𝕮𝖍𝖆𝖕𝖙𝖊𝖗 55: Meeting

361 10 0
                                    


🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸
🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸
🌸🌸🌸🌸🌸

***** Cerrah

Kahit na nag aaral kami ay hindi parin namin nakakalimutang paghandaan ang nalalapit naming Christmas Party. Lahat kaming class officers ay nag paiwan para mag meeting tungkol sa Christmas Party.

"Kinausap ako ng School President tungkol sa limitations ng gaganaping Christmas Party" wika ni Jenas, hindi nya kami tinitingnan, naka yuko lang sya sa notebook nya.

"Kailan ka kinausap ni Aleeiah?" tanong ko,

"Kanina sa P.E class" sagot ni Jenas

"Diba dapat sa Council Room kayo mag usap regarding sa gagawing events at napagkasunduang buong class officers ang kakausapin instead of Class President lang?" Matapos ang pagtatangkang pang se seduce ni Aleeiah kay Jenas sa Council Room ay nag suggest ako sa buong School Council na kailangang kausapin ang buong Class Officers kung may concern sila sa isang bagay para maiwasan ang misunderstanding at pagkakawatak watak ng klase na pinaburan naman ng marami. Napansin kong tinusok ni Mhar ang tagiliran ni Zaolo pagkatapos ay tila kinikilig na nag bulungan, mukha ba akong nag seselos? natameme nalang ako sa kahihiyan

"Biglaan lang kasi" malamig na sagot ni Jenas, ganito na kami mag usap, wala ng emotion sa isa't isa. Parang gusto kong kainin lahat ng sinabi ko nuong araw na nalaman kong nagpapanggap lang si Jenas bilang future husband ko. Sa totoo lang nakaka miss syang asarin, kulitin at lambingin. G*ga! na miss mo kamo ang presence nya sayo!  "Anyway, ang gagawing Christmas Party ay per classroom na lang, at gagawin iyon sa classroom"

"Ang cheap naman" reklamo ni Czacarly "Bakit hindi nila pinayagang gawing ball?"

"Para di masyadong crowded" sagot ni Jenas.

"Social Distancing nga kasi" sabat ni Mhar

"Shut up" pag susuplada ni Czacarly "Escort ka lang so shut up" natawa si Mhar

"Wow, nag salita ang muse lang" sagot ni Mhar

"Tama na ang away" mahinahong sita ni Jenas "Para rin magkaroon ng bonding ang magkakaklase. Nuong mga nakaraang events palagi nating ka bonding nag ibang mga course kaya ngayon dapat maging intact tayo sa isa't isa kasi last year na nating magkakasama ngayon"

"Kung sabagay may point ka" pag surrender ni Czacarly. Yumuko si Jenas, pumikit at humawak sa nuo nya habang hinihimas ito na tila hinihilot, kasunod nuon ang bridge ng ilong nya bago sya muling dumilat at tumingin samin

"Sinong incharge sa decorations?" tanong ni Jenas at pumikit ulit sya

"Okay ka lang Pres?" tanong ni Mhar,  nakatitig lang ako kay Jenas, hindi parin sya nakatingin sa amin nilabas nya ang dila nya to lick his lips, ang sarap nyang tingnan everytime na dinidilaan nya ang labi nya. Feeling ko tutulo ang laway ko habang tinitingnan sya nang mapansin kong may tumulong dugo sa isang butas ng ilong nya.

"Oh my gosh!" sigaw ko at biglang tumakbo sa kinaroroonan ni Jenas. Nagulat din ang mga kaibigan at kapwa namin officers. Kinuha ko ang panyo ko sa bulsa at ipinunas sa ilong nya "What's happening to you?" tanong ko at inalalayang patingalain si Jenas

"Nababalinguyngoy yata si Jenas" wika ni Hazel

"Dalhin na natin sa clinic si Jenas" suhestiyon ni Mhar

"I'm going too" sagot ko. Hindi ko iniwan si Jenas hanggang sa magpasundo nalang kami pag uwi. Nag aalala ako sa kanya, pag hatid namin sa clinic ay inasikaso agad sya ng nurse at nang hayaan na nya kaming makita si Jenas ay tulog na ito. Binantayan ko sya hanggang sa magising sya.

Pag baba namin ng kotse ay matamlay na lumakad si Jenas sa sleeping quarter nya "Jenas" tawag ko. Huminto sya sa paglalakad "Are you okay na ba?" tanong ko

"Oo, sobrang init lang naman ang dahilan ng pag dugo ng ilong ko tsaka kinulang lang ako sa tulog kaya sumasakit ulo ko" sagot ni Jenas

"Don't you want to eat?" tanong ko

"Wala akong gana" sagot nya "Ma'am Cerrah" natigilan ako sa huling sinabi nya, pinanood ko nalang ang pagpasok nya sa sleeping quarter nya.

**********
Simula nang tawagin ako ni Jenas na Ma'am Cerrah ay nag iba lalo ang pakikitungo namin sa isa't isa, kinuwento ko rin kina Yvone ang nangyari nung gabing iyon kaya lalo silang nakadama ng inis kay Jenas

***flashback

"Ang taas ng pride niya ah!" inis na wika ni Yvone habang naka Zoom-in kaming pito

"Hindi ganyan ang Jenas na nakilala ko, grabe sya" umiiling na sabat ni Nova

"Sa tingin nyo? ugali na talaga ni Jenas yun o ginagawa lang nya para lalo natin syang iwasan?" tanong ni Khim

"Ugali man nya o hindi still nag sinungaling sya at ngayon naman tinanggihan nya ang offer na help ni Cerrah" wika ni Jhec

"Hindi naman nya ako tinanggihan kasi di ko pa sya inaalok kanina" depensa ko

"Ah kahit na! iniwasan ka parin nya" sagot ni Jhec

"Dahil iniiwasan natin sya?" sagot ko

"You're defending him aren't you?" tanong ni Jhec

"No I'm not, I'm just being resonable" sagot ko

"Yeah reasonable" pag mimic sakin ni Jhec

"Tsaka ako naman yung nag sabi sa kanya na Amo at Bodyguard na lang ang turingan namin sa isa't isa" sagot ko

"Kaya pinanindigan nyang maging bodyguard mo?" tanong ni Hazel "Tsk! Cerrah naman, hindi man lang sya nag makaawa o humabol sayo o kulitin ka na magbago isip mo?"

"Lalaki nga kasi, ano pang aasahan mo? bato na nga manhid pa" Bagot na sagot ni Ivy. Natahimik kaming lahat.

"Haaaayyyy..." sabay sabay naming hinga ng malalim

"Kung maging matigas sya at hindi sya magmakaawang bawiin mo ang sinabi mo, then so be it, ituring natin syang, Personal Bodyguard mo" suhestiyon ni Hazel

#3 𝒮𝓊𝒸𝒸𝑒𝒹𝒶𝓃𝑒𝓊𝓂 (Jenas and Cerrah Book1) 3rd StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon