𝖍𝖆𝖕𝖙𝖊𝖗 80: Kutaro

349 11 0
                                    


🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸
🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸
🌸🌸🌸🌸🌸

***** Jenas

Naging maayos ang relasyon namin ni Cerrah sa mga sumunod na linggo, bihira na lang kaming mag away at magkaskitan ng loob. Bumait sya at lumambing, sumusunod na rin sya sa mga sinasabi ko sa kanya.

"Samahan ko lang si Cerrah sa faculty" paalam ko kina Mhar habang bagot silang naka upo sa kanya kanya nilang upuan. Wala kasi ang teacher namin at kami ni Cerrah ang naatasang mag lecture sa class pero nasa faculty kasi ang mga visual aids at module na gagamitin namin kaya naman kukunin muna namin sa ibaba.

"Bilisan nyo" bagot na sagot ni Mhar habang naka patong ang mga paa nya sa sandalan ng upuan ni Yvone. Agad hinampas ni Yvone ang paa ng kambal nya kaya inalis ito ni Mhar

"Mhar! Manners please" sita ni Yvone. Hindi na sya pinatulan pa ni Mhar at ibinaling ang atensyon sa amin ni Cerrah

"Wag na kayong biglang liko ah, baka mag chance pa kayo" pahabol ni Mhar.

"Sira ulo" sagot ko, ngumisi lang sya sa amin.

*****Mhar

Hindi ko alam kung bakit bagot na bagot ako ngayong araw na ito, dahil ba sa hindi ako pabor sa request sakin ni Dad? Nag simula akong mag hinala sa kung anong trabaho ni Daddy nang may dumating na telegrama sa bahay, napaka old style naman non

******Flashback

Palabas na ako ng bahay para mag jogging ng makita ko ang security guard namin na ini inspect ang sulat na ipinadala sa bahay, napaka O.A naman, bakit kailangan pang i inspect? papel lang naman siguro yan. Pero, may napansin ako. Makapal ang nasa loob ng sobre.

"Bai ano yan?" tanong ko. Halatang nagulat ang security guard

"Ha? ah- eh- sir?" di makasagot ang guard

"Marijuana ba yan?" tanong ko

"Hindi sir ah!" depensa ng guard, Bakit kabado sya? aamin ko hindi ko lubos na pinagkakatiwalaan ang guard namin na ito dahil bukod sa medyo bata pa ang edad nya, kaedad lang ni Jenas ay baguhan pa lang sya saserbisyo nya samin

"Para kanino yan?" tanong ko

"Sakin sir!" mabilis na sagot ng guard, Agad kong hinablot ang hawak ng guard pero mabilis ang kamay nya, naiiwas nya ito sa akin "Hindi pwede sayo to sir"

"Ilegal yan" wika ko

"Hindi ko gawain ang ilegal sir" sagot nito

"Eh bakit ayaw mong ipakita sakin?" tanong ko

"Sa akin to sir, privacy naman oh" buo ang boses nya, napangiti ako

#3 𝒮𝓊𝒸𝒸𝑒𝒹𝒶𝓃𝑒𝓊𝓂 (Jenas and Cerrah Book1) 3rd StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon