𝕮𝖍𝖆𝖕𝖙𝖊𝖗 16 : Arrangements

572 14 0
                                    


🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸
🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸
🌸🌸🌸🌸🌸

⚠️WARNING⚠️

Gonna warn you first!
This Chapter contains some unfaithful scenes???

🤥🤫🤔🤗

Thank you!

🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸

***** CERRAH

It's 10 in the evening at hindi parin ako makatulog, kanina pa ako paikot ikot, pabale balentong sa kama pero hindi talaga ako dinadalaw ng antok. Iniisip ko kung anong resulta ng try out ni Jenas honestly kanina ko pa sya gustong tanungin pero nahihiya ako tsaka, naiilang ako ngayon kay Jenas dahil... kanina sinabihan nya ako ng nakakakilig diba? sino bang hindi kikiligin kapag sinabihan kang maganda? tapos ang lambing pa nya sa akin kanina nakakapanibago pero mas gusto ko yung ugali nya ngayon di tulad nuong una kaming nagkakilala.

Tumihaya ako at natulala sa ceiling. He's 6 years older than me. I'm 18 He's 24 no wonder may pagka matured sya kumilos at mag isip. He's 24... then I remember what he said

"Virgin pa ako" nag register sa utak ko ang boses ni Jenas nuong araw na iyon "Swerte mo ikaw makakauna sakin"

"He's 24, Businessman, successful in life, Handsome with 2 ex girlfriends and still a virgin?!" tanong ko sa sarili ko nag sisinungaling sya right? sa estado ng buhay nya dapat playboy sya eh! agad akong umupo sa bed matanong nga si Jenas kung totoo yun o hindi tumayo ako "Teka, bakit about sexlife nanaman ang itatanong ko? dapat yung result ng try out" wika ko sa sarili ko. Umupo ulit ako sa bed at nag face palm "Cerrah, ano bang tumatakbo sa isip mo" parang disappointed ako sa sarili ko. "Utak, umayos ka" nabigla ako nang may kumatok sa pinto ko. Gabi na pero may kumakatok pa sa pinto ng kwarto ko? muli ay may kumatok sa kwarto ko. Hindi ako kumilos, malay ko ba? mamaya multo yon eii bigla akong kinilabutan sa imagination ko nang mapansin kong may Record book na pumasok sa uwang sa bandang ibaba ng pinto ko. Record book ng minutes of meeting namin yun ah, this time I know who knocked at the door it's Jenas. Agad akong tumayo at tumakbo para buksan ang pinto

"Jenas!" tawag ko, nakatalikod na sya at papunta na sa kwarto nya. Hinarap nya ako "Hi" bati ko. St*pid Cerrah ang awkward mo. Napansin ko pang napataas ang kilay ni Jenas sa pag tataka.

"Aaa— Haiii?" bati nya well, di ko alam kung binati nya rin ako ng hi o nagtanong kung anong ibig sabihin ko sa hi ang gulo promise!

"Ahm, Hi!" bati ko ulit "Hello"

"Are you drunk?" tanong ni Jenas

"Hindi ah!" tanggi ko

"You're acting weird Cerrah" puna nya sa akin  yeah, I know "Pinagtitripan mo ba ako?"

"Hindi!" sagot ko

"Then why—" tila di alam ni Jenas ang itatanong nya sa akin kaya napakamot na lang sya ng ulo "Matulog ka na, baka inaantok ka lang" tinalikuran nya ako "Goodnight Young Lady" at lumakad sya pero bigla ring huminto, napansin kong huminga sya ng malalim at mabilis na humarap sa akin, tila isang kurap ko lang ay nasa harapan ko na sya, natigilan ako nang bigla nya akong niyakap at isinubsob ang ulo ko sa bandang dibdib nya "Goodnight Cerrah" malambing nyang bulong at hinalikan ako sa ulo. Napapikit ako sa ginawa ni Jenas, ang sweet nya, never pang nagawa ni Argz sa akin ang mga nagagawang ka sweetan ni Jenas. Madalas kasing kasama ni Argz ang tropa at hindi naman sya pumupunta dito sa bahay para dalawin ako dahil wala rin naman daw mangyayari sa amin. I'm willing to give my virginity to him pero I'm not ready yet yan ang dahilan kung bakit mas pina prioritize nya ang tropa kaysa sa akin. Sometimes naman sweet sya eh ngalang may kapalit, torrid kiss o di kaya hipo. Ibang iba sa kanya si Jenas dahil aaminin kong mas lamang si Jenas kaysa sa sarili kong boyfriend. Nakakarelax ang yakap ni Jenas, nakaka kalma ang scent nya, parang gusto kong matulog sa mga bisig nya no, hindi sya ang gusto kong makasama, nangungulila lang ako sa presence ng boyfriend ko, I want Jenas to be Argz substitute. I want Jenas to be a succedaneum. Selfish ba ang dating ko? oo selfish na kung selfish pero, ayaw ko nang mapag iwanan, ayaw ko nang masapawan, ayaw ko nang may kaagaw gusto ko naman ako ang pinag aagawan, gusto ko ako ang may reserba. Pumasok sa isip ko si Czacarly, pag dating sa maraming bagay ay napag iwanan na nya ako kaya lalo nya akong minamaliit at binubully nuong elementary at highschool kami. Si Astrid naman ay palaging sumasapaw sa akin kaya naman ginagawa kong advantage ang pagiging competitive ko para maangatan sya pero may time na pumapalag talaga sya, lumalaban sya at ngayon ay si Jenah, wala akong pakialam kay Jenas, pero sa pinapakita nyang paglalambing at pagtrato nya sa akin na parang prinsesa? hindi ko pwedeng itapon lang sya, sayang din si Jenas at ayaw kong maagaw ni Jenah ang atensyon ni Jenas sa akin at kung sakaling mapatunayan kong niloloko ako ni Argz ay maaaring mabilis lang akong maka move on dahil see? Si Jenas ang reserba ko, He's my future husband after all.

#3 𝒮𝓊𝒸𝒸𝑒𝒹𝒶𝓃𝑒𝓊𝓂 (Jenas and Cerrah Book1) 3rd StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon