𝕮𝖍𝖆𝖕𝖙𝖊𝖗 56: Shawow

374 10 0
                                    


🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸
🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸
🌸🌸🌸🌸🌸

****** Cerrah

Ilang araw pa ang lumipas at unti unting nagbabago ang trato ko kay Jenas, lalo akong naging malamig sa kanya paano ba naman kasi kina career nya ang pagiging over protective bodyguard nya. Lalo pa akong pinaghigpitan ni Dad dahil binali ko na ang arrange marriage kuno namin ni Jenas. Based nga sa gusto ni Dad, Kailangang mag panggap si Jenas na fiancee ko pero di na ako pumayag kaya nagalit si Dad at pinarusahan ako, parusang gusto ko nang pag sisihan. Parusang ultimo sa kwarto nakabuntot si Jenas 😣😣😖😖😫😩

"Alam mo ba ang pakiramdam ng walang kalayaan? Walang privacy? Yan ang pakiramdam ko ngayon! Feeling ko wala akong kalayaan, wala akong karapatan sa sarili kong pamamahay dahil sa etchusera kong bodyguard! Napaka pakialamero ng buhay yang Jenas na yan!" Naiinis na reklamo ko sa mga friends ko sa video call habang naka higa sa kama at masamang nakatingin kay Jenas na naka higa sa kutson na nakalatag sa sahig di malayo sa pwesto ng kama ko. Pinaparinggan ko ang bodyguard ko. "Sige, jan na lang tayo mag kita hintayin nyo ako mag bibihis lang ako" Tumayo ako sa higaan kaya tumayo rin sa pagkakahiga si Jenas.

"Saan ka pupunta?" tanong ni Jenas.

"Anong pakialam mo? Boyfriend ba kita?" mataray na tanong ko

"Hindi." Sagot ni Jenas. "Pero gabi na kasi, ang instruction sa akin ng Daddy mo ay bantayan ka at huwag papapuntahin sa kung saan saang lugar lalo na kung gabi at madaling araw"

"Well, mag day off ka muna sa pag babantay mo sa akin tutal gabi na" utos ko. "Talikod, mag bibihis ako" utos ko. Tumalikod si Jenas.

"Hindi naman ikaw ang boss ko kaya di kita pwedeng sundin. Tsaka, imbes na gumala ka sa gantong oras ng gabi, mag aral ka na lang kaya kasi sa pagkakaalam ko muntik ka nang bumagsak sa Math, Science at History" wika ni Jenas habang nakatalikod.

"Tatay ba kita? teacher ba kita? Sila nga di ako sinasabihan ng ganayan tapos ikaw may gana ka pang pagsabihan ako about sa pag aaral ko, di naman ikaw ang nag papa-aral sakin kaya wag ka makialam okay" Naiinis na wika ko habang nag susuot ng damit, Nakakainis talaga sya, sobrang manhid nya di man lang ba nya naiisip na sya ang dahilan kung bakit hindi ako makapag focus sa studies ko? humarap si Jenas sa akin at pawang wala lang sa kanya ang makita ang katawan ko. Kung tutuusin wala naman talaga, nakita na nya ang katawan ko, nahawakan at natikman bakit magkaka malice pa sya?

"Di kita papayagang umalis kaya wag ka na magpalit ng damit" wika ni Jenas.

"Wow! At talagang humarap ka pa no? para ano? Silipan ako? Ayan nakita mo na katawan ko, happy ka na? papayagan mo na ba ako?" nang uuyam na wika ko.

"Lalabas ka tapos ganyan suot mo? Halos makita na yang bra at panty mo" puna ni Jenas.

"Nakikitingin ka na nga lang nag rereklamo ka pa? ano bang gusto mo para payagan mo akong lumabas?" Lumapit si Jenas at inilapit ang mukha nya sa mukha ko.

"Isuot mo na yan Cerrah, hindi ka lalabas ng kwarto mo sa ayaw at gusto mo di kita papayagan." harap harapang bulong ni Jenas sabay supalpal ng damit pangtulog at pajama sa muka ko at lumakad papunta sa higaan nya, hinila nya ang kutson at itinabi mismo sa pintuan ng kwarto para hindi ako makatakas. Sa inis ko ay hinagis ko kay Jenas ang damit.

#3 𝒮𝓊𝒸𝒸𝑒𝒹𝒶𝓃𝑒𝓊𝓂 (Jenas and Cerrah Book1) 3rd StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon