𝕮𝖍𝖆𝖕𝖙𝖊𝖗 78: Barkadang Bangag

418 17 0
                                    


🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸
🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸
🌸🌸🌸🌸🌸

*****Cerrah

Natigilan kami ni Jenas nang makatapat kami sa harap ng pinto ng classroom namin. Napalunok ako ng malalim

"Sa tingin mo, hindi kaya magulat sina Yvone na mag on na tayo samantalang kagabi lang eh... umiyak pa ako sa kanya dahil akala ko makaka date mo si Aleeiah?" tanong ko. Magkahawak parin kami ng kamay ni Jenas

"Ako nga inaalala ko sina Mhar, baka bombahin nanaman nila ako ng tanong kung naka score ako sayo" sagot ni Jenas, inipit ko ang kamay nya sa pamamagitan ng paghigpit ng hawak.

"Ikaw ba kinukwento mo sa kanila na may nangyayari satin?" tanong ko pero di ko tinitingnan ang mukha ni Jenas

"Hindi" sagot ni Jenas

"Good" sagot ko, Biglang bumukas ang pinto at bumungad samin si Mhar na malaki ang pagkakangiti pero nang makitang magkahawak ang kamay namin ay pakonti konting nawala ang ngiti nya.

"Totoo ba yung nakikita ko?" tanong ni Mhar, muli ay lumaki ang ngiti nya
"Guys! mag on na talaga sina Cerrah at Jenas!" sigaw ni Mhar

"Mhar!" pabulong kong sita, nag hiyawan ang mga classmates namin

"Wooohhhhh! magpapa lechon si Ma'am Cee!" sigawan nila

"Shete parang walang pambili ng lechon" sita ni Jofer

"Mga Mayayamang PG" natatawang habol ni Zaolo "Excited na ko sa lechon!" sigaw ni Zaolo at naki sali sa nag didiwang naming classmates

"Kayo na talaga?" nakangiti akong sinalubong nila Yvone "Nice job Jenas!"

"Good boy ka boy" puri ni Ivy at tinapik tapik ang balikat ni Jenas

"Engagement ring nyo yan?" tanong ni Jhec at tinuro ang singsing ko

"Ang cute...." nanggigigil na puri ni Nova

"Cerrah pahiram muna kami kay Jenas ah" paalam ni Mhar habang pinipilit na hilahin si Jenas palayo sakin

"Dun muna ko Babe" wika ni Jenas at hinalikan ang kamay ko

"My Ghawd! rawwrr!" kilig na tili nina Jhec at Nova, grabe, lalo akong na turn on sa boses at kilos ni Jenas.

"Hmmm, anong nangyari kagabi Cerrah?" pakindat kindat na tanong ni Khim na tila may naiisip na malisya

"Wala!" sigaw ko

"Guilty spoted" sabat ni Hazel "Nag early honeymoon yan"

"Sinulit yung valentines" gatong ni Ivy

"Ano ba kayo wala" pag sisinungaling ko, hinampas ni Yvone ang braso ko

"Ano ka ba joke lang!" natatawang wika ni yvone "We're happy for you C.E"

Nagsi ayos kami ng upo nang tumunog ang bell senyales na mag sisimula na ang unang subject. Hindi kami magkatabi ni Jenas pero magka grupo naman kami sa subject na to, Si Jenas ang leader at ako ang assisstant leader habang members namin sina Yvone, Hazel, Khim, Ivy, Jhec, Nova, Mhar, Jofer at Zaolo. Nang pumasok ang Prof. namin ay assignment agad ang hinanap nya.

#3 𝒮𝓊𝒸𝒸𝑒𝒹𝒶𝓃𝑒𝓊𝓂 (Jenas and Cerrah Book1) 3rd StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon