𝕮𝖍𝖆𝖕𝖙𝖊𝖗 15: Nova, Hazel, Khim, Jhec, Yvone & Ivy

602 18 0
                                    


🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸
🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸
🌸🌸🌸🌸🌸

***** CERRAH

It's Monday! every monday bored na bored ako samahan pa ng dalawang gabi akong hindi nakatulog kakaisip kung bakit feeling ko namumula ako sa hiya kapag nagkakasalubong kami ni Jenas sa bahay, ewan ko ba parang crush ko sya bigla dahil lang sa pahapyaw kong naramdaman kung paano nya i trato ang mga babaeng gusto nyang makasama, mahal man nya o hindi.

Nasa tabi ako ng wall nakaupo, nanonood ako ng try out sa Gym mula kasi sa bintana na pinag sisilipan ko ay tanaw na tanaw ko ang open Gym, nakangalumbaba ako sa armchair. Tsk! hindi ko mapapanood si Jenas paano ba naman kasi si Ma'am kinukuha na sa amin agad agad ang mga plano sa mga gagawin naming events hindi lang sa whole sem kundi sa pati whole school year, walang ibang officer na aasahang magplano dahil si Jenas na president nasa try out together with our Sgt. at arms na sina Jofer at Zaolo, si Rej na VP nasa try out din ng basketball, wala ang muse naming walang kwenta dahil nagpapa cute sa baba kasama ang higad naming monitor na si Mae, they are my friends pero, alam kong pinaplastic lang nila ako especially my cousin Czacarly, she hates me so much. Ang naiwan lang dito ay ang mga P.R.O na grupo ni Jenas, di ko naman sila close duh, kahit plastican kami nila Czacarly at Mae atleast gamay ko na ang ugali nila.

"Hi" nabigla ako nang bumati sa akin si Nova "Nag bilin sa amin si Jenas na samahan ka daw muna namin, okay lang sayo?" malambing ang pag approach sa akin ni Nova, may bitbit syang notebook at ballpen kasama nya sina Khim, Ivy, Yvone, Hazel at Jhec. Naalala ko ang pakiusap sa akin ni Jenas, wag akong maging agresibo sa kanila. Okay fine, Ngumiti ako sa kanila

"Okay lang" mahina kong sagot. Ngumiti rin sila sa akin at hinila nila ang mga upuan para mag form kami ng bilog

"Narinig naming kinukuha na ni Ma'am Tolentino ang breakdown of school activities, Sa totoo lang wala pang naiisip si Pres na gagawin" wika ni Hazel

"Yun nga ang pinoproblema ko, ayaw ko namang mag plano na hindi alam ng mga officers, nakakabastos yung hindi ako hihingi ng opinyon sa inyo" sagot ko, Cerrah be nice

"Don't worry We will going to help you" sagot ni Khim "Mag brain storming muna tayo then pagsasama samahan natin lahat ng idea para malaman natin kung ano ang idadagdag o i de deduct"

After 30 minutes ay nag merge na kami ng mga idea, si Khim ang nag silbing speaker namin

"So eto na nga, June we need representatives sa bawat sports and events" wika ni Khim

"Check" mahinhin na sagot ni Yvone. Mahinhin siya sa lahat ng bagay kabaliktaran ng kakambal nyang si Mhar, akala ko dati pabebe effect nya lang ang paghihinhin hinhinan pero di naman pala sya bitchesa.

"July, we need to cooperate for acquaintance party" wika pa ni Nova. Malakas ang aura ni Nova, ma se sense mo yung sister instinct nya.

"Cooperate like?" tanong ni Hazel, sya naman ay masasabi kong counter part ni Czacarly, Prangka sya masyado.

"Dance opening!" excited na sagot ni Jhec na kikay sa grupo

"Oo nga! what if mag flash mob tayo?" tanong ni Yvone, ang cute nila tingnan, kikay at mahinhin ay pinag sama sa iisang lugar, pero kahit naaaliw ako sa kanila ay hindi maalis sa isip ko si Jenas nuong unang sinabi nya sa akin na mawawala na sya sa landas ko kapag mailipat sya sa varsity kung makapasok sya sa basketball team talagang masaya ako pero nang maramdaman ko yung lambing nya sa akin ay parang nalungkot ako, parang ayaw ko na syang lumayo sa akin, kahit na BF ko si Argz mas gusto kong kasama si Jenas kaysa sa kanya dahil nararamdaman ko ang paunti unting panlalamig sa akin ni Argz, unti unting nagkakatotoo ang paratang sa kanya ni Jenas.

#3 𝒮𝓊𝒸𝒸𝑒𝒹𝒶𝓃𝑒𝓊𝓂 (Jenas and Cerrah Book1) 3rd StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon