𝕮𝖍𝖆𝖕𝖙𝖊𝖗 42 : Sports Festival

463 12 0
                                    


🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸
🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸
🌸🌸🌸🌸🌸

*****Cerrah

Inabot din nang halos isang linggo ang pag e-edit ko sa mga stolen shots ni Jenas. Napansin ni Jenas na marami at paparami ang mga babaeng nag papacute sa kanya. Andiyan ang may nag iiwan ng mga chocolates at love letters sa locker nya, pinapaabot ang mga sulat at gifts sa mga kaklase at lantarang nag tatapat ng nararamdaman. Dahil nag Boom ang plano namin nila Nova, Khim, Yvone, Jhec, Hazel at Ivy ay naging sikat nga si Jenas, May fans club na siya na pinangungunahan ng die hard fan nyang si Ysabel, 😩😣😩 parami na ng parami ang mga potential karibal ko char! pero seryoso parami na ng parami ang mga kinaiiritahan ko dito sa campus bukod kina Czacarly at Astrid dumagdag pa sina Jenah Mayer, Aleeiah, at Ysabel ng dahil kay Jenas. may gumawa ng blog tungkol sa kanya, may nag papa autograph sa pictures nya, nakikipag selfie at groupie. Marami nang tagahanga si Jenas.

Sa kwarto ni Jenas ay naiirita ako sa tambak na mga regalo at sulat ng mga die hard fans ni Jenas.

"Ang kalat kalat na ng kwarto mo dahil sa mga sulat ng zombie fans mo" naiinis na reklamo ko. "Hindi na relaxing yung tambayan ko" nagseselos ka shunga!

"Kaya nga bibili na ako ng maleta para ilagay nalang duon yung mga sulat at regalo" sagot ni Jenas.

"Gagastos ka pa, sunugin mo nalang" inis na wika ko at padabog na umupo sa kama.

"Hindi pwede, pinag hirapan nila to, dapat nga binabasa ko lahat ng sulat ., kaso wala pa akong time kaya itatago ko muna" Paliwanag ni Jenas. "Successful yung plano nyo ako naman kawawa. Ano bang ginawa nyo at parang sumikat ako bigla sa school?"

"Nakuha kami ng stolen shots mo, ine-edit ko at pinapakalat nung anim" sagot ko.

"Ayan, kasalanan nyo yan, wala man lang kayong pasabi sa akin, baka mamaya kidnapin nila ako at rape-in" biro ni Jenas. I snort at him.

    "As if naman na papayagan mong gahasain ka liban na lang kung gusto mo talaga" sagot ko.

🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸

*Sports Festival*

*****Cerrah

Nag simula na ang Sports fest sa School, tulad ng inaasahan, nag datingan ang mga taga ibang school para makipag compete. Dito ginanap ang naturang competiton dahil malaki at malawak ang gym at iba pang venue na naaayon sa sports na paglalabanan. Nag pasya na akong hindi maki laban ng cheering at pageant gayun din si Astrid kaya nabigla talaga ang lahat ng estudyante.

Ang kinaaabangan duon ay ang mga parade ng Drums and Lyre at ang cheer dance competition, sikat na sikat ang panimulang labanan na iyon lalo na sa mga kalalakihan sa school dahil sa mga nag gagandahang cheerdancers ng bawat school.

Habang nanunuod ng cheerdance competition ay nakita ko si Jenas sa kabilang bench kasama ang mga ka team sa basketball na enjoy na enjoy sa panunuod sa mga nasayaw na babae, nag haharutan sila at nag tutuksuan.

"Tsss! Ang haharot" Inis na wika ko sa sarili. sabay irap

"Ha? ano?" tanong ni Yvone.

"Wala" sagot ko. Nabigla ako nang nagtilian sina Nova, Yvone, Jhec at Khim.

"Ang cute ng lalaki" tili nila.

"Ang haharot nyo" bulong ko sa mga kaibigan.

"Tama!" pag agree ni Hazel sabay ngisi ni Ivy

#3 𝒮𝓊𝒸𝒸𝑒𝒹𝒶𝓃𝑒𝓊𝓂 (Jenas and Cerrah Book1) 3rd StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon