𝕮𝖍𝖆𝖕𝖙𝖊𝖗 96: Musang

288 8 0
                                    


🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸
🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸
🌸🌸🌸🌸🌸

Sylfaen, Blake, Blass, Segen, Sagara, Diether at Wise

"Bok, hindi na ma trace ang location ni Jenas" wika ni Diether habang maingat nilang tinatahak ang gubat

"Shoe prints" tawag ni Blass lumuhod sya para i check kung anong klaseng shoe prints dahil maaaring ibang sibilyan ang napadaan sa lugar na to, tinahak naman nina Blake at Segen ang paligid "Positive Bok, apat na prints, dalawang sapatos isang tsinelas at isang foot print ng babae"

"Heading North Route Bok" wika ni Sagara

"North route clarified, may mga sirang sanga" inamoy ni Sylfaen ang mga baling dahon "Fresh pa ang amoy, kakadaan lang nila dito" Bitbit ang mga baril ay mahinahon at maingat na tinahak ng mga musang ang daan.

Natigil sila nang makarating sila sa isang puno kung saan may mga bakas ng lubid na nalaslas.

"Bok! check the perimeter" wika ni Wise. kanya kayang manman sa paligid ang mga musang.

"Clear" wika ni Sylfaen nang nilibot nila ni Diether at Segen ang paligid

Habang tinatahak nila ang kagubatan ay napapansin nila ang daan na may mga sangang nakaharang, dalawang sangang magkatabi na ang direksyon ay padiretso

"Nag iwan si Jenas ng palatandaan kung saan sila dumaan" wika ni Wise, Pinag aralan nila ang direkyon ng pagkakalagay ng mga sanga sa dinadaanan nila, kung saan nakaturo ang dulo ng mga sanga ay yun ang tinatahak nilang direksyon.

"May sign ulit galing kay Jenas Bok!" sagot ni Sagara muli ay sinundan nila ang mga iniwang tracks ni Jenas

"Buti nalang at naalala nya ang tinuro ni Salvador" wika ni Sylfaen

"Multuhin sya ni Salvador kapag nakalimutan nya yung simpleng bagay na yan" sagot ni Blass

"Tayo mumultuhin ni Salvador kapag di natin mahanap si Jenas at lalo na kapag mapahamak yung misyon nyang si Cerrah" wika ni Blake

"Kanina nyo pa binabanggit si Salvador, baka nasasamid na yon habang kausap nya si San Pedro" biro ni Sylfaen.

"Hindi ba kayo nag tataka?" tanong ni Segen habang tinatahak nila ang daan "Bakit si Cerrah lang ang gusto nilang kunin samantalang involved din si Astrid sa sindikato"

"Sigurado akong hinati rin sila sa grupo tulad ng satin na nahati by sector" sagot ni Sagara

"Kay siguro mabilis nilang napatay ang mga superiors natin sa loob lang ng iisang gabi" seryoso at galit na wika ni Sylfaen.

"Meron traydor sa Bureau" wika ni Wise

"Ang tanong, sino yung ahas na yon?" tanong ni Diether

Habang naglalakad sila ay may naapakan si Segen kaya tinutukan nya ito ng flashlight

"Bok may patay na daga" bagot na warning ni Segen, Halatang sanay na sa trabaho si Segen trabahong parating nakakakita ng bangkay ng tao. Tiningnan nila ang patay na katawan ng tao. Tiningnan ni Blass ang marka ng sapatos ng bangkay.

#3 𝒮𝓊𝒸𝒸𝑒𝒹𝒶𝓃𝑒𝓊𝓂 (Jenas and Cerrah Book1) 3rd StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon