I Haunting memories of the past I

9K 349 4
                                    


KABANATA VI


Third Person's POV

After the small conversation they had with each other. Everly and beta Jake decided to finally go down and check on manang in the kitchen. Nang makarating sila doon ay kaagad na nanuot sa kanilang ilong ang mabangong amoy ng niluluto nito.

Sabay muling nagtama ang kanilang tingin bago namuo ang ngiti sa labi.

"Looks like we're both smitten by manang's cooking abilities." Pabirong usal ni Jake dahilan kung bakit tuluyang lumingon sa kanilang direksyon si manang linda na panandaliang napahinto sa kanyang pagluluto.

"Nariyan na pala kayo. Maupo na din kayo ay maya-maya lang ay handa na itong aking niluluto." Sambit ni manang linda bago muling ibinalik ang atensyon sa paglalagay ng rekado sa kanyang niluluto.

Jake gestured to Everly to go sit first before pulling a chair for her. Hindi naman mapigilan ni Everly ang mahiya dahil sa ginawa nito. He's a gentleman as always. Pagkatapos niyon ay naupo na rin si Jake sa kanyang tabi.

"Kamusta ang inyong pag-uusap?" Biglang usal ni manang ng hindi inaalis ang tingin sa ginagawa nito. Muling lumingon si Jake sa kanya at ngumiti.

"It went well. Actually I think I have found a new sister." Hindi na naitago ni Everly ang panlalaki ng mata dahil sa gulat. Hindi niya inakalang ita-trato na siya kaagad ni Jake bilang parang kapatid. They both correlate with each other in some aspect of their life, and their little talk is the reason why they get to know more of each other.

Unti-unting napalitan ng saya ang ekspresyon ni Everly dahil doon. Hindi man siya biniyayaan ng mabuting kapatid na lalaki na maga-trato sa kanya ng maayos, sobrang swerte niya naman ngayon at nakilala niya ito. Her smile grew wider as she moved her gaze toward manang who was already spying on them suspiciously.

"Iniwanan ko lang kayo saglit upang kayo ay makapag-usap at ganyan na kayo kaagad kakumportable sa isa't isa?" Hindi makapaniwalang usal nito. She looked at Everly and smiled.

"I told you. Beta Jake is a good man, and I'm happy that you two built your trust with each other. Siguro naman Jake ay magkakaroon ka na ng dahilan para palagi akong bisitahin dito hindi ba?" Tila nagpaparinig na usal ni manang na siyang tinawanan lang nilang dalawa. Naiiling ang ulo na ibinalik ni Beta Jake ang tingin sa matanda.

"Masyado lang po talagang maraming inaasikaso sa pack kaya hindi na po ako laging nakakadalaw sa iyo manang. 'Wag kang mag-alala dahil babawi na lang po ako sayo pagbalik ko dito." Sambit ni Jake na umani ng ngiti sa labi ng matanda.

"Don't be too pressured to go here and visit me Jake. Alam ko na kasalukuyang maraming inaasikaso sa pack kaya naiintindihan ko kayo ni Greyson. Masaya pa din naman ako dahil kahit papano ay naglalaan ka pa din ng oras para dalawin ako rito. Salamat Ijo." Isang maliit at mapang-unawang ngiti ang namuo sa labi ni manang habang nakatingin sa direksyon ng Beta.

She regards these two powerful pack members as her own son and family. Because she was unable to have her own family due to her tragic past, she cannot deny that she has long found the family she desired, and that is this family.

"Go on, eat up. Lalamig ang pagkain kung magkukwentuhan lang tayo dito." Pabirong usal ni manang matapos ang ilang minuto na pag-uusap. Napatawa na lamang silang dalawa bago nag-umpisang kumain.

"Kamusta pala ijo ang pack? Wala naman bang masyadong problema pa ngayon?" Muling pag-uumpisa ng konbersasyon ni manang. Tahimik lang naman na nakikinig si Everly dahil hindi din naman siya ganun kalapit sa pack para makialam sa pag-uusap ng mga ito tungkol sa mga problemang nangyayari doon.

MY CURSED MATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon