𝕮𝖍𝖆𝖕𝖙𝖊𝖗 19 : Intrams 2

575 20 0
                                    


🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸
🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸
🌸🌸🌸🌸🌸

***** JENAS

Naka sandal ako sa isang dingding di kalayuan sa lugar kung saan nag re ready sina Cerrah para sa cheerdance competition nang bigla akong sampalan ng flyer sa mukha. Agad kong kinuha ito at nakita kong ang Student Council Vice President ang gumawa sa akin non, naka ngiting aso pa ang sira ulo. Ano bang meron sa mga VP ng school na to at para sa akin ay mukhang mga emoji na ewan sila? naiirita ako. At mas naiirita ako sa tuwing maaalala kong siya ang humila sa akin sa auditorium at walang anu ano ay pinag pictorial ako para ibugaw sa valentines day

"Galingan mo sa Valentines ah" nakangiting wika nito at iniwan ako. Tumingin ulit ako sa kinaroroonan ni Cerrah, ngayon ay kausap na nya sina Yvone. Masaya ako dahil hindi ko kailangang pakiusapan ang mga iyon para kaibiganin si Cerrah, masaya ako na tunay ang pakikipag lapit nila dito at malaking tulong iyon para ma build up lalo ang self confidence ni Cerrah.

Nang nag simula na silang sumayaw ay hindi ko pinalagpas ang panonood, akala nya siguro wala ako. Nag video ako at nagkuha ng mga letrato para kung sakaling awayin nya ulit ako tungkol sa di ko panonood sa kanya ay may ebidensya ako. Hanggang sa tawagin na kami para lumaban sa basketball.

Nasa bench kami at hinihintay na lang ang oras nang akbayan ako ni Zaolo

"Ano kayang lamang nyan ni Argz sayo Jenas at patay na patay si Cerrah jan?" tanong ni Zaolo

"Paligo" sabat ni Mhar. Tiningnan ko sya ng masama "Joke!"

"Baka experience sa chix" wika ni Jofer "Maiba nga, nasan ka kanina? hinahanap ka ni Cerrah"

"Sinabi nya bang hinahanap nya ako?" bagot kong tanong

"Hindi direkta pero halata naman Dre, di naman kami sobrang bobo para hindi makahalata" sagot ni Jofer

"Di parin ba kayo nagkakaayos?" tanong ni Mhar "Kung nasa tunay na relasyon kayo hindi healthy yan dre, isang buwang walang kibuan"

"Kung nasa tunay na relasyon kami, hindi ko papaabutin ng kinabukasan ang away namin" sagot ko

"Wow ang sweet" sagot ni Zaolo.

"Dre, parang ang sama ng tingin ni Flare sayo" bulong ni Mhar. Tumingin ako sa bench ng mga BSCrim, totoo nga parang papatayin ako ni Flare sa titig. Ano ba tong lalaki na to hanggang ngayon ba naman galit sya sa paghalik sa akin ni Gertrude? konyatan ko kaya sa harap nya si Gertrude nang malaman nyang di ko type yung Jojowain nya.

ღ(¯'◕‿◕'¯) ♫ ♪ ♫  ♫ ♪ ♫ (¯'◕‿◕'¯)ღ

Simula pa lang ng laban ay pinersonal na ako

Nang fourth quarter na ay halos dikit ang laban, isa lang ang lamang kaya kailangang makipaghabulan ng score pero sa huli ay nanalo ang BSCrim sa score na 75-74. Nakaupo kami sa bench habang inaasikaso ni Coach ang binti ni Zaolo na pinulikat, ang ilang kasamahan ko naman ay kanya kanyang punas ng pawis nang may tumawag sa cellphone ko.

"Hello" hindi iyon tanong

"Alam mo bang pikon na pikon ako sayo kanina pa?" tanong ni Flare sa cp. Tumingin ako sa kinaroroonan nya na sya namang nakatitig sa akin, tumayo ako at lumayo ng bahagya sa mga kasama ko

"Bakit ako ang pinag iinitan mo? hindi mo ba talaga mahiwalay ang personal na intensyon mo kay Gertrude sa trabaho? hinalikan nya ako dahil iyon ang paraan nya para mabilis na makalapit sa akin" paliwanag ko

"At tuwang tuwa ka naman?" tanong nya. napangiti ako. Tingnan mo tong engot na to, parang babae mag selos, nagtataray masyado

" Sino bang matutuwa na dahil sa trabaho magagalit sayo ang kaibigan mo. Wala akong gusto kay Gertrude, ngayon kung hindi ka maniniwala wala na akong magagawa pero wag mo akong susubukan Cardinal kayang kaya kita dalhin sa limitasyon mo" pag babanta ko. Flare Cardinal ang tunay na pangalan ni Flare pero binigyan sya ng code name ni Salvador na "Florence Curdi' habang si Chase Alvarez naman ay may code name na 'Chester Toral' di ko alam kung bakit napalitan ng Flare Coldblooad at Chase Tracker ang code names nila pero atleast naging astig at bagay sa personality nila ang bago nilang pangalan. Pero, sa katauhan ni Flare, alam kong pikon sya at madaling magalit kung ipagdidiinan nya na may gusto at intensyon ako kay Gertrude kaya mas pipikunin ko sya bahala na kung mag suntukan kami one of this days, nanjan naman sina Chase at Saenz para umawat at alam kong isang sita lang ni Gertrude sa kanya ay hihinto na sya sa kahibangan nya.

#3 𝒮𝓊𝒸𝒸𝑒𝒹𝒶𝓃𝑒𝓊𝓂 (Jenas and Cerrah Book1) 3rd StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon