𝕮𝖍𝖆𝖕𝖙𝖊𝖗 8 : Ma'am Fil

757 18 0
                                    


🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸
🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸
🌸🌸🌸🌸🌸

***** JENAS

Ang hirap pala talagang maging President lalo na kung yung VP mo happy-go-lucky lang, yung tipong stress ka na pero yung mukha nya parang emoji na ewan lang, sarap ipalamon sa lupa eh! Wala ang teacher namin ngayon dahil may emergency meeting sila kaya sinulit ko ang libreng oras ng klase para i meeting din sila sa mga events this Semester na acquaintance, intramural, sports fest at halloween party. Medyo tinatamad na ako dahil napagod ako mag tutor ng Calculus ni Mhar, Foreign Language ni Zaolo at Literature ni Jofer

"Okay mga tao makinig kayo" pasimula ko "Parang Jurasic Park dito ah" pero hindi nila ako pinapakinggan at pinapansin "Sa pag kakaalam ko Class President ako ng Fourth year college, naliligaw ba ako sa room ng elementary?" Natahimik sila lahat at natuon ang atensyon sa akin "Makinig kayo sakin bago nyo makita kung gaano ako kabarumbado" pananakot ko, wala ako sa mood makipag laro sa kanila ngayon talagang babagsak na ang katawan ko sa pagod. "Tablahan kayo ng kaba sakin" Nakatayo ako sa harapan habang nakapatong ang mga palad ko sa desk ni Ma'am "Fourth year na tayo kaya ngayon sulitin nyo na ang pag sali sa mga school activities, Ikaw Zaolo narinig kitang kumanta sumali ka sa singing idol ikaw yung mic stand" nagtawanan ang mga classmate ko, kahit na gusto ko seryosohan lang pero ayaw ko namang isipin nila na ako si Cookie Monster kaya nagpatawa na lang ako. Isasakripisyo ko na lang ang mga tropa ko tutal sila ang dahilan kung bakit isang kalabit na lang ay mababaliw na ako.

"Naku Pres! baka pag marinig mo akong kumanta..." pag yayabang sana ni Zaolo

"Bakit may tinatago ka bang talent?" tanong ko

"Oo" sagot ni Zaolo

"Sige itago mo nalang yan" sagot ko waahhh! utak gumana ka!

"Anong nangyari kay Pres?" narinig kong tanong ni Champ kay Cerrah

"Ewan ko, baliw na yata" sagot ni Cerrah. hee, sino bang hindi mababaliw sa inyong lahat.

"Ikaw Cerrah sumali ka sa hataw sayaw ikaw yung hahatawin" pang aasar ko

"Talaga lang huh! kapag ikaw magtanong sakin sa JPRizal hindi kita sasagutin" sagot nya sa akin.

"Hindi mo ako kailangang sagutin, wag kang mag alala di kita liligawan dahil hindi kita type" sagot ko

"Wooohhh!" sigawng mga classmates ko. Napansin kong napanganga sa gulat si Cerrah

"Savage" habol nila Rej

"Boom barado" sigaw nila

"Hala galit si Daddy" sigaw ni Mhar. Natatawa ako sa mukha ni Cerrah, halatang napahiya sya sa sinabi ko dahil namula syang bigla, nagulat ako nang dumikit sakin si Czacarly at pinulupot ang kamay sa braso ko. Naku! dapat ba akong kabahan?

"Tara Pres, kain tayo nagugutom na ako eh" seductive ang boses nya sa akin

"Gutom ka na Carly?" seductive na ganti ko at hinawakan sya sa baba at hinimas himas ng hinlalaki ko ang kanyang pisngi

"Oo" pa cute nyang sagot sabay kindat

"Paano ba yan? ako di pa eh" wika ko. Nagtawanan sila Mhar sa naging reaction ni Czacarly

"Basted!" sigaw ni Zaolo

"Shut up Freak!" sigaw ni Czacarly kay Zaolo at kumalas ng hawak sa akin

"Ano ba yung paburitong prutas ni Dr. J.P.Rizal? yung makati?" bulong ni Zaolo kay Champ

"Mabolo" sagot ni Champ

"Czacarly mabolo ka ba? Ang kati mo kasi eh" sigaw ni Zaolo, saltikin din tong si Zaolo

"Tigilan mo ako Zaolo!" sigaw ni Czacarly "Palibhasa basted ka sakin kaya masyado kang bitter"

"WoooAahhhh" sigaw ng mga classmates ko, grabe, papatulan ko pa ba sila? haaayyy! pag hinga ko ng malalim, tama bang tinanggap ko ang misyon na ito? parang eto lang ang trabahong susukuan ko, hindi ko alam kung hanggang saan ko maha handle ang mga kaklase kong Psychotic.

ღ(¯'◕‿◕'¯) ♫ ♪ ♫  ♫ ♪ ♫ (¯'◕‿◕'¯)ღ

Nag di discuss si ma'am tungkol sa thesis namin sa JP Rizal, diba? may thesis pa kami sa Filipino? hindi lang namin kailangang problemahin ang major thesis namin pati baby thesis kailangan seryosohin. Bumuntong hininga ako.

"Class" wika ni Ma'am "Habang maaga pa ay dapat naayos nyo na ang thesis nyo. Mas mahabang panahon na pag gugol, mas better ang result than rush"  tama, may point ka ma'am, sa haba ng panahong ginugol ko sa misyon, sigurado akong may magandang resultang kalalabasan "Ayaw kong malalaman na naaadik kayo sa computer games o kahit anong laro na may pustahan. Kapag matalo kayo daan daang piso ang mawawala sa inyo, pero kapag thesis ang binagsak nyo libo libo ang mawawala sa inyo" Tumingin ako sa mga kaklase ko, nakikinig lang sila sa payo ni Ma'am "Mag tulungan kayo, pag di alam ng iba ay turuan nyo. Hindi ko tinuruan ang CS na maging madamot, kung sa batch nyo ay magkakaroon kayo ng competition panigurado lahat kayo babagsak. Ang tunay na competition ay wala dito sa loob ng paaralan kundi nasa labas. Sa industry"
Parang malakas ang impact ng payo ni Ma'am para syang si Salvador kung mag payo sa amin. Naalala ko nanaman si Salvador kumusta na kaya si Tatang?

Napansin kong tinatali ni Mhar ang bag ni Zaolo sa upuan, napangisi ako dahil nag senyas si Mhar sa akin ng hush nang makita nya akong nakatingin sa kanya.

"At saka nga pala mag review kayo, May exam kayo bukas, last test natin yung mga bagsak honest yan, pero kapag bumagsak ulit kayo shonga shonga na yan" pagpapatawa ni Ma'am natawa kami sa sinabi nya. Pero may something na mali eh, bakit nakatingin si Ma'am kay Mhar? nakita kaya ni Ma'am yung ginagawang kalokohan ni Mhar sa likod ni Zaolo? "Sige nga review tayo. Ano ang mga bubong dati?"

"Makahiya". bagot na sagot ni Jofer, nagtawanan sila

"Ah! gusto mo mapahiya ah!" wika ni Ma'am

bug! nagtinginan sila lahat sa akin habang ako naman ay naka hawak sa ulo ko, nalaglagan ako ng bunot sa ulo! Paanong?! sinong barabas ang nag tali ng bunot sa itaas ng inuupuan ko?

"Napano ka dre?" natatawang tanong ni Mhar

"Pano ka nahulugan ng bunot jan?!" tanong ni Zaolo

"Sinapian lang yan ng espiritu ang bu-tu" biro ni Champ. Napakamot ako ng ulo. Sino kaya ang nagprank sa akin?

🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸
🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸
🌸🌸🌸🌸🌸

#3 𝒮𝓊𝒸𝒸𝑒𝒹𝒶𝓃𝑒𝓊𝓂 (Jenas and Cerrah Book1) 3rd StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon