𝕮𝖍𝖆𝖕𝖙𝖊𝖗 33 : Deadline

466 11 0
                                    


🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸
🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸
🌸🌸🌸🌸🌸

***** Cerrah

Isang linggo buhat nang mag cool off kami ni Argz, naging matamlay ako pero ni isa sa mga kaibigan ko ay walang nag re react o nag tatanong, siguro naikuwento na ni Jenas sa kanila, siguro kating kati na si Khim na konyatan ako sa katangahan ko o di kaya siguro gustong gusto na akong tampalin ni Ivy ng tablet nya o di kaya tampalin ni Hazel ng libro o di kaya sabunutan ni Jhec or kurutin ni Yvone or pitikin ni Nova haaaaayyy...

May groupings kami mamaya after ng lunchbreak namin kaya umupo na si Roiuie sa tabi ko dahil partner ko sya sa next subject, tapos na kaming kumain ng mga tropa at hinihintay na lang ang bell, nag susulat ako ng notes na hiniram ko kay Khim habang sina Jenas, Mhar, Zaolo at Jofer ay nag haharutan sa likod ng room. Sina Yvone, Jhec at Nova ay nasa harapan ko at nag papaganda habang sina Khim, Ivy at Hazel ay may kanya kanyang pinag kakaabalahan nang may maramdaman akong ulo na pumagitna sa   balikat namin ni Roi (Roiuie)

"Dala ko na yung regalo ko" natigilan ako nang mabosesan ko kung sino yun, Si Argz, bakit pumasok sya sa room namin? natulala ako sa notebook ko,

"Cool" masayang sagot ni Roiuie. Humigpit ang hawak ko sa ballpen at nagkunwaring hindi ko narinig yung sinabi nya. Pero ang totoo di ko alam kung manlulumo ako sa hiya

"Bakit may asong gala dito?" napatingin kaming lahat kay Jenas at alam kong hindi nagustuhan ni Argz ang narinig nya dahil bumilog ang kamao nya "Czacarly nalimutan nyong itali ni Rej yung aso nyo lamierda tuloy ng lamierda" Nakipagtitigan ng masama si Argz kay Jenas

"Hinahamon mo ba ako?" tanong ni Argz

"Tol nasa maling room ka, kung duon sa room nyo puro barumbado kayo ibahin mo dito" wika ni Mhar "Ibahin mo yung Course namin"

"Argz" humawak sa balikat ni Argz si Rej "Bumalik ka na lang muna sa room nyo, VP ako dito madadali yung pangalan ko kapag hinayaan lang kitang makipag away" Inis na lumabas ng room si Argz sabay balibag ng pinto.

"G*go" natatawang wika ni Zaolo "May topak din pala yung tropa nyo e" nakangisi nyang wika kay Rej. Hindi sya sinagot ni Rej bagkus ay umupo nalang sa upuan nya. Nanatili lang akong tahimik sa inuupuan ko at patuloy na nagsusulat, ayaw kong magpa apekto sa mga nangyayari ngayon.

*****Canteen

Nang mag lunch break ay gigil na gigil si Khim nang naalala nya ang ginawa ni Argz kanina

"Steam Down" wika ni Mhar

"Cool" pahabol ni Jofer

"Chillax Khimberly" wika ni Zaolo sabay higop ng juice, sabay sabay kaming napatingin kay Zaolo

"Sinong Khimberly?" tanong ko. Khimberly ba pangalan ni Khim? akala ko Khim lang

"Khim ang pangalan ko, sasampal ko sayo Birth Cert ko" banta ni Khim

"Masyado kang HB" sita ni Jenas "Stay Calm" this time lahat naman kami ay napatingin kay Jenas

"HB?" sabay sabay naming tanong

"Happy Birth" sagot ni Mhar. Biglang sumulpot sa tambayan namin si Mae

"Cerrah" tawag nya. Napaangat ang mukha ko sa kanya, ganon din ang mga kaibigan ko  "Pinakita sa amin ni Argz kanina yung sulat at regalo nya" sumbong nya na mayroong pity? sa mata nya. Kung hindi ko lang alam na isa sya sa kunsintidor ng mga kalokohan ni Argz ay maniniwala ako sa pa inosente effect nya pero hindi. Hindi ako nakadama ng kahit katiting na paniniwala sa pinapakita nyang worried kuno. Di ko alam kung anong isasagot ko mabuti na lang at bumuwelta si Jhec

#3 𝒮𝓊𝒸𝒸𝑒𝒹𝒶𝓃𝑒𝓊𝓂 (Jenas and Cerrah Book1) 3rd StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon