𝕮𝖍𝖆𝖕𝖙𝖊𝖗 21 : Pag ibig nga kaya?

559 18 0
                                    


🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸
🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸
🌸🌸🌸🌸🌸

At House...

***** JENAS

Hindi ko na alam ang nangyayari sa sarili ko. Dati rati naman puro misyon lang ang pumapasok sa isip ko pero ngayon may mga sandaling imahe ni Cerrah ang nakikita ko. Tiningnan ko ang mahimbing na pagtulog ni Cerrah habang naka unan sa braso at nakayakap sa katawan ko. Magkatabi kaming dalawa ngayon sa kama.

Hindi ko naman talaga type si Cerrah eh, aaminin ko nuong unang beses kong nakita ang file nya ay natuwa ako dahil maganda syang babae pero wala sa bokabularyo ko ang pormahan sya. Sadyang yung mga tropa ko lang talaga, especially Mhar naiinis talaga ako kapag naaalala ko ang mukha nang lalaki na yun! sya ang dahilan kung bakit parang may nararamdaman na akong kakaiba sa tuwing kasama ko si Cerrah eh! samahan pa ng gatong na sina Jofer at Zaolo.

"Wala naman talaga akong gusto kay Cerrah, Yung mga sira ulo kong kabarkada ang may pakana kung bakit unti unti akong na de develop sa kanya"

Napailing ako, hindi pwedeng mahulog ang loob ko sa kanya. Misyon ko si Cerrah ang trabaho ko ay protektahan sya hindi mahalin. Kailangan ko lang naman na mahulog ang loob nya sa akin para walang ibang tao ang maging na sasagabal sa misyon ko diba? Ginagawa ko lang ang mga bagay na hinahangad ni Cerrah para  ma inlove na sya sa akin. Sinusulit ko lang ang pagkakataon na mahina sya at vulnerable, tinaon ko lang sa panahong marupok sya. Hindi pwedeng maging kami, marami akong lihim, Marami akong kasinungalingan tulad na lang ng tungkol kay Savana, hindi talaga kamukha ni Cerrah si Savana, Hindi totoong wala pa akong karanasan sa sex, hindi totoo ang katauhang nakikita nila sa akin.

"Pero paano ko mapipigil ang sarili ko kung kalaban ko mismo ay puso at isip ko? Si Cerrah ang tumatakbo sa lintik kong isip at si Cerrah ang tinitibok nitong puso ko"

ipokrito ka Jenas. Habang hindi pa malalim ang nararamdaman mo kay Cerrah, pilitin mong umiwas! wag kang mahuhulog ng tuluyan sa kanya. Isipin mo ang misyon mo, Ang pag hihiganti sa nangyari kay Savana at kay Salvador.

.......
@school parking lot

***** CERRAH

Nagtaka ako nang makarating kami sa school, after naming bumaba sa kotse ay naglakad na agad si Jenas at iniwan nya ako, no, masyadong exage, naka distansya lang sya ng kaunti pero nauuna sya sakin. Bipolar ba sya? kanina lang ang sweet sweet nya, pag sakay nga namin sa kotse bago bumiyahe papunta dito sa school ay hinalikan nya pa ulit ako sa loob ng car, halos malimutan naming papasok kami dahil sa tagal ng paghahalikan namin tapos ngayon bigla syang lumamig sa akin.

"Sira ulo" bulong ko sa sarili ko, bahala sya kung narinig nya ako o hindi

Papunta na kami sa room nang harangin kami nina Mhar

"Hi Cerrah!" bati ni Mhar

"Hi" sagot ko. Nangako ako kay Jenas na hindi ko na susungitan sina Mhar

"Dre, may pinapakuha si Sir sa garden in the sky, eh, medyo madaming paso ng roses yung pinapatransfer nya sa akin" wika ni Mhar habang nagpa puppy eyes "Can you help me?"

"Ayoko nga" malamig na sagot ni Jenas, yung mukha ko naging 😒 kay Jenas

"You're so mean Dre" wika ni Mhar tapos yung mukha nya ganito 🥺 haha! parang tuta

#3 𝒮𝓊𝒸𝒸𝑒𝒹𝒶𝓃𝑒𝓊𝓂 (Jenas and Cerrah Book1) 3rd StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon