𝕮𝖍𝖆𝖕𝖙𝖊𝖗 74: Preparations

368 11 0
                                    


🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸
🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸
🌸🌸🌸🌸🌸

******Cerrah

Habang palapit ng palapit ang araw ng foundation day ay palaki ng palaki ang pagka irita ko kay Jenas, paano ba naman kasi, imbes na ipagtabuyan nya ang mga umaaligid sa kanya ay ine entertain nya pa kaya nagkakaroon pa tuloy ng hope yung mga higad na jojowain nya sila 😠😠

Nasa Gym kaming lahat at nag aayos ng mga decorations para sa mga booths kissing booth, marriage booth, tianggean, souvenir booth, Henna tattoo booth, make up booth, shooting range, Photo booth etc. Food court like pinoy street foods in hygenic way, coffee cart, juice cart, milktea etc., stage for battle of the bands, beauty contest, sing and dance competition at ang inaabangang hot boys. Bakit inaabangan ang hotboys? kasi full premium pack ang makukuha ng babaeng mag i spend ng malaking pera para sa isa sa mga hot boys namin ang kalahati ng malilikom ay mapupunta sa selected charity ng hot boys habang ang mapapanalunan ay... Couple Henna Tattoo, Couple Ring, Fake Marriage sa Marriage booth, Photoshoot, Flowers and Chocolates at ang special date sa isang private place na sponsored ng mga magulang ng students at staff ng school.

Habang nag aayos kami ng backdrop ng stage ay nag pupukpok naman sina Jenas at Jofer ng souvenir booth namin kung saan ibebenta ang mga stolen at hot pics ni Jenas, Si Mhar naman ay nagkakalat nanaman, nag suot sya ng cupid costume habang si Zaolo sumasayaw nang walang tugtog. Nag suggest din si Yvone ng cookie booth kung saan may puzzle piece ng pinaka hot picture ni Jenas

"I'm cupid!" sigaw ni Mhar habang hinahabol sya ni Champ ng walis tambo dahil imbes na tumulong ay naglalaro lang.

"Haaaayyy!" napa face palm si Hazel "Kaya naman pala na inlove si Khim sa kakaibang tao, yung kupido natin buang" nagtawanan kami sa sinabi ni Hazel

"Grabe ka!" sabay na depensa nina Yvone at Khim at mahina nilang pinag papalo si Hazel ng Crepe Paper

"Parang hindi magandang idea yung gagawin natin sa cookie mo Yvone?" tanong ko. Natigilan ang tatlo sa paghaharutan gayun din sina Nova, Jhec at Ivy. Nagu guilty ako, may napicturan akong napaka private oh my gosh! yung muscle an na back ni Jenas down to his... sexy butt 🤗🤗 medyo sumobra ako sa nagawa ko at nung time na nag share ako ng pics nya kina Yvone eh... galit na galit ako kay Jenas dahil nalaman kong nagpapanggap lang sya 😆😆😆 di ko na mababawi pa ang nagawa ko dahil ayaw din namang burahin ni Yvone yung picture na sinend ko sa kanya

"Kaya nga napaka sagwa Yvone" sabat ni Jhec habang nagdidikit ng backdrop "Itatapal mo yung pwet ni Jenas sa cookie mo" nagtawanan kami sa sinabi ni Jhec

"Kadiri ka Jhec iba yung iniisip mo" reklamo ni Yvone

"Itatapal mo yung kapiraso ng pwet ni Jenas sa cookie mo" pagtatama ni Nova

"Sa pwet nagkakatalo" sabay na sabat nina Khim at Hazel na tila ginagaya ang isang commercial ng diaper sa Philippines 😂😂😂

"Sa pwet!" sabay at natatawang asar nina Ivy, Khim at Hazel sabay apir

"Ang sasagwa nyo" inis na sagot ni Yvone "Ah basta! push ko yung plano ko"

"Naaawa ako kay Jenas, bugaw to the max yung ginagawa natin" wika ko

"Naaawa o nag seselos na may makakakita ng pwet ng bodyguard mo?" tanong ni Jhec "Ayyiiee lumalande" sinundot nya ang tagiliran ko "Alalahanin mo ghurl, galit parin kami sa kanya"

#3 𝒮𝓊𝒸𝒸𝑒𝒹𝒶𝓃𝑒𝓊𝓂 (Jenas and Cerrah Book1) 3rd StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon