𝕮𝖍𝖆𝖕𝖙𝖊𝖗 32 : Break Up

461 11 0
                                    


🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸
🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸
🌸🌸🌸🌸🌸

⚠️WARNING⚠️

Gusto kong ipaalam sa inyo na hindi lahat ng nakasulat dito ay totoo, some lang naman ☺️

🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸
🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸
🌸🌸🌸🌸🌸

****** Cerrah

Wala akong dapat pag selosan ako na mismo ang may sabi kay Jenas na di ko sya kayang mahalin SA NGAYON 😫😖😫 Ano bang dapat kong pag selosan?!! imbes na magpasalamat ako kay Jenah at Saenz sa pagtulong nila kay Jenas nuong na hold up sya sa mall bakit lalo akong nakakaramdam ng inis kay Jenah?! feeling ko talaga gusto nyang makipag balikan kay Jenas ng bonggang bongga! I hope hindi sya katulad ng mga kontra bida sa teledrama na halos mabaliw baliw makuha lang ang lalaking trip nila. hmp! 😤 Bahala ka Jenas! do what ever you want to do! it's your freak'n life anyway!

Hindi ko pinansin si Jenas buong maghapon sa school bahala ka jan! Nang nasa parking lot na kami bago sumakay sa kotse ay nag text muna ako kay Argz habang naka sandal sa pinto ng front seat. Yung hay*p na lalaking yon! kahit h*nayupak sya bakit mahal na mahal ko parin sya?! nakakainis!!

Babe, uuwi na ako. Ingat ka ~ text ko kay Argz. Hinintay ko syang mag reply pero ang tagal, nagulat ako nang bumusina si Jenas kaya napatingin ako sa bintana na kasalukuyang ibinababa ni Jenas

"Ano na? papasok ka ba o maglalakad ka pauwi?" tanong ni Jenas, tinaasan ko sya ng kilay "Taray nito" at binuksan ang pinto. Nakanguso akong sumakay sa kotse at hindi nag aksaya ng panahong kausapin sya, bahala ka jan!

Nakauwi na kami sa bahay pero hindi parin nag rereply si Argz, nagkulong rin ako sa kwarto ko dahil ayaw kong matulog sa tabi ko si Jenas, naiinis ako sa kanya. Muli ay nag text ako kay Argz

Cerrah to Argz :
Hi babe, I miss u, txt ka naman please       (message sent 8:15 pm)
babe busy?                                                              (message sent 8:45 pm)
babe, i love you.                                                    (message sent 9:20 pm)
babe?                                                                         (message sent 9:21 pm)
babe?                                                                        (message sent 9:22 pm)

Busy nga yata. Busy dahil busy or busy dahil may babaeng pinagkakaabalahan? haaay Cerrah Jane sobrang tanga mo na nga sobrang martir mo pa. Ano bang hinahabol mo sa lalaking yon? ni hindi ka man lang pahalagahan? tanga tanga ka forever!

I tried to call him pero <Call ended> napataas ang kilay ko so, inulit ko ang tawag
<The subscriber cannot be reach, please try your call later>

"istupidong Argz!" sigaw ko at padabog na humiga sa kama. Hindi na ako mangungulit, busy sya! busy sa di malamang pinagkakaabalahan. Makatulog na nga lang.

****** Kinabukasan

Nagising ako sa tunog ng cellphone ko, may nag text kaya kahit inaantok pa ako ay pinilit kong imulat ang mga mata ko para basahin

#3 𝒮𝓊𝒸𝒸𝑒𝒹𝒶𝓃𝑒𝓊𝓂 (Jenas and Cerrah Book1) 3rd StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon