𝕮𝖍𝖆𝖕𝖙𝖊𝖗 6 : Mhar, Jofer & Zaolo

1K 27 0
                                    


🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸
🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸
🌸🌸🌸🌸🌸

⚠️WARNING⚠️

Gonna warn you first!
This Chapter contains curse words

Patawarin nyo nawa ako mga banal kong readers 🤭🤗🤐

Thank you!

🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸

***** JENAS

Nang mag bell ay agad tumayo si Cerrah para lumabas ng room, Tumayo ako para sana sumunod sa kanya pero may biglang umakbay sa akin. Akala ko si Saenz iyon pero pag harap ko ay ibang mga tao pala.

"Dre, Mhar Thomas nga pala" pakilala nya sa akin, inalis nya ang pagkaka akbay nya para makipag shake hands, tiningnan ko muna kung isa sya sa mga undercover agent na sinasabi ng School dean pero mukhang estudyante lang naman sya. Kaso hindi ko alam kung estudyante lang talaga dahil magagaling ang mga undercover agents ng bureau na mag tago ng pagkatao. Kung isa nga syang agent na gustong makipag lapit sa akin ay hindi ko papakialaman ang misyon nya, maaaring marami rin kaming kalaban dito at para hindi kami pag hinalaan ay dapat maging makatotohanan ang pakikipagkapwa tao namin.

"Jenas Rivaii" pakilala ko at nakipag shake hands.

"Dre, Zaolo Malvar" pakilala ng isa pang kasama ni Mhar Thomas at nakipag kamay rin

"Jofer Capriano" pakilala ng isa pang lalaki.

"San ka pupunta Dre? Tara meryenda tayo habang vacant pa, may 15 minutes pa tayo" aya ni Mhar. Tumingin ako sa kinaroroonan ni Cerrah

"Salamat kaya lang-" di pinatopos ni Mhar ang sasabihin ko

"Hayaan mo na si Cerrah sa boyfriend nya" sabat ni Zaolo

"Boyfriend nya?" tanong ko, wala sa files ni Cerrah na may Boyfriend sya, siguro hindi nila i update ang files tsk! talaga naman, nakita kong lumapit si Cerrah sa isang lalaki at pinulupot ang kamay nya sa braso ng lalaki. Sinabihan na ako ni Carl Anthony na walang ibang pwedeng humadlang sa misyon kong maprotektahan ang anak nya, Inutusan nya rin ako na hindi sya kampante sa ibang lalaki para sa anak nya kaya kailangan kong ipagpilitan na ako lang dapat ang mamahalin ni Cerrah. Di bale nang maniwala sa kasinungalingan ang anak nya wag lang malagay sa alanganin ang buhay nito.

"Oo boyfriend nya yan" sagot ni Jofer, napahawak ako sa ulo ko. Talaga naman... simpleng pagkukulang lang nila sa data ni Cerrah ay  napasakit na nila ang ulo ko. Risk na hindi ko alam na bf nya yung lalaki dahil baka pagkamalan kong masamang tao yun at agad kong masunggaban haaayyy!

"Kaya pala ayaw nyang magpakasal sa akin" bulong ko sa sarili ko, nagulat ako nang
umakbay ang tatlo sa balikat ko

"Kayo ba?" sabay sabay na tanong nila

"Oo na Hindi" sagot ko "Arrange marriage"

"Naku Dre, mahirap kalabanin ang puso. Sabi ng kakambal ko narinig nya daw sa cr na pinag uusapan nina Cerrah at mga kaibigan nya na long time crush nya daw si Argz, since 1st year daw ay inlove na sya kay g*go" natatawang kwento ni Mhar "Oo nga pala, ipapakilala kita sa kakambal ko at mga kaibigan nya, classmates din natin sila pero nasa canteen lang"

"Ayos lang kahit hindi ako mahalin ni Cerrah, hindi ko rin naman sya type" malamig ang tono ng boses ko "Hindi ko habol ang puso nya"

"Awts" wika ni Zaolo "Kung narinig ka ni Cerrah sure ako mahu hurt yun"

#3 𝒮𝓊𝒸𝒸𝑒𝒹𝒶𝓃𝑒𝓊𝓂 (Jenas and Cerrah Book1) 3rd StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon