𝕮𝖍𝖆𝖕𝖙𝖊𝖗 58: Condiments

373 13 0
                                    


🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸
🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸
🌸🌸🌸🌸🌸

***** Cerrah

Nang nasa supermarket na kami ay di na kami nag sayang pa ng oras, bumili na agad kami ng mga ingredients na kailangan sa pagluluto ng kare-kare hanggang sa may nabangga na isang maganda at sexy na babae si Jenas.

"Ay, Miss sorry" wika ni Jenas habang tumutulong na mag dampot sa mga nalaglag na pinamimili ng babae. Pati ako ay naki dampot na rin.

"Okay lang" sagot ng babae. Pag tingin ng babae kay Jenas ay tila namukhaan nya ito "Jenas?" tanong ng babae at sabay silang tumayo habang pinanonood ko sila ay wow! parang nasa teleserye ako. Nakangiti at nag tataka si Jenas kung bakit sya kilala ng babae. Pustahan magpapalusot si Jenas.

"Miss, Do I Know you?" tanong ni Jenas, natawa ang babae.

"Ikaw ah, last week mo lang ako nakasama tapos kinalimutan mo na agad ako. It's me, Beah" pakilala ng babae. (Biih parang yung gulay na Peas basa dun diba? pii or pi or pee 😂) Napataas ang kilay ko last week? kasama? nakalimutan agad?

"Beah? I can't remember you, san ba tayo nag kita?" tanong ni Jenas. Hinawakan ng babae ang pisngi ni Jenas, Nakaramdam ng ako ng inis sa babae hmp! ginawang bata si Jenas? kurot pisngi? epal!

"Edi wow!" bulong ko sa sarili.

"Siguro marami ang nainom mo last week kaya hindi mo na ako maalala, sinungaling ka, sabi mo sa akin hinding hindi mo ako makakalimutan dahil nag enjoy ka sa mga styles na ginawa natin sa cr" kwento ng babae. Napataas nanaman ako ng kilay sa narinig at tinitigan si Jenas na tila nag tataka at nandidiri. Biglang natawa si Jenas sa sinabi ng babae😃.

"Miss, hindi talaga kita maalala, sige aalis na kami" wika ni Jenas at hinawakan ang braso ko para hilahin palayo.

"Naalala mo ba yung condom sa cr?" tanong ng babae. huminto kami ni Jenas "Nung gabing yon, wala kang dalang condom kaya ang ginawa mo kinatok mo yung kabilang cubicle ng cr at humingi ka ng condom, nakakatawa nga yung ginawa nyo dahil nagbigayan kayo ng condom at pinadaan nyo sa barrier ng cubicle" kwento ng babae. Napa lip bite ako dahil hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiinis. Jenaaaasssss... 😤😠😡

"Ahhh,, hindi ko talaga maalala, sige Miss nice meeting you bye!" Nag mamadaling akong hinila ni Jenas sa babae.

"Kadiri ka Jenas" nandidiring wika ko. "Alam mo, dun ka na sa bubuyog mo! uuwi na ako" mag wo walk out sana ako pero hindi ko tinuloy, napahinto ako dahil nagmumukha akong nag seselos. Humarap ako kay Jenas "Ang eeww mo"

"Anong kadiri don?" tanong ni Jenas kita ko sa mukha nya ang pagtataka "Hindi ko talaga sya kilala, nagtataka ako kung bakit nalaman nya ang pangalan ko, hindi ako umalis last week at lalong lalo na hindi ako nakikipag s*x sa iba't ibang babae" depensa nya. Napaisip din ako, hindi ko rin napansing umalis si Jenas last week, ilang linggo na rin syang natutulog sa kwarto ko habang nakaharang ang kutson na hinihigaan nya sa pinto para di ako makatakas sa gimmickan.

"Oo nga no? hindi ko rin namalayang umalis ka last week" pag agree ko
"Jenas, baka kalaban nanaman yun?" tanong ko. Hinawakan ni Jenas ang kamay ko

"Bilisan na nating mag grocery para maka uwi agad tayo" sagot ni Jenas. Habang namimili ako ng mga bibilhin ay naririnig ko si Jenas na may kausap sa cp nya, nang matapos na syang makipag usap ay tinanong ko sya

"Sino yung kausap mo?" tanong ko

"Tumawag ako ng ba back up satin tsaka mag i scout sa labas at garahe bago tayo lumabas para safe" sagot ni Jenas. "Tapos ka na bang mamili ng ingredients?" tumungo tungo ako "Tara na sa counter"

*********

Nang nasa bahay na kami ay pinapanuod lang ni Jenas kung paano ako mag luto.

"Damihan mo yung gulay" utos ni Jenas habang nakangalungbaba sa marmol na la mesa.

"Ang hilig mo sa gulay" sagot ko.

"Syempre puro gulay ang tanim ko sa bahay namin nasanay ako na puro gulay ang pagkain" sagot ni Jenas.

"Oh?, marunong ka mag tanim?" tanong ko.

"Oo naman, hindi ba halata? Ako hardinero nyo" sagot ni Jenas. Huminto ako sa pag tikim ng kare-kare at sumilip sa bintana para makita ang garden.

"Oo nga no? ikaw nag tanim ng mga halaman jan sa labas?" tanong ko.

"Hindi mo alam? Pambihira, tagal tagal ko nang tinanim yan, ngayon mo lang napansin?" tanong ni Jenas na parang nadismaya.

"Malay ko bang ikaw gumawa nyan. Pero infairness nagustuhan ko. Ang ganda ng tanim mo. Yung favorite kong halaman jan yung santan kasi iba iba yung kulay" puri ko.

"Ang daming mas maganda jan, may rose, carnation, lavender tapos santan lang nagustuhan mo" wika ni Jenas.

"Mas na aatract ako sa iba ibang kulay, pwede ba mag tanim ka ng flowers na kulay rainbow" biro ko.

"As in halaman, isang halaman na kulay rainbow?" tanong ni Jenas.

"Oo" sagot ko habang nag papatuloy sa pag luluto.

"Yung favor mo sakin parang elepanteng kulay rainbow lang din" wika ni Jenas.

"Bakit naman?" tanong ko.

"Walang ganun hahah!" sagot ni Jenas, hinagisan ko sya ng pinag balatan ng gulay.

""Tikman mo" sinubuan ko si Jenas.

"Pwede na" biro ni Jenas. Padabog kong nilapag ang sandok sa sangkalan.

"Yun lang? pwede na?" parang nainsulto ako. Ngumiti si Jenas

"Joke lang, ang sarap kaya, partida wala pang bagoong ah, pwede ka na mag asawa" biro ni Jenas. Di pa ako nakaka move on sayo Jenas, t*nga!

Sabay kaming kumain sa dinning area si Daddy kasi ay nasa opisina nanaman, dun na sya nang dinner.

"Cerrah, may favor ako sayo" wika ni Jenas. Tiningnan ko sya.

"Ano yun?" tanong ko at sumubo ng pagkain.

"Pwede bang wag ka munang magpasaway ngayon? Kahit ngayon lang wag mo ako tatakasan or wag ka aalis ng bahay, napagod kasi ako sa exam at masakit talaga ang ulo ko, gusto ko sanang matulog ng maaga." Paki suyo ni Jenas.

"Ayaw ko nga" sagot ko at Ngumiti sa binata.

"Please" pag mamakaawa ni Jenas. "Kahit ngayon lang"

"Okay, in one condition" sagot ko.

"Ano yun?" tanong ni Jenas.

"I massage mo yung likod ko." Sagot ko

"Inaantok na nga ako ." reklamo ni Jenas.

"Napagod kasi ang ulo at likod ko sa exam kanina, maawa ka naman sa akin, pinaglutuan na nga kita ng paburito mo" Nag papaawang boses ko. heheh!

"Okay sige. Likod lang ah, hindi full body massage" sagot ni Jenas.

"Yes! Oo likod lang, naku pag full body baka tsansingan mo ako" biro ko

"Hindi naman ako maniac" dipensa ni Jenas.

#3 𝒮𝓊𝒸𝒸𝑒𝒹𝒶𝓃𝑒𝓊𝓂 (Jenas and Cerrah Book1) 3rd StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon