𝕮𝖍𝖆𝖕𝖙𝖊𝖗 9 : Marian Dean-Thomas a.k.a Ma'am Fil

684 19 0
                                    


🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸
🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸
🌸🌸🌸🌸🌸

⚠️WARNING⚠️

Gonna warn you first!
This Chapter contains Curse words, brutal actions, killings, torture

Patawarin nyo nawa ako mga banal na readers 🤗🤭😅

Thank you!

🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸

Sa kasagsagan ng maulang gabi, Isang putok ng baril. Nagtago ang Filipino Teacher sa isang sementadong haligo, Nakaupo sya habang hawak ang kanyang Caliber 45 na baril. Isa muling putok ang maririnig

"Asan ka na Four Eyes?" tanong ng boses lalaking huma hunting sa kanya. Humihingal ang guro  at inaabangan nya ang paglapit ng killer sa kinaroroonan nya. Nag kapa sya sa bulsa nya para kumuha ng magazine ng bala pero...

"Hahh" pag hinga ng malalim ng guro "Wala na akong bala" wika nya sa sarili nya, kinapa rin nya ang sugat na natamo nang matamaan sya ng bala ng kalaban, bumibigat na ang katawan ng guro dahil sa dami ng dugong lumalabas sa tiyan nya. Sa huling pagkakataon ay pinilit nyang mag contact sa HQ, hindi para humingi ng back up kundi para magbigay ng huling paalam

"Four Eyes" sagot ng HQ sa tawag nya habang naka bluethooth speaker sya "Anong balita? bakit nag iba ka ng ruta pauwi?"

"Kutaro, mukhang hanggang dito na lang ako" hingal na wika ni Four eyes

"Anong nangyari? nasaan ka?!" halata ang pagkabalisa ni Kutaro sa kabilang linya

"Di ko alam" lumunok ng malalim si Four Eyes "Napuruhan ako" huminga sya ulit ng malalim "Malakas sya, mag iingat kayo sa kanya"

"Buksan mo ang GPS mo ita track ka namin" utos ni Kutaro

"Huli na ang lahat" hingal na sagot ni Four eyes "Kutaro, gusto ko nang umuwi, iuwi mo ako"

"Uuwi ka ng ligtas at buhay Marian" wika ni Kutaro

sir na track na namin kung nasaan si Ma'am Marian

"Sagara! kumuha ka ng team mo at puntahan nyo si Marian, back up an nyo sya" utos ni Kutaro

"HULI KA!" sigaw ng killer at sinakal si Four eyes "Akala mo matatakasan mo ako ah!" sinapak nya sa mukha si Four eyes "Umiyak ka!!" sigaw nya pero hindi umiimik si Four Eyes

"Marian!" sigaw ni Kutaro sa kabilang linya

"Oh? may kausap ka?" kinuha ng Killer ang bluetooth headset ni Four eyes "Hello? hello?"

"Sino ka?! Wag mong sasaktan si Marian!" sigaw ni Kutaro, tumawa nag killer

"Haha! bakit kita susundin? Boss ba kita?!" natatawang tanong ng Killer, "Gusto ko ngang umiyak sya eh. Alam mo bang sadista ako? masaya ako na may nasasaktan, at mas masaya ako kung mas malakas yung iyak hihihihihi!"

"H*yup ka! lumaban ka ng patas!" sigaw ni Kutaro

"Ayoko nga!" nang aasar na sagot ng killer "Teka, excited na kasi akong marinig ang iyak ni Four Eyes, saan ba kita pupuruhan para naman ma share ko sa kausap natin yung sigaw mo?" tanong ng killer kay Marian "Ah! dito tayo mag sisimula!" nilapirot ng killer ang sugat ni Four Eyes

"Aaaahhhhhhh!!" pinag halong sigaw at sakit ang sigaw ni Four Eyes

"Sige pa! sumigaw ka pa!" utos ng killer habang sinasadista ang sugat ni Four Eyes "Ang sarap pakinggan! nakaka relaxxxx!"

#3 𝒮𝓊𝒸𝒸𝑒𝒹𝒶𝓃𝑒𝓊𝓂 (Jenas and Cerrah Book1) 3rd StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon