𝕮𝖍𝖆𝖕𝖙𝖊𝖗 4 : Undercover Agents

1K 26 0
                                    


🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸
🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸
🌸🌸🌸🌸🌸

***** JENAS

Hindi ko alam kung saan ba ako mag sisimula? Jusme! naranasan ko nang pumasok sa college pero iba naman yung ngayon, mag e enroll ako sa kursong wala akong kaalam alam, Ang sabi ni Salvador ayos na daw lahat ng dokumento ko na nag papatunay na estudyante na ako at nakausap na nila ang mga head ng school na to, siguro naman alam na nila ang pakay ko dito, siguro naman hindi na sila magiging mahigpit sa akin pero maigi na rin yung sigurado kaya didiretso na lang ako sa deans office para makipag usap.

Pag hinto ko ng sasakyan sa parking lot ay padabog na bumaba si Cerrah, aalamin ko sana kung nasaan ang deans office pero may nakita akong mga lalaki na masama ang tingin kay Cerrah, mukhang kahinahinala kaya imbes na mag stick ako sa plano ko ay sumunod nalang ako kay Cerrah. Grabe, Kapag magkataon sigurado akong sisiw lang to kidnapin. Ni hindi man lang maramdaman na nasunod ako sa likuran nya. Nang makapasok sya sa classroom nya ay napatingin sa akin ang mga classmates nya, siguro nanibago na may bago silang kaklase sa sitwasyong isang school year na lang ay ga graduate na sila pero di ko sila pinansin, nang uupo na si Cerrah habang inaayos ang bag nya ay binilisan ko ang kilos para di nya parin ako mapansin, agad akong pumuwesto sa likod para umupo. Sakto namang kasunod lang naming pumasok ang prof nila kaya nagsitahimikan ang mga kaklase ni Cerrah at ihininto ang pag dadaldalan. Nag simulang nag attendance ang prof, halos lahat natawag except sa akin.

"Excuse Mr, do you belong to this class?" tanong ng prof. Nagtinginan sila sa akin

"No Ma'am" casual kong sagot. Nakita kong nagulat si Cerrah nang mamukhaan nya ako "Sit in lang po ako"

"Ma'am, He's not a student here" sabat ni Cerrah at tumayo palapit sa akin "Sh*t in po sya" napatingin ako sa kanya dahil ano daw? Sh*t in ako?, narinig kong natawa pa ang mga kaklase nya "Please excuse us" hinila nya ako palabas ng room gamit ang backdoor "What are you doing here?"

"Sight seeing?" kunwari di ako sigurado sa sagot ko

"Good heaven! this is not a park, umuwi ka na" Gigil na utos ni Cerrah. This is what I hate about her, she always shout and shout and shout and shout.

"Boring dun sa bahay" patay malisya kong sagot

"Then go to the mall" wika pa nya "Mag shopping ka"

"Hindi ako si Barbie" bagot kong sagot, talagang marami syang naiisip na lugar to get rid of me hahah! what an asinine.

"Seriously Jenas? mag sha-shopping lang girlish agad?" tanong ni Cerrah, I gave her an aw-shucks grin "Go home!"

"Don't shout at me Young Lady" sagot ko "I am 6 years older than you"

"I don't care" bagot nyang wika "Just! Go away! having you near me is suffocating! sa bahay I can't breath comfortably pati ba naman dito masasakal ako sa presence mo?"

"Do I need to buy you an oxygen tank?" pokerface kong tanong

"You're joke sucks, it's not funny you know" sagot nya, "Go home..." tinulak tulak nya ako "Go awaaayyyy from me"

"Okay fine, fine" I surrender "You don't need to push me"

Akala siguro ni Cerrah malaya sya sa school, pupunta na nga lang ako sa school dean para makipag usap.

Habang hinahanap ko ang office ng school dean ay biglang may lalaking nag salita mula sa  gilid ng isang haligi na naka tayo sa corridor.

"Late ka na" wika ng lalaki. Bigla akong tumingin sa kinaroroonan ng nag salita, pagtingin ko ay si Saenz iyon. Bataan din sya ni Salvador katulad ko ay pinag training nya kami nuong bata pa para sa isang malaki at mahabang panahon mission.

"Saenz" wika ko

"Tapos nang magpaliwanag ang school dean ng mga rules and regulations ng school pati mga limits natin bilang Undercover agents" biglang nagpakita sa akin si Gertrude. Sya ang kaisa isang babae na na train ni Salvador, go sya sa kahit anong posisyon bilang agent except ang pagiging Sexpionage Penetration Agent o tinatawag namin na Swallow (Female Seductress). mapanganib ang misyon namin at ayaw ni Salvador na ilagay sya sa direktang kapahamakan  Si Gertrude dahil bagamat anak na ang turing nya sa aming lahat mas espesyal nga lang pag dating kay Gertrude dahil sya daw ang 'Unica Hija' nya.

"Gertrude" wika ko "Akala ko sa ibang misyon kayo nilagay ni Salvador?" tanong ko.

"Sana, kaso pinalit nya sina Sylfaen, Blake at Blass" sagot ni Gertrude "Tapos kami ang pinadala dito para mag assist sayo at mag bantay kina Chase at Flare"

"Nakita nyo na ba sila Chase?" tanong ko

"Oo pero hindi kami makadiskarte ng lapit sa kanila dahil sobrang higpit ng security nila" sagot ni Gertrude "Talagang malaking isda ang babanggain ng dalawang yun"

"Tama, sa kritikal ng misyon nila ay kailangang bukod sa mag manman ako sa Prinsesa mo ay kailangang  i back up ko pa sila" wika ni Saenz

"Plus, Kailangang mapalapit ako sa Prinsesa nila Flare at Chase" dagdag ni Gertrude "Sige na, kailangan na naming pumasok sa kanya kanya naming klase, Magiging classmate ni Saenz sina Chase at Flare sa Criminology Course at ako naman ay magiging classmate ni Astrid sa Business Course"

"Ikaw ba?" tanong ni Saenz

"Computer Science Course" sagot ko. ngumisi si Saenz

"Dapat si Diether ang pinasabak jan sa misyon mo dahil magaling sya sa mga codes codes" wika ni Saenz

"Sana nga pero sa opisina sya na assign" sagot ko.

"Tara na Saenz" aya ni Gertrude "Oo nga pala Jenas, hindi tayo magkakakilala dito at kunin mo ang assessment at ID mo sa deans office" Nang iwan nila ako ay pumasok na ako sa Deans office.

Habang palapit ako sa dean ay parang namumukhaan ko sya, teka? biglang nag flash sa isip ko ang matandang babae na nag ma mop ng floor sa bureau, nakatitig lang sya sa akin habang papalapit sa kanya.

"Maupo ka Jenas" wika ng matandang babae, sumunod ako sa inutos nya. "Kilala mo na ba ako?"

"Ikaw po, di ka po ba nagagawi sa bureau?" pagtataka ko, natawa ang babae

"Madalas ako sa bureau" sagot nya.

"Ikaw po yung?" di ko maituloy ang sasabihin ko, sya yung naglilinis palagi ng sahig sa bureau eh "Paano ka po naging School dean?"

"Masyado pa talaga kayong bata Jenas" nakangiting sagot ng babae "Ganyan na ganyan din ang reaction nina Gertrude at Saenz kanina" Tiningnan ko lang sya "Nasa mataas na posisyon dati ang Ama ko sa bureau habang ang ina ko naman ay school dean ng paaralang ito, minana nya ang paaralan na ito mula sa mga magulang nya at ako ang humalili sa kanya habang nagtatrabaho pa akong Undercover Agent nuon"

"Pero bakit po naglilinis ka ng sahig?" tanong ko

"Para matantsa ko kung karapat dapat kayo na isabak sa misyon" sagot ng babae "Sa akin nakasalalay ang posisyon nyo sa misyon at talagang napaka saya ko dahil halos lahat kayo ay magagaling kaya lang, gustuhin ko mang lahat kayo ay maisabak sa malaking misyon na ito ay kailangang maiwan sa bureau ang kaibigan nyong si Diether kasama ang mga batch nyo na sina Sendo, Segen, Sagara at Ren dahil kailangan namin ang skills nila sa opisina" paliwanag pa ng babae, iniabot nya sa akin ang isang papel at ID "Heto ang Assessment at ID mo, naka fix na lahat ng subjects at schedule mo kung saan masusubaybayan mo ng maayos ang Prinsesa mo. Mr. Jenas Rivaii Rivera, wag kang mag aalala tungkol sa security ng paaralang ito, bukod sa inyo ay may iba pang undercover agents na nakaantabay sa inyo, hindi nyo man sila kilala ay alam naman nila ang tunay na pagkatao nyo" tumayo ang babae "Gawin mo lahat ng makakaya mo para maprotektahan ang Prinsesa mo at mapagtagumpayan ang misyon" tumayo ako at sumaludo

"Ma'am! yes Ma'am!" matikas kong saludo.

"Dismissed" matipid na sagot ni Ma'am. Kinuha ko ang assessment at ID at tuluyang umalis.

🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸
🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸
🌸🌸🌸🌸🌸

#3 𝒮𝓊𝒸𝒸𝑒𝒹𝒶𝓃𝑒𝓊𝓂 (Jenas and Cerrah Book1) 3rd StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon